Pantig
Ang pantig ay binubuo ng isang salita o
bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng isang walang bugso ng
tinig.
Ang isang salita ay binubuo ng o ng mga pantig. Ang isang pantig ay binubuo ng mga tunog (pasalita) at letra (pasulat). Nakaklasifay ang mga letra sa dalawa, mga consonant o katinig "K" at mga vowel o patinig "P".
Sa Tagalog,
meron lamang apat na kayarian:
1. P - isang patinig, tulad sa unang pantig ng salitang "aso" (P-KP) [na may dalawang pantig “a” (P) at “so” (KP)]
2. KP - isang katinig at isang patinig, tingnan sa blg. 1
3. PK - isang patinig at isang katinig, tulad sa unang pantig ng salitang “astig” (PK-KPK) [na may dalawang pantig “as” (PK) at “tig” (KPK)]
4. KPK - isang patinig sa gitna ng salawang katinig, tingnan sa blg. 3
Nang pumasok
ang mga salitang Spanish, nagkaroon ng “kambal-katinig” (tulad ng BR sa
salitang “braso”, PL at TS sa salitang “plantsa” atbp.) o klaster sa
Filipino. Nandyan ang KKP (”bra” ng salitang braso) at KKPK (”tren”).
Sa Filipino,
tanggap ang paggamit ng mga salitang hiram sa English at binaybay sa Filipino.
PARAMIHIN
PAUNTIIN
Salamat
TumugonBurahin