Nalilito ka
ba sa kahulugan o etimolohiya ng ilang salita? Ngayon libre mo nang
mapag-aaralan ang wikang Filipino.
Abot-kaya
nang makakakuha ng kopya ng Balarila ng Wikang Pambansa sa libreng download ng
PDF file nito, ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino sa kanilang Facebook page.
Si Lope K.
Santos ang nagsulat ng Balarila ng Wikang Pambasa at inilathala ito ng Surian ng
Wikang Pambansa noong 1939.
Nahahati ang
libro sa apat na parte: kagaya ng palatiktikan, palabigkasan, palaugnayan at
palasurian.
Makikita sa
balarila ang ilang kaalaman, gaya ng tamang pantukoy sa mga hayop, depende sa
kasarian. Maaari mo rin malaman ang pagkakaiba ng mga unlapi na Mang, Man, o
Mam, at marami pang iba.
Narito ang link para ma-download ang
"Balarila ng Wikang Pambansa."
Mga Sanggunian:
ABS-CBN News. Sep 17 2019. Libreng aklat: Balarila ng Wikang Pambansa maaari nang ma-download. Retrieved from https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Balarila-ng-Wikang-Pambansa-1.pdf
https://news.abs-cbn.com/life/09/17/19/libreng-aklat-balarila-ng-wikang-pambansa-maaari-nang-ma-download
https://www.facebook.com/angkomisyonsawikangfilipino
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento