Huwebes, Setyembre 23, 2010

Part 13

Part 13
Ang pagsasaad ng pagpapakasal ni Don Juan kay Prinsesa Leonora at pagpapaalala kay Don Juan tungkol sa delos Cristal at ang mga ginawa ni Prinsesa Leonora

Buod

Pag pasok sa kaharian ni Don Juan ay lumabas kaagad si Prinsesa Leonora at lumapit sa kaniya. Agad nakalimutan ng prinsipe ang iniwanang si Prinsesa Maria Blanca.

Ipinagtapat ni Prinsesa Leonora na mahal niya si Don Juan at hindi ang tampalasang si Don Pedro.

Itinakda kaagad ng hari ang kasal nila kinalingguhan. Samatala, naghintay si Prinsesa Maria Blanca ng tatlong araw. Nalaman niya sa balita na pakakasal si Don Juan sa Linggong darating.

Kumuha siya ng isang magarang karosa, nagsuot siya ng magarang damit at dumalo sa kasal.

Inihinto muna ni Haring Fernando ang kasal para makapagpakita ng sayaw at laro ang Emperatris na dumating.

Ang naglalaro ay isang negrito at negrita na siyang nag-papaalala sa negrito sa mga nangyari habang pinapalo ito ng negrita ng suplina pagkatapos sumayaw.

Sa huli at hindi pa rin maalala ni Don Juan kung sino si Prinsesa Maria Blanca ay binalak nitong basagin ang malaking bote sa tinding galit.

Dito naalala ni Don Juan kung sino ang emperatriz at siya ay himingi ng tawad. Hiniling niya sa ama na pakakasalan niya si Prinsesa Maria Blanca st hindi si Prinsesa Leonora.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento