Ibong Adarna Script


 "Ibong Adarna"

Narrator: Magandang umaga/hapon sa inyong lahat. Ngayong hapon, magpepresenta kami ng isang dula na pinamagatang "Ibong Adarna". Ang kwento nito ay nagsisimula sa isang masayahing kaharian ng Berbanya. Doon, halos araw-araw ay may handaan. Ang hari ng Berbanya ay si Haring Fernando. Ang asawa niya ay si Reyna Valeriana. Ang mag-asawa ay may tatlong binatang anak. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Haring Fernando: Magsisimula na ang handaan, mga anak! Pumili na kayo ng mga babae na isasayaw ninyo. Maraming magagandang mga babae na nandoon na sa labas.

Reyna Valeriana: Ehem...

Haring Fernando: Ngunit, mas maganda pa rin ang reyna ng puso ko. Alam mo na man, 'di ba mahal kong, Valeriana?

Narrator: Habang nag-uusap ang selosang reyna at ang kawawang hari ay nag-uusap rin ang tatlong mga prinsipe.

Don Diego: Narinig mo si papa, mga kapatid? Marami na raw'ng chicks sa labas! Ano pa ba ang hinintay natin?

Don Juan: (Hahaha) Haay nako, si Kuya Diego talaga!

Don Pedro: Tumigil nga kayong dalawa! Para kayong mga naliligaw na mga unggoy na nanggagaling sa kagubatan!

Narrator: Kitang-kita na naman ang mga iba't ibang kaugali ng mga magkakapatid. Ang panganay na si Don Pedro, ay seryosong-seryoso. Isang chicksboy naman si Don Diego ang ikalawa. Ang bunso na si Don Juan ay mabait na mabait.

Babae #1: Wow, ang gwapo talaga ng mga prinsipe!

Babae #2: Haay! Ang suwerte natin talaga !

Babae #3: Para akong lumulutang sa hangin!

Don Diego: Hi girls! Ako po si Prinsipe Diego. Ikalawang anak ng mahal na hari at reyna ng Berbanya. Maaari bang makisayaw, magandang binibini?
(Babae #2 was asked but Babae #1 stole Diego)

Babae #1: Oo! Oo! Halika na at magsayaw na tayo!

Don Diego: Okey na rin.

Haring Fernando: O. Pedro, Juan. Ba't pa kayo hindi pumili?

Don Juan: Magandang gabi, binibini. Maaari bang makisayaw?

Babae #2: Sige po, mahal na prinsipe.
(Reyna Valeriana nudges Haring Fernando. He shakes his head)

Don Pedro: Halika nga!

Haring Fernando: Ako ay maligaya na nandito na lahat kayo. Ngayon, magsimula na tayo sa handaan!
(Haring Fernando and Reyna Valeriana goes down their throne. "Sway" plays)

-End of Scene 1-

(Everyone claps-except Haring Fernando & Don Pedro)
Haring Fernando: Nahihilo na ako, yata. Mabuti pang papasok muna ako sa kwarto.

Reyna Valeriana: Okay ka lang ba, Fernando? Mas mabuti pa kung sasamahan kita sa kwarto.

Haring Fernando: Hindi. Hindi. Kawawa naman ang mga bata. Dito ka lang hanggang matapos ang handaan.

Reyna Valeriana: Sige, Fernando.

Don Juan: Ano kayang nangyari kay papa?

Don Diego: Hindi ko alam. Kasama ko kasi ang isang babae. Eh, hindi ko na alam rin kung ano ang nangyayari sa paligid ko!

Don Pedro: Ano ba itong kalokohan? Wala akong pakialam kung ano ang nangyayari kay papa. At lalo pa akong walang pakialam sa handaang ito!
(Don Pedro walks out)

Narrator: Sa pag-alis ng hari ay naging malungkot ang handaan. Pag-alis naman ni Pedro ilang sandali lamang ay tumigil na ang party.

-End of Scene 1-

Narrator: Nag-aalala na ang reyna sa kanyang asawa. Umupo siya sa trono niya dahil matakot siyang madisturbo ang asawa niya. Ngunit, narinig niya ang malakas na
pag-iyak ng kanyang asawa pagkatapos umalis na ang lahat.

Haring Fernando: *Cries and Sobs
Reyna Valeriana: Naku! Ano ang nangyayari, Fernando? Heto, uminom ka ng tubig muna.
Haring Fernando: *Drinks and pushes the goblet away
Nagkaroon kasi ako ng isang napakalungkot at napakanginginig na panaginip. Si Juan, sinaktan siya ng dalawang mga salbahe. Hindo ko nakita ang kanilang mga mukha. Malubha ang kalagayan ni Juan at itinapon pa siya sa isang balon na napakalalim!

Reyna Valeriana: Dahan-dahan, mahal kong asawa. Itulog mo lang 'yan at mawala rin ang kaba mo.

Narrator: Ngunit, mali ang reyna. Maraming araw nang lumipas ngunit hindi talaga kumain o uminom man lang ang hari. Hindi rin nagtagal ay nagkasakit siya at malubha ang kalagayan. Lagi na lang sa loob ang mag-asawa ng kanilang kwarto.

-End of Scene 2-

Don Juan: Ilang araw na bang lumipas? Hindi na tayo nagsama-sama sa pagkain, mga kapatid?

Don Diego: Ayan ka naman, Juan! Ikaw nga ang bunso namin ngunit ganyan ka makapag-iisip. Ikaw na rin ang magmukhang mas matanda pa kay Pedro!

Don Pedro: Ang kadal-dalan mo lang ang dahilan sa kamatayan mo, Diego. Hindi niyo ba alam na ito ay isang napakanganib na sitwasyon sa Berbanya? Sino nalang ang susunod na hari kung mamamatay siya?

Don Juan: Hindi siya mamamatay! Hindi!
(Don Juan walks away)

Don Diego: Paano mo ba 'yan masasabi, kuya? Kung malaman ito ni mama, lagot ka sa kanya!

Don Pedro: Huwag mo akong tanungin! Hindi ka dapat magtanong sa susunod na hari! Ako ang panganay kaya ako dapat ang susunod. Kayo ni Juan ang magiging alipin ko at
hindi na kayo makapagtanong pa sa kapangyarihan ko!
(Don Pedro also walks away)

Don Diego: Ako nalang talaga ang magmukhang bata sa kapatid ko! Shucks, ang ganda mo talaga!

-End of Scene 3-

Narrator: Ipinatawag na ng reyna ang lahat na magagaling na doktor sa Berbanya.

Reyna Valeriana: Salamat at nakarating na kayo dito. Maraming salamat talaga.

Doktor #1: Walang anuman, mahal na reyna.

Doktor #2: Isa itong napakapambihirang sakit.

Doktor #1: Hindi pa namin ito naranasan pa sa ibang pasyente pa namin.

Doktor #2: Hindi kaya ito isang... isang gawain ng mangkukulam? Siguro alam ng albularyo ito.

Reyna Valeriana: Albularyo? Sinong albularyo?

-End of Scene 4-

Narrator: Si Mang Isidoro ang sikat na albularyo sa Berbanya. Ang kasikatan niya ay hindi pa nakaabot sa palasyo kung hindi pa sa mga doktor na nakapagbanggit sa kanyang
pangalan sa reyna. Agad siyang pinatawag dahil sa walang pag-asa na na reyna.

Albularyo: Ah. Mahal na Reyna. Ako po si Mang Isodoro. Ipinatawag niyo po ba ako?

Reyna Valeriana: Oo. Salamat sa Diyos at nakarating ka na sa palasyo. May bihirang sakit kasi ang asawa ko. Maaari mo ba siyang tingnan?

Albularyo: Siyempre naman. Hmm...

Reyna Valeriana: Ano ang sakit ng asawa ko, Mang Isidoro?

Albularyo: Hindi ko kayang igaling ang sakit niya ngunit alam ko kung ANO ang
makapagpagaling niya.

Reyna Valeriana: Ano po ba? Bakit? Ano ang sanhi ng kanyang sakit?

Albularyo: Ang sakit po ng hari ay dala sa isang bangungot. Ang ibong adarna lamang ang makapagpagaling sa kanya. Ang mahiwagang ibon na 'to ay matatagpuan sa isang puno sa Bundok Tabor-ang Piedras Platas. Ang himig lamang nito ang makapagpagaling sa hari.

Narrator: Ngunit, habang ipinaliwanag ng albularyo sa reyna ay nakikinig si Don Pedro sa labas.

Don Pedro: Huwag ka ngang maingay! Maririnig ako! Kay lakas kasi ng boses mo!

-End of Scene 5-

Narrator: Pagkatapos pinaggalitan ako ni Pedro ay pumunta siya sa silid-aklatan at nag-iisip.

Don Pedro: Gusto kong makuha ang korona ng aking papa. Gusto ko ako lamang ang maghahari sa Berbanya. Kung sasabihin ko na gusto kong maging hari na ngayon dahil malapit na mamamatay ang ama ko, magagalit si mama sa akin. Kailangan ko muna makuha ang pagtitiwala nila-lalo na kay mama. Ano kaya ang ibong adarna?

Narrator: Pagkatapos ng ilang oras, napadaan si Don Diego at si Don Juan.

Don Diego: Mag-aaral ka ba?

Don Pedro: Hindi. Meron akong hinahanap.

Don Juan: Ano po ba ang hinahanap mo, kuya?

Don Diego: Oo nga kuya. Baka nabasa na ni Juan. Hmm... nabasa na yata niya ang lahat ng aklat dito!

Don Pedro: Sige. Sabihin mo sa akin ngayon, Juan. Ano ang 'Ibong Adarna'?

Don Juan: Ibon po siya, kuya. Mahiwagang ibon na kumakanta. Matatagpuan raw siya sa Bundok Tabor. Kay gandang pakinggan ang himig niya at makatulog ka. Dito magsisimula ang gulo dahil kung mabawasan ka niya, maging buhay na bato ka.

Don Diego: Bravo! Bravo! Idol ko!

Don Pedro: Tumigil ka! Kailangan kong hanapin ang ibong ito. Ito lamang ang makapagpagaling kay papa.

Narrator: Ikinukwento ni Pedro kung ano ang kanyang narinig habang nag-uusap ang kanilang ina at ang albularyo sa kwarto. Akala nina Diego at Juan na naging tuwid
na ang kanilang kapatid ngunit meron pala itong itinatagong masama na plano.

-End of Scene 6-

Narrator: Maagang gumising ang reyna sa sunod na araw. Sinamahan niya ang kanyang mga anak sa pagkain ng almusal.

Don Juan: Magandang umaga, mama.

Reyna Valeriana: Magandang umaga, Juan at sa inyong dalawa.

(Pedro nudges Diego)

Don Pedro: Bakit ba maaga kang gumising ngayon, mama?

Reyna Valeriana: Gusto ko na kasing ipaabot sa mga kabalyero at sundalo natin na puntahan nila ang Bundok Tabor at kunin ang Ibong Adarna.

Don Pedro: Huwag mo nalang silang aksayahin, mama. Ako nalang ang pupunta.

Reyna Valeriana: Sigurado ka ba, anak? Malayo ang Tabor.

Don Pedro: Kakayanin ko, mama. Pabaonan mo lang ako ng pinakamasarap na tinapay at pinakatamis na tubig. Ihanda na rin ang pinakalakas na kabayo.

Reyna Valeriana: Masunod po, anak.

Narrator: Kaya, nagsimula na si Pedro sa kanyang paglakbay. Malayong-malayo ang kanyang naabutan na. Malapit na siya sa Bundok Tabor ngunit hindi pa niya alam. Paano kasi bida siya. Namatay ang kanyang kabayo at nagpatuloy siya sa kanyang paglakbay gamit sa kanyang mga paa. Malapit nang maubos ang baon ni Pedro noong nakasalubong niya ang isang matandang pulubi.

Pulubi: Ah. Anak. Meron ka bang natitirang kahit maliit na tinapay diyan? Tubig? Kay tagal ko ng hindi nakakatikim ng pagkain o nakapag-inom. Sana'y maawa ka sa akin, anak.

Don Pedro: Kay layo pa nga ng lalakbayin ko. Kung ibibigay ko ang baon ko, ako ang kawawa. Ano'ng akala mo sa akin? Gago!

Narrator: Iniwan ni Don Pedro ang kawawang pulubi. Hindi rin nagtagal ay natagpuan na niya ang puno na hindi karaniwan. Hindi niya ito nakikita pa hanggang ngayon. Napaka ganda ng puno. Ang mga dahon ay parang diyamante.

Don Pedro: Gabi na raw babalik ang ibon. Huminga muna ako dito sa ilalim ng puno.

Narrator: Dahil pagod na pagod na si Don Pedro, tulog pa rin siya pagdating ng ibong adarna sa kanyang puno-ang piedras platas. Nagpalit ang ibon ng kulay at kumanta ito ng
himig. Lalo pang nakatulog ang prinsipe pagkatapos kumanta ang ibon ay nagbawas
ang siya at natamaan si Diego at naging buhay-bato siya.

-End of Scene 7-

Narrator: Maraming buwan ng lumipas at si Don Diego na naman ang nagpunta sa Bundok Berbanya.

Don Diego: Mama, ako na ang susunod ni kuya Pedro.

Reyna Valeriana: Sigurado ka ba, anak? Malayo ang Tabor.

Don Diego: Kakayanin ko, mama. Pabaonan mo lang ako ng pinakamasarap na tinapay at pinakatamis na tubig. Ihanda na rin ang pinakalakas na kabayo.

Narrator: Si Don Diego na naman ang nagpasya sa paghahanap ng ibong adarna at sa
kanyang kuya. Katulad rin ni Don Pedro, Namatay rin ang kanyang kabayo at nagpatuloy siya sa kanyang paglakbay gamit sa kanyang mga paa. Malapit nang maubos ang baon ni Diego noong nakasalubong niya ang isang matandang pulubi.

Pulubi : Ah. Anak. Meron ka bang natitirang kahit maliit na tinapay diyan? Tubig? Kay tagal2 ko ng hindi nakapagkain o nakapag-inom. Sana'y maawa ka sa akin, anak.

Don Diego : Eww! Mabaho! Hindi kita nakita... Hindi kita nakita ngunit naaamoy kita.

Narrator : Hindi rin nagtagal, nakita na ni Don Diego ang Piedras Platas.

Don Diego : Wow! Ang ganda!

Narrator : At dahil pagod si Don Diego at sa dilim pa dadating ang ibon, nagpahinga muna siya ilalim ng puno. Ang pangyayari ay magkapaerho pa rin, nabawasan siya at naging buhay-bato.

Narrator : Mas nalungkot pa ang palasyo dahil mamamatay na nga ang hari, nawala pa ang dalawang prinsipe. Gusto ni Juan na siya na ang hahanap ng kanyang mga kapatid
at sa ibong adarna.

Don Juan : Mama. Mama. Ako na ang pupunta.

Reyna Valeriana : Hindi maaari. Ikaw nalang ang natitira sa mga anak ko.

Don Juan : Mama, isusumpa ko sa ngalan ng Diyos na mailigtas ko ang 2 kapatid ko at makuha ang ibong adarna.

Reyna Valeriana : Sige na. Pero ang mga tinapay natitira ay hindi na kay sarap sa baon ng mga kuya mo. Ang mga tubig ay hindi na 'rin ganun katamis. Ang kabayo natira ay hindi na rin malakas.

Don Juan : Kakayanin ko, mama.

-End of Scene 8-

Narrator : Dinaranas ni Juan ang pag-subok na nalagpasan ng kanyang mga kapatid. Namatay ang kabayo niya at nakasalubong ang matandang pulubi.

Pulubi : Ah. Anak. Meron ka bang natitirang kahit maliit na tinapay diyan? Tubig? Kay tagal2 ko ng hindi nakapagkain o nakapag-inom. Sana'y maawa ka sa akin, anak.

Don Juan : Heto po.

Pulubi : Salamat, Don Juan, salamat talaga.

Don Juan : Alam niyo po ba ang pangalan ko?

Pulubi : Oo pero huwag ka ng magtanong pa. Alam ko hinahanap mo ang ibong adarna. Malapit ka na sa Piedras Platas, ang puno na tinitirhan ng ibong adarna. Kumikislap siya
parang diyamante. Huwag kang huminga sa ilalim ng puno. Pumunta ka muna sa kubo
hindi malayo sa puno. Doon mo makikita ang mga gagamitin mo mamaya.

Don Juan : Sige po. Salamat, mama

Narrator : Nagpatuloy si Juan sa kanyang paglalakbay. Kahit pagod na siya pagdating sa
puno, sinunod pa rin niya ang payo ng misteryosong pulubi.

Don Juan : Eto na nga ang kubo na itinutukoy niya. Wow! Maliit sa labas ngunit malaki at ginto sa loob! Hmm... Pamilyar yata ito.

Ermitanyo : Kainin mo ang tinapay mo at inumin mo ang tubig mo na.

Narrator : Hindi nakapaniwala si Juan sa kanyang nakita. Ang pulubi kanina ay isang
ermitanyo pala na nagmamay-ari ng gintong palasyo. Ibinigay pa niya ang baon ni Juan muli!

Don Juan : Niloko mo ako. Hahaha. Ano po ba ang sinasabi mo kanina? Tungkol sa mga
gagamitin ko?

Ermitanyo : Aba. Hindi ordinaryo ang ibon na kukunin mo. Mahiwaga siya at dapat lang may alam ka sa mga mahiwagang bagay.

Don Juan : Wala po talaga. Sana'y matulungan ninyo ako.

Ermitanyo : Oo naman, Juan. Tinulungan mo ako rin, eh. Ito ang mga kailangan mo. Pitong dayap, mahal na prinsipe. Ang kutsilyong ito at ang pitong dayap ang makapaggising mo habang umaawit ang ibon. Alam mo naman ang gawin, 'di ba?

Don Juan : Opo.

Ermitanyo : Ang gintong sintas na ito ang gamitin mo sa paghuli ng ibon. Ipasok mo siya kaagad sa hawla? Gets?

Don Juan : Gets po.

Ermitanyo : Magaling. Pagkatapos mong mapasok na ang ibong adarna sa hawla, lagyan mo ng tubig ang boteng ito. Ang tubig sa Hordan ang magpabuhay muli ng mga kapatid mo na nagiging buhay-bato sa ngayon.

Don Juan : Sige po, mang ermitanyo. Salamat. Babalikan kita pagkatapos nito.

-End of Scene 9-

Narrator : Bumalik si Don Juan sa Piedras Platas. Tiningnan niyang mabuti ang mahiwagang puno.

Don Juan : Mahiwaga talaga ang punong ito. Hindi pa ako nakakita ng ganito noon.

Narrator : Tiningnan niya ang himpapawid.

Don Juan : Maaga pa yata. Hmm... dito muna ako sa ilalim ng puno.

Narrator : Hindi natulog ang prinsipe. Hinintay niya ang ibong adarna at pagdating nito

Ibong Adarna : (Sing)

Narrator : Napatingin si Don Juan sa ibon.

Don Juan : Kay laki ng ibon. Maraming kulay pa. Ang himig niya!

Narrator : Kapito uulit raw ang ibon sa paghimig niya kaya nagsimula na si Juan sa pagsugat ng kanyang sarili sa braso niya. Nagpiga rin siya ng dayap sa sugat niya at kapito rin niya itong inulit.

Don Juan : AGH! Ang sakit! Nakatulog na ang ibon. Hulihin ko na ito habang may panahon pa.

Narrator : Kaya, sa gamit ng gintong sintas, tinali niya ito sa tulog na ibon at pinasok agad sa hawla.

Don Juan : (sighs) Ang galing ko talaga! Teka nga, sila kuya!

Narrator : Nakita ni Don Juan ang mga kapatid niya na naging bato. Pilit pa nila itong
makikipag-usap sa kanya. Tumakbo si Juan sa Ilog Hordan na hindi malayo sa Piedras Platas. Binuhusan niya ang kanyang mga kapatid sa tubig at naging tao sila muli.

Don Pedro : Salamat, Juan. Naligtas mo kami!

Don Diego : Bunso! Ikaw ang bayani namin!

Don Juan : Walang anuman, mga kuya. Hali kayo. Meron akong ipakilala sa inyo.

-End of Scene 9-

Narrator : Bumalik si Don Juan sa kubo. Kasama na niya ang kanyang mga kapatid na sina Don Pedro at Don Diego.

Ermitanyo : Ah... ang bagong panalo! Napakaswerte ninyo na meron kayong kapatid na kasing galing ni Don Juan!

Narrator : Sa pagrinig nito ni Don Pedro, bumalik sa kanya agad ang nakalimutan na niyang masama na balak.

Don Diego : Salamat uli, bunso! Idol ka namin!

(Don Pedro grabs Don Diego)

Don Juan : Kuya? Meron ka bang problema?

Don Pedro : Ugh... Wala.

(Don Pedro's evil laugh)

Narrator : Nagtalunan sina Don Pedro at Don Diego habang nagsiyahan sina Don Juan at ang ermitanyo. Gusto kasi ni Don Pedro na bugbugin si Juan sa daan nilang pauwi at
solohin ang ibon para makuha ang korona at trono ng kanilang ama.

Don Diego : Ayoko, kuya. Siya pa nga ang nagtanggol sa atin.

Don Pedro : Tumigil ka nga. Siguraduhin ko na kapag ako na ang magiging hari, bibigyan kita ng lahat ng babae sa Berbanya.

(Don Diego still thinking)

Don Pedro : Itaas natin ang ating tasa sa magiging hari sa Berbanya! Si Juan!

Don Diego : Huh? Ano ba talaga, kuya?

Narrator : Tinatawaan lang ni Pedro si Diego.

Don Pedro : Ikaw talaga, Diego! Palabiro ka talaga!

Narrator : Alam niyo naman. Keep your friends close, but keep your enemies closer. Nag-inuman silang apat ngunit maliit lamang na alak ang ininum nina Pedro at Diego.
Dumilim na sa labas.

Ermitanyo : Sige mga anak. Batiin ko ulit si Juan. Hoy! Gising. Mag-ingat ka sa pag-uwi ninyo. Merong masama na mangyayari sa iyo!

Don Juan : Huh?

Ermitanyo : Hayy nako! Sige paalam!

-End of Scene 10-

Narrator : Lasing na lasing na si Don Juan. Pabalik na sila sa Berbanya.

Don Diego : Hmm... Hmm... Hmm... Salamat naman na hindi na pumasok sa isip mo na bugbugin si bunso.

(Don Pedro eyes popping out and pretending to be shocked)

Don Pedro : Naku! Salamat Diego. Halika na. Habang lasing pa ito, bugbugin na natin at itapon!

Don Diego : Hmph! Ayoko nga! Mahal ko si Juan at utang natin ang ating buhay sa kanya!

(Don Pedro touches his chin)

Don Pedro : Sa bawat suntok mo sa kanya, babae ang ibibiyaya ko sa iyo.

Don Diego : Talaga? Sige.

Narrator : Sinuntok at tinadyakan nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang kapatid hanggang hindi na ito makakilos. Iniwan lang nila ito sa kagubatan.

Don Diego : Isa, dalawa, tatlo…

Don Pedro : Ang ibong adarna! Akin ka na!

Don Diego : Apat, lima, anim…

Don Pedro : Ang patutunguhan na natin? Berbanya! Vuhahahaha!

Don Diego : Hoy Pedro! Meron kang utang sa akin! Isang daang chicks!

Don Pedro : Oo, kapatid. Malapit na natin makuha ang gusto natin!

Narrator : Tumawa nang tumawa ang magkakapatid habang naglalakbay sila patungo sa
palasyo ng Berbanya.

-End of Scene 11-

Reyna Valeriana : Pedro! Diego! Mga mahal kong anak! Nakabalik kayo!

Don Pedro : At hindi lang po 'yan mahal na reyna! Heto, ang ibong adarna!

Narrator : Masaya si Reyna Valeriana ngunit palingun siya ng palingon habang hinahanap niya ang kanyang pinakamahal na anak.

Don Diego : Mama, sino po ba ang hinahanap ninyo?

Reyna Valeriana : Nasaan si Juan? Nasaan siya?

Don Pedro : Ma, malaki na yata siya. Naligaw siguro sa kagubatan. Ang importante, nandito na ang ibon na magpagaling kay papa.

Reyna Valeriana : Ipatawag ko ang mga sundalo natin. Ipahanap ko siya!

Don Diego : Ma, relax. Ma-stress ka. Chill muna!

Don Pedro : Babalik din 'yun.

Narrator : Pumasok na sina Reyna Valeriana, Don Pedro at Don Diego sa kwarto ni Haring Fernando. Doon nakita ng magkakapatid na mas lalo pang lumala ang kalagayan ng kanilang ama.

Don Pedro : Umawit ka ng himig, mahiwagang ibon, na makapaggaling kay papa.

Narrator : Matagal nilang hinintay na mag-awit ang ibon ngunit hindi bumukas ang tuka nito.

Don Diego : Ugh... Sundin mo ako. Lalalalala !!!

(Don Pedro chokes Don Diego)

Reyna Valeriana : Ano ba itong kalokohan ninyo? Hindi ba ito ang ibong adarna? Bakit hindi pa siya umawit? Bakit?

-End of Scene 12-

Narrator : Kung nahihirapan sina Don Pedro at Don Diego sa palasyo ng Berbanya, mas lalo pang nahihirapan si Don Juan sa kagubatan. Malubha ang kondisyon niya.

Don Juan : Ang sakit! Diyos ko, sana'y patawarin mo ang mga kapatid ko. Gumawa sila ng kamalian dahil gusto nilang maaabot ang mga pangarap nila. Sana'y maka-uwi ng ligtas na sila sa Berbanya. Sana'y magaling na rin si papa. Di bali nalang na makalimutan na nila ako basta't masaya lang sila.

Narrator : Hu-hu-hu. Ang bait talaga ni Juan ngunit hindi lang Diyos ang nakarinig sa kanya. Naririnig rin siya sa kaibigan niyang ermitanyo.

Ermitanyo : Ginto ang puso ng binatang ito. Nakikita ko na meron pa siyang maraming maggawang kabutihan sa mundong ito.

Narrator : Kaya, sa galing ng kapangyarihan ng ermitanyo, napagaling si Don Juan.

Don Juan : Isa itong himala! Isa itong himala!

Narrator : Ang saya ni Juan at patalon siyang bumalik sa Berbanya. Kinalimutan na niya ang ginawa ng kanyang mga kapatid. Sabik na sabik na siyang makikita pa sila ulit.

-End of Scene 13-

Narrator : Habang tumatalon si Juan pabalik sa Berbanya, lalo pang nakabahan sina Don Pedro at Don Diego dahil nagsalita ang ibong adarna. At nakagising ang hari.

Reyna Valeriana : Ay! Haring Fernando! Nakagising ka na!

Ibong Adarna : Hahaha. Huwag muna kayong magsiyahan ngayon dahil dalawang balita ang nais kong ipahatid sa inyo.

Narrator : Nakonsensya na si Don Diego at pinapawisan na si Don Pedro.

Ibong Adarna : Ang unang balita ay masaya. Magaling na si Juan at papunta na siya dito. Sa totoo lang, nandoon na siya sa labas!

Don Juan : Mama! Papa! Mga kuya!

(Don Pedro and Don Diego looking at each other and wiping each other's sweat)

Reyna Valeriana : Anak! Bumalik ka!

Haring Fernando : Ah, ang pinakamahal ko!

Ibong Adarna : Binugbog siya! Binugbog siya! Mga Traydor kayo! Traydor!

Reyna Valeriana : Sino ang binugbog?

Haring Fernando : Sino ang mga traydor?

Ibong Adarna : Si Juan, ang pinakamahal ninyong anak ang binugbog at sila ang mga traydor!!!

(Haring Fernando faints)

Reyna Valeriana : Fernando! Fernando!

Narrator : Umawit na ang ibon at gumaling si Haring Fernando. Sina Don Pedro at Don Diego ay lumuhod na sa kanya.

Haring Fernando : Kayo! Walang Silbi! Umalis na kayo sa harapan ko!

Don Diego : Teka po, mahal na ama! Hayaan po ninyo ako magpaliwanag! Eh, kasi, eh. Si Kuya nagpangako siya sa akin na bawat suntok ko, katumbas daw ang isang chick!

Haring Fernando : Grr! Alis! Alis!

Don Diego : Sino si Alice?

Don Pedro : Patawad ama. Hindi ko po sinasadya!

Reyna Valeriana : Hu-hu-hu.

Don Juan : Ama. Ina. Kahit papano, anak pa rin ninyo sila!

Haring Fernando : Baah!

Don Juan : Kung ang Diyos, magpatawad sa pinakamasamang kriminal, tayo pa nga? Tao man lamang tayo!

Haring Fernando : Sige patawarin ko kayo. Pasalamat kayo sa santo ninyong kapatid!

Don Diego : Group hug!

Narrator : Ugh... (stare dramatically)

-End of Scene 14-

Narrator : Nagsiyahan na muli ang palasyo ng Berbanya. Maliwanag na muli rin ang lahat. Sa susunod na araw, ipinatawag ni Haring Fernando ang kanyang tatlong anak.

Haring Fernando : Kagabi, bago ako matulog, kinuweto sa akin ng ibon ang ginawa mo, Juan. Ikaw talaga ang nakahuli sa kanya kaya babatiin kita, anak. Hindi na yata
magsasalita pa ang ibon simula ngayon. Babalik nalang siya sa pag-aawit. Pinagawan ko siya ng isang magandang hawla at gawin ko siyang atin na. Dito na siya titira.

Don Juan : Ah. Hindi ba masaya ito? Siya naman ang bayani dito!

Don Diego : Hindi Juan. Ikaw ang dapat tatanghaling totoong bayani.

Narrator : Okey na sina Don Diego at Don Juan ngunit hindi pa rin nagsasalita si Don Pedro. Nahihiya pa rin siya at nagalit at naselos.

Haring Fernando : Napatawad ko na kayo. Salamat ni Juan. Kaya, ibibigay ko sa inyo ang
gawain na ito. Tig-tatlong oras kayong magbabantay ni Adarna. Kayo ang magpakain sa kanya at magpa-inom kung oras na ninyo. Kayo ang responsable kung makalipad siya.

Narrator : Naku. Naka-isip na naman si Pedro ng isang masama na balak!

Don Pedro : (evil laugh)

Haring Fernando : Okey lang ba ito sa inyo?

Dons Pedro, Diego at Juan : Opo.

-End of Scene 1-

Narrator : Tinupad ng mga prinsipe ang utos ng kanilang amang hari ngunit isang araw, habang si Juan ang nagbabantay sa ibon, nakabangga ni Pedro ang isang katulong
nagdadala ng isang bote na may kakaibang kulay.

Don Pedro : Ano ba 'yan, Alixia?

Alixia : Ah. Kasi po 'yung ama ko, may problema sa pagkatulog kaya inutusan ko niyang
pabilhin ng 'sleeping potion'.

Don Pedro : Heto. Maraming ginto. Bumili ka uli. Akin na ito. Huwag kang magsabi sa kahit sino na kinuha ko ito sa iyo. Maliwanag?

Alixia : Opo, sir.

Narrator : Ang saya ni Pedro. Tinawag niya ang kanyang kapatid na si Don Diego.

Don Pedro : Diego, nakita mo ba si Juan?

Don Diego : Oo. Mukhang pagod na siya yata.

Don Pedro : Kaya, ihatid mo ito sa kanya. Ginawa kong preskong katas ng ponkan.

Don Diego : Hmm... Sigurado ka bang wala ka ng binabalak na masasama?

Don Pedro : Wala. Wala. Busy pa kasi ako, eh. Ikaw nalang ang maghatid sa kanya.

Narrator : Kahit nagdududa pa si Don Diego, sinunod nalang niya ang utos niya. Hindi alam na meron palang halong 'sleeping potion'. Sinundan niya si Diego palabas at nagtago.

Don Diego : Bunso! Mukhang pagod ka na. Heto. Katas na ginawa ni kuya Pedro para sa iyo.

Don Juan : Talaga? Sabihin mo siyang salamat. Ponkan? Paborito ko ito, ha.

Narrator : Pag-inom nito ni Don Juan, agad siyang nakatulog at lumabas si Don Pedro sa
kanyang pinagtaguan.

Don Pedro : Bravo! Bravo!

Don Diego : Ikaw na naman! Mapahamak lang tayo na naman. Hindi ka ba natatakot sa karma?

Narrator : Hindi pinansin ni Pedro si Diego. Binuksan niya ang hawla ng ibon.

Don Pedro : Lumayas ka! Madaldal na ibon!

Don Diego : Patay na naman ako!

Don Pedro : Huwag kang maingay. May biyaya na ako sa iyo. Nandoon na siya sa kwarto mo.

Don Diego : Yipee!

-End of Scene 2-

Narrator : Nagising si Don Juan at nalaman na pinalabas ang ibong adarna. Upang hindi siya pagagalitan-hindi naman niya gustung magsumbong, lumayas siya sa Berbanya.

Don Pedro : Papa, Mama, hali kayo. Natakasan tayo ng ibon.

Haring Fernando : Huh? Sino ba ang nagbantay sa ibon?

Don Pedro : Si Juan, papa. Siya ang nagbantay.

Don Diego : Heto pa. Nagsulat siya na pumunta raw siya sa mga kabundukan at hindi na raw babalik.

Haring Fernando : Sundin ninyo siya.

Don Pedro : Ha? Baka nawala na siya. Papa, nakain na 'yon sa mga ligaw na hayop!

Haring Fernando : Ganun ba, Pedro? Kayong dalawa. Sundin ninyo siya at huwag kayong bumalik hanggang hindi niyo siya nakita!

Narrator : Walang naggawa sina Don Pedro at Don Diego. Naglakad sila at naghanap sa
kanilang nawalang kapatid.

-End of Scene 3-

Narrator: Nakaabot si Don Juan sa bundok Armenya. Napatingin siya sa mga kaakit-akit na mga halaman na nakapaligid niya.

Don Juan : Pwede na dito nalang ako magpapalipas muna. Kahit papano, mabubuhay pa rin ako. Maraming punong kahoy, pero, saan ako kukuha ng tubig?

Narrator : Natagpuan nina Pedro at Diego si Juan at ang saya nilang makita ang isa't isa.

Don Pedro : Bakit ka bang pumunta dito? Bakit kang umalis? Nag-aalala tuloy ang ina.

Don Diego : Ang plastik mo naman. Halika na. Bumalik na tayong tatlo.

Don Juan : Hindi ba ninyo napansin ang paligid natin? Parang paraiso.

Don Pedro : Oo nga. Pwede naman mag-ikot muna tayo.

Narrator : Nag-ikot ang mga magkakapatid hanggang meron silang nakitang misteryosong balon.

Don Pedro : Malalim ang balon na 'to ngunit walang tubig.

Don Juan : Makinis naman ang kanyang bunganga.

Don Diego : Nakakatakot! Yikes! Nanay!

Narrator : Natakot rin si Don Pedro ngunit gusto niyang ipakita ni Don Juan na mas magaling siya sa kanya.

Don Pedro : Meron ka bang lubid?

Don Juan : Oo.

Don Pedro : Lulusong ako. Kayo nalang ang hahawak sa lubid.

Narrator : Lumusong si Don Pedro at hindi nagtagal ay humihiyaw ito.

Don Pedro : Bilis! Natatakot na ako dito!

Narrator : Pagbalik ni Pedro sa ibabaw, namutla ang kanyang mukha.

Don Pedro : Mama!!!

Don Diego : Mumu!!! Ako na ang lulusong! Hmph!

Narrator : Ganun rin ang nangyayari kay Diego.

Don Diego : Ikaw nalang bunso! Ayoko na! Ayoko na!

Narrator : Si Don Juan na ang lumusong sa balon at kahit nakakatakot pa ito ay kinaya nalang niya at pumikit ng kanyang mga mata. Pagbukas niya, nakaabot na siya sa kalaliman balon at nagulat siya.

-End of Scene 4-

Don Juan : Wow. Ang ganda ng palasyo. Hmm... ginto at pilak? Wow!

Donya Juana : Sino po 'yan?

Don Juan : Ugh... si Don Juan po.

(Donya Juana shows herself)

Donya Juana : Hay salamat naman at hindi 'yung...

Don Juan : 'Yung?

Donya Juana : Wala. Ako naman po si Donya Juana, prinsesa ng Armenya.

Narrator : Nakakaakit ang kagandahan ni Donya Juana. Agad napa-in-love si Don Juan sa kanya.

Don Juan : Ang ganda mo, Juana. Nais ko pong mag-alay ng pag-ibig.

Donya Juana : Hindi pa pwede. May... may... Higante kasi na nagbabantay sa akin. Hindi niya ako papayagan na umalis. Kung pipilitin mo, mapapahamak ka lang!

Don Juan : Hindi ko naiintindihan, mahal kong Juana.

-End of Scene 5-

Donya Juana : Isang araw lamang, nawala agad ang lahat na meron ako. Mga magulang at mga kaibigan. Pinatay sila lahat ng dalawang halimaw na pumunta rito. Ang higante
ang nagbabantay sa akin at...

Higante : Agh! Juana! Nasaan ka? Meron ka bang kausap?

Don Juan : Oo, panget. Ako.

Donya Juana : Huwag, Juan! Hindi ko kakayanin.

Don Juan : Ipaglaban kita.

('Makita Kang Muli' plays)

Narrator : Hinamon ni Don Juan ang malaking higante.

Don Juan : Haya! Waah! Kita mo ito? Para sa iyo ito!

Narrator : Sa lakas at kabilisan ng pagkilos ni Juan ay napatay niya ang higante.

Donya Juana : Juan! Natalo mo siya! Sa wakas, malaya na muli ako!

Don Juan : (breathes deeply) Dadalhin na kita sa aming palasyo sa Berbanya!

Donya Juana : Teka muna, Juan. Meron pa kasi akong huling hiling. Maaari mo bang ligtasin rin ang kapatid ko? Siya si Leonora. Katulad ko, binantayan rin siya ng halimaw. Ang serpenteng pitong ulo.

Don Juan : Kahit ano mahal. Saan ko ba siya matatagpuan?

Donya Juana : Sa kabilang bundok lang.

Don Juan : Dito ka lang. Baka ikaw ang mapapahamak. Hindi ko kakayanin 'yan.

-End of Scene 6-

Narrator : Naglakad si Don Juan patungo sa bundok kung saan matatagpuan ang kapatid ni Donya Juana. Pagdating niya doon...

Don Juan : Ugh... Ano ba ulit ang pangalan niya? Laura? Lisa? Leticia?

Donya Leonora : Akala mo kung sino, ah. Leonora! Leonora ang pangalan ko.

Don Juan : Ikaw ba ang kapatid ni Donya Juana?

Donya Leonora : Oo. Kilala mo pala ang ate ko. Kumusta na siya?

Don Juan : Magpakita ka muna! Baka marinig niya tayo.

Donya Leonora : Eh, paano? Natali ako sa poste na malapit sa estatua ni Medusa.

Narrator : Agad pinuntahan ni Don Juan si Donya Leonora at kinalag niya ang lubid na nagtali sa babae.

Don Juan : Okey ka lang ba, Leonoraaaah?

Donya Leonora : Oo naman. Eh ikaw. Nagtulo yata 'yung laway mo!

Don Juan : Ugh. Haha.

Donya Leonora : Ano pala ang pasya mo dito?

Don Juan : Nais kasi ng kapatid mo na iligtas kita sa serpenteng pitong ulo.

Donya Leonora : Ha! Kay rami nang namatay dahil sa kanya! Huwag ka nalang kayang mangarap?

Don Juan : Ang utos ay utos. Ang sayang mo naman kung mapunta ka lang sa serpente!

Donya Leonora : Ano ba ang ibig mong sabihin?

Don Juan : Na mahal kita!

Donya Leonora : Nasiraan ka na yata ng ulo! Hindi pa nga kita kilala.

Don Juan : Ako si Don Juan, prinsipe ng Berbanya at nais ko pong mag-alay ng pag-ibig sa iyo.

-End of Scene 7-

Ulo #1 : Pag-ibig? Sino ba ang may sabi na totoo ang pag-ibig?

Donya Leonora : Juan, siya ang nagbabantay sa akin. Ang serpenteng pitong ulo.

Ulos #5,6,7 : Szszszszsz...

Don Juan : Oo. Nakikita ko na. Mas panget pala ito kung ihambing sa higante.

Ulos #5,6,7 : Szszszzszsz...

Donya Leonora : Heto ang balsalmo. Sa bawat putol ng ulo nila, buhusin mo nito.

Ulo #2 : Ah, Leonora. Meron kang kaibigan na kasama mo ngayon...

Ulos #5,6,7 : Szszszzszsz...

Ulo #3 : Mortal na kaibigan. Hindi siya nababagay sa iyo!

Ulos #5,6,7 : Szszszzszsz...

Ulo #2 : Nababagay ka namin, mga Diyos! Hindi sa mortal mong kaibigan!

Ulo #1 : Kaibigan? O kaIBIGan?

Don Juan : Oo. Iniibig ko siya. Bakit? May maggawa ba kayo?

Ulos #5,6,7 : Szszszzszsz...

Narrator : Hinamon na naman ni Juan ang halimaw ang sinunod niya ang payo ni Donya
Leonora.

Don Juan : Agh! Kita mo ito? Para sa iyo ito!

Narrator : Siguro mahal nga talaga ni Don Juan si Donya Leonora ngunit paano nalang ba si Donya Juana?

Narrator : Tinalo na naman ni Don Juan ang halimaw at dinala niya si Leonora sa kanyang kapatid.

-End of Scene 8-

Donya Leonora : Ate! Ate!

Donya Juana : Ikaw na ba 'yan Leonora?

Don Juan : Sana'y hindi ko kayo naabala pero kailangan na natin iwanan ang lugar na’to.

Narrator : Bumalik sa ibabaw si Don Juan kasama na ang dalawang prinsesa.

Don Diego : O, sino ba sila?

Don Juan : Alam mo ba? May palasyo doon at naligtas ko sila sa dalawang halimaw na nag-babantay sa kanila?

Narrator : Habang nagsasalaysay si Don Juan sa kanyang kabayanihan...

Don Pedro : Na naman?

Narrator : Eh paano? Siya ang bida. Na-inggit NA NAMAN si Don Pedro sa kanyang kapatid. Lalo pa itong tumindi nang nakita niya si Donya Leonora. Nakita rin niya kung
paano tumingin siya kay Juan.

Donya Leonora : Naku! Naiwan ko ang singsing ni lola! Hu-hu-hu!

Don Juan : Huwag kang mag-aalala, mahal ko. Kukunin ko 'yon! Okay lang ba sa inyong lahat?

Don Diego : Pwede po bang magpakilala? Ako ang prinsipe ng Berbanya. Si Don Diego.

Donya Juana : At ako naman po si Donya Leonora, prinsesa ng Armenya.

Don Juan : Kuya Pedro! Kuya Diego! Hawakan ninyo ang lubid!

Don Diego : Kakaiba talaga si Juana! Parang siya na nga! She's the one!

Donya Juana : Ang cute ni Diego, Leonora! Nakakakilig!

Donya Leonora : Hu-hu-hu ang singsing ni lola! Buti nalang kukunin ni Juan!

Don Pedro : Grr... Ano? Juan na naman? Juan! Juan! Juan!

Narrator : Inis na Inis na si Don Pedro kaya pinutol niya ang lubid at nahulog si Juan.

-End of Scene 9-

Don Juan : Agh!!! Tulong!

Donya Leonora : Juan! Juan!

Narrator : Ganun nalang ang nangyari. Nabigla si Leonora at natulala siya. Hindi siya
nakapagsalita. Hindi naman napansin nina Don Diego at Donya Juana dahil masaya sila sa piling ng isa't isa. Napansin si Leonora ng isang mahiwagang lobo at habang nakatalikod si Pedro ay lumapit ito sa kanya.

Mahiwagang Lobo : Nais mo ba siyang paggalingin?

(Donya Leonora nods)

Mahiwagang Lobo : Masusunod po, mahal na prinsesa.

Narrator : Bumalik ang isip ni Leonora at nagulat siya dahil nagsalita ang lobo kaya nawalan kaagad siya ng malay.

Don Diego : Nawalan siya ng malay!

Don Pedro : Naku! Paano nalang ito? Halika, Diego, gagawa tayo ng karwahe. Ikaw
naman Juana, kumuha ka ng tubig.

Narrator : Doon sa karwahe pinatulog si Donya Leonora at si Donya Juana naman
ang nagbabantay sa kanya.

Don Diego : May gusto ka ba sa kanya, kuya?

Don Pedro : Nag-aalala lang ako sa tao.

Don Diego : Ayee...

Don Pedro : Ano ka ba? Hindi ko siya gusto.

Don Diego : Eh, bakit hindi ka pa galit sa kakulitan ko?

Don Pedro : Dahil... na-in-love na ako.

Don Diego at Donya Juana : Ayee.

-End of Scene 10-

Narrator : Nakagising na si Donya Leonora pagdating nila sa Berbanya.

Don Pedro : Mama. Papa. Nakabalik na po kami.

Reyna Valeriana : Teka muna. Sino itong mga magagandang babae?

Don Pedro : Sila po ang mga prinsesa ng Armenya. Ang nawawalang palasyo sa kagubatan.

Don Diego : At kami po nagligtas sa kanila.

Haring Fernando : Kung ganun, masaya kaming makilala kayo. Magpahinga muna kayo.
Valeriana, samahin mo muna sila sa kanilang mga kwarto.

Reyna Valeriana : Sige po, mahal kong asawa.

Haring Fernando : Nasaan naman si Juan?

Don Pedro : Ugh... Ugh... Susunod lang po siya dahil gusto pa niyang magpalipas ng panahon doon.

(Haring Fernando looking suspicious)

Don Pedro : Papa, nais ko pong magpapakasal kay Prinsesa Leonora.

Haring Fernando : Eh, ano pa ang hinintay mo?Kahit pa bukas. Maaari, anak.

Don Pedro : Hindi ko pa kasi natanong siya.

Haring Fernando : Magpapakatotoo ka!

Don Pedro : Sige, papa.

Don Diego : Good luck, Pedz.

(Don Pedro walks away happily)

Don Diego : Alam mo ba, papa? Simula na-iinlove si kuya, mabait na siya sa mga tao.

Haring Fernando : Gusto kong Leonora na 'yan.

-End of Scene 11-

Narrator : Umupo si Prinsesa Leonora sa kama habang nagsusuklay ng buhok si Prinsesa Juana.

Donya Juana : May gusto siya sa iyo.

Donya Leonora : Sino?

Donya Juana : Si Don Pedro.

Narrator : May kumakatok sa pinto at binuksan ito ni Leonora. Sa labas nakita niya si Pedro.

Don Pedro : Pwede ba tayong mag-usap?

(Donya Leonora follows)

Don Pedro : Lahat meron ko, ibibigay ko sa iyo. Gagawin kitang reyna ng Berbanya at susundin ko ang bawat hiling at utos mo. Pakakasalan mo ba ako?

Donya Leonora : Hindi. Patawad.

Don Pedro : Pero, bakit? Ako ang pinakamalakas na prinsipe sa buong mundo. Pinakatalino, pinakamayaman at pinakagwapo at...

Donya Leonora : Pinakamayabang?

Don Pedro : Oo! Ha? Hindi! Ano ba ang problema mo?

Donya Leonora : Kasi, nagpangako ako sa aking mga magulang na hindi ako magpapakasal sa loob ng pitong taon.

Don Pedro : Ganun ba. Hihintayin kita.

Donya Leonora : Sana'y gaganda rin ang ugali mo, Pedro. Ang hirap magmahal muli...

Don Pedro : Para sa iyo, Leonora. Basta para sa iyo.

Narrator : Sinabi ni Pedro sa kanyang ama na si Haring Fernando na binusted raw siya kaya mas mabuti pa si Diego nalang ang ikakasal. Ganun nalang kasaya nina Don Diego at Donya Maria Blanca.

-End of Scene 12-

Don Diego : Ikakasal na tayo bukas!

Donya Juana : Talaga?

Don Diego : Oo!

Donya Juana : Talaga?

Don Diego : Oo!

Donya Juana : Ang saya ko!!! Teka, ano ba ang susuutin ako?

Don Diego : Naghanda na ang buong palasyo, mahal na Juana. Huwag ka ng mag-alala.

Narrator : Sa sunod na araw, handa na ang lahat para sa unang kasalan ng kaharian.

Arsobispo : Tanggap mo ba, Diego, si Juana, bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?

Don Diego : Isusumpa ko sa pangalan ng Diyos. O po arsobispo.

Arsobispo : Tanggap mo ba, Juana, si Diego,bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?

Donya Juana : Isusumpa ko sa pangalan ng Diyos. O po arsobispo.

Arsobispo : Sa kapangyarihan na binigay ng Diyos sa akin, Kayo na ay isang ligal na mag-asawa!

Haring Fernando : Sayawan na!!!

("Tokyo Drift" plays)

-End of Scene 13-

Narrator : Nagsiyahan ang buong kaharian ng Berbanya sa loob ng siyam na araw habang naabutan na ng mahiwagang lobo si Don Juan sa ilalim ng balon.

Mahiwagang lobo : Ah, Don Juan. Huwag ka munang mamatay. Bali-bali na ang mga buto mo.

Narrator : Kumuha ng tatlong bote ng tubig sa Ilog-Hordan ang mahiwagang lobo.

Mahiwagang Lobo : Hmm... Hmm... Hmm... Eww! Panget na isda! Umalis ka!

Narrator : Pagkatapos niyang kumuha ng tubig sa Ilog, ipinahid niya ang tubig sa katawan ni Don Juan at nabuhay siya muli.

Don Juan : Salamat, kaibigan! Maraming Salamat!

Narrator : Naiwan na naman na nag-iisa si Don Juan. Pagkatapos niyang pinagaling sa
mahiwagang lobo, naglakad na siya ulit patungo sa Berbanya pero dahil dumilim na,
at pagod pa rin ang katawan niya ay nakatulog ito. Hindi nagtagal, dumating ang
ibong adarna at umawit ng himig.

Don Juan : Ibong Adarna, bumalik ka. Bakit ba kayo nandito?

Ibong Adarna : Eh, saan ba ang 'Dito'? Saan ba ang patutunguan mo?

Don Juan : Pabalik po sana sa palasyo namin doon sa Berbanya.

Ibong Adarna : Huwag. Huwag. Papatayin ka na naman ng iyong mga kuya.

Don Juan : Hindi naman ako pwede dito nalang habambuhay sa kagubatan!

Ibong Adarna : Limutin mo na si Leonora. Hindi siya ang babae para sa iyo.

Don Juan : Pero siya lang ang mahal ko. Paano ko siyang makalimutan?

Ibong Adarna : Hmph! Siya lang ba? Kung makikita mo lang si Donya Maria Blanca!

Don Juan : Sino po siya? Saan ko ba siyang matatagpuan?

Ibong Adarna : Si Donya Maria Blanca ang babae na tinataghana sa 'yo. Siya ang magandang prinsesa ng Reino de los Cristal. Makapangyarihang babae.

Don Juan : Saan ba ang palasyo ng Reino de los Cristal?

Ibong Adarna : Ilang bundok ang dapat tatahakin. Pero, kung mahal mo talaga siya,
pupuntahan mo.

Narrator : Bumalik si Juan sa kanyang pinagdaanan at nagpatuloy sa ibang direksyon habang si Donya Leonora naman na nandoon sa Berbanya ay umiiyak araw at gabi dahil tanging si Juan lang ang lamang ng puso niya.

-End of Scene 1-

Don Juan : Hanggang ngayon ba ay napapaligiran pa rin ako ng mga puno? Na noon ay akala kong isang paraiso? Ilang taon na ba ang nakalipas? Gutom at Uhaw ang dinaranas
ko hanggang ngayon! Ilang taon na ba?

Ermitanyo : Tatlo.

Don Juan : Ano?

Ermitanyo : Gusto mo namang malaman 'di ba? Tatlong taon ng lumipas.

Narrator : Nakita ni Don Juan, na ngayo'y hindi na nagmumukhang Don. Iba namang ermitanyo. Marami siyang dalang bag.

Don Juan : Sir. Kung meron lang po sana kayong tubig o pagkain na mabigay sa akin?

Ermitanyo : Heto.

Narrator : Durug na durog na ang tinapay. Ayaw na sana niyang kainin pa ito ngunit sumisigaw na ang tiyan niya.

Don Juan : Sa bagay, meron namang tubig.

Ermitanyo : Mabait kang bata. Heto pa, ibaon mo sa iyong paglalakbay.

Don Juan : Para ano pa? Walang katiyakin ang paglalakbay kong ito!

Ermitanyo : Eh, saan ka ba pupunta?

Don Juan : Sa isang Reino de los Cristal.

Narrator : Kaya, tinuruan si Juan ng ermitanyo kung saan siya dapat dumaan. Nagpaalam na siya at nagpasalamat sa mabuting ermitanyo.

Don Juan : Mabait siya kahit hindi matatago ang kabadingan.

-End of Scene 2-

Narrator : Habang sa palasyo naman ng Berbanya, meron ng pagbabago sa ugali ni Don Pedro na napansin agad ng bagong kasal na sina Don Diego at Donya Juana.

Don Pedro : Dito ka umupo, Leonora.

Donya Leonora : Salamat, Pedro.

Don Diego : (Sings)

Donya Juana : (Sings)

Narrator : Sa limang buwang paglalakbay ni Don Juan, nasapit din niya nag tahanan ng unang Ermitanyo na limang dantaon na nakatira sa kabundukan. Ipinakita ni Don Juan ang kapirasong baro at pinaghahagkan ito. Tinugtog ang kampana at dumating ang mga hayop sa pamumuno ng olikornyo at tinanong ng Ermitanyo kung alam nito ang Reino de los Cristal. Hindi pa nila ito nararating kaya itinuro ng Ermitanyo ang ikapitong bundok na pupuntahan ni Don Juan. Dito nakatira ang kanyang nakatangdang kapatid. Ibinigay ni Don Juan ang kapirasong baro na ibibigay niya sa ikalawang Ermitanyo. Napadali ang paglalakbay ni Don Juan dahil inihatid ito ng olikornyo. Sa tulong din ng agila ay nagtagumpay si Don Juan na matunton ang Reino de los Cristal na tinitirhan ng ikalawang ermitanyo.

-End of Scene 3-

Don Juan : Salamat G. Agila, ah?

Narrator : Bago umalis ang agila, meron itong binilin kay Juan.

Don Juan : Ano po? Kailangan ko pang handaan ang pagdating ni Maria Blanca. Sa ikaapat pa ng madaling araw? Mangubli pa ako?

Narrator : Maukhang sabik na sabik na si Don Juan sa pagkita ni Donya Maria Blanca.

Don Juan : Sige G. Agila. Salamat muli. Hanggang sa huling pagkikita...

Narrator : Ang masunuring prinsipe ay nangubli nga sa mga halaman. Pagdarating ng mga kalampati sa ikaapat na madaling araw. Napatingin kaagad si Juan.

Don Juan : Ano? Kalampati ang tunay kong pag-ibig???

Narrator : Ngunit nagiging tao ang tatlong kalampati at hindi lang mga pang karaniwang tao lamang. Tatlong magagandang dalaga at isa sa kanila ang pinakamaganda. Dumapo sila sa puno na tinatawag na 'Peras'. Pagkatapos ay naligo sila sa ilog na nandoon sa baba ng Peras.

-End of Scene 4-

Donya Juana : Ngeks! Ang lamig ng tubig ngayon! Agh!

Donya Isabella : Mmm... hindi naman. Ganito talaga basta madaling araw. Maria Blanca? Halika na!

Don Juan : Padating na ang pag-ibig ko. Dapat mag-ayos na ako.

(Don Juan grooms himself)

Donya Maria Blanca : Wow, ang sarap maligo dito talaga!

Don Juan : Ang ganda niya talaga. Isang diyosa!

Narrator : Sinabi ko naman sa iyo na hindi kalampati ang tunay mong pag-ibig, Juan. Hindi na tumigil ang dibdib ni Juan sa pagsasabog. Nakalimutan na niya tuloy si Donya
Leonora ngunit dahil sa kagandahan ni Maria Blanca, nakaramdam si Juan ng kaba.

Don Juan : Naku, kay ganda niya! Baka hindi ko kakayanin. Paano siya mapatingin sa akin?

Donya Juana : Hmph! Hindi ko na kaya ang kalamigan! Uuwi na lang ako.

Narrator : Kinuha ni Donya Juana, ang kapatid ni Maria Blanca, ang kanyang damit at umuwi.

Donya Isabella : Ayaw talaga niya maligo, kaya nga may pagkabaho ang batang 'yan!

Donya Maria Blanca : Hahahaha.

Narrator : Nakaisip kaagad si Don Juan ng plano upang magkausap sila ni Donya Maria
Blanca.

Don Juan : Hindi siya makauwi pa kung wala ang kanyang mga damit, 'di ba?

Narrator : Nahawa na ba si Don Juan sa kanyang kapatid?

Donya Isabella : Hindi ka ba uuwi pa, Maria? Uuwi na ako ha?

Donya Maria Blanca : Mamaya nalang. Nag-eenjoy pa ako dito. Ikaw nalang ang magsabi kay papa.

Narrator : Tulad ni Donya Juana, kinuha rin ni Donya Isabella ang kanyang damit at
nagpaalam. Pagkalipas ng ilang oras.

Donya Maria Blanca : Nasaan ang mga damit ko! Nasaan? Paano nalang ako uuwi?

Don Juan : This is it! Ah, sa iyo ba ito, miss?

Donya Maria Blanca : Ano ka ba? Bading? Magnanakaw na bading! Magnanakaw ng bading!

Don Juan : Hindi ako bading! Halikan pa kita kung gusto mo?

Donya Maria Blanca : Eh, suntok. Gusto mo?

(Don Juan kneels)

Don Juan : Patawad. Hindi ko inasahang maging ganito. Kinuha ko lang ang mga damit mo dahil ang ganda mo kasi at natatakot ako na baka hindi mo ako pansinin.

Donya Maria Blanca : Tayo. Totoo ba ito?

Don Juan : Oo. Kay layo na kasi ang nadaanan ko.

Donya Maria Blanca : Basta hindi mo na ito uulitin, ha?

Don Juan : Opo.

Donya Maria Blanca : Ipakilala kita sa aking ama doon sa palasyo namin.

-End of Scene 5-

Narrator : Patay na patay na si Don Juan kay Donya Maria Blanca ngunit wala pa itong pag-ibig para sa kanya. Paano kasi, hindi pa naligo sa Don Juan.

Donya Maria Blanca : Ito ang aming palasyo sa Reino de los Cristales. Teka muna, Ambrosia, nasaan si papa?

Ambrosia : Meron pa siyang lakad, mahal na prinsesa. Mamaya pa siya uuwi.

Donya Maria Blanca : Sige, paliguan mo muna si Juan, ha?

Don Juan : Ah! Huwag. Kayo ko naman ako lang ang maliligo.

Donya Maria Blanca : Sigurado ka?

Don Juan : Oo.

Narrator : Eh, sino naman ang hindi mahihiya? Pagkatapos maligo at magbihis si Juan,
napatingin si Donya Maria Blanca sa kanya.

Donya Maria Blanca : Malaki ang binabago mo, Juan. Don Juan?

Don Juan : Paano mo alam na isa akong prinsipe?

Donya Maria Blanca : Sa mukha mong 'yan?

Ambrosia : Nandito na po ang pinakamalakas na hari ng Reino de los Cristales, si Haring Salermo.

Haring Salermo : Magaling katulong!

Narrator : Nabigla si Don Juan. Ang liit ng hari nila ngunit malakas ang kanyang tinig.

Donya Maria Blanca : Papa. Meron po sana akong ipakilala sa inyo.

Haring Salermo : Sino ka? Prinsipe? Saan? Berbanya?

Don Juan : Mahal na hari, parang nabasa mo yata ang isip ko.

Haring Salermo : Oo. Ganun na nga 'yon. Ano po ang mapaglilingkod ko sa iyo ngayon, Juan?

Narrator : Shocking ang hari ng Reino de los Cristales. Hindi tulad ng kanyang anak na si Maria Blanca na kasing bait ng bulaklak.

Don Juan : Gusto ko pong mag-alay ng pag-ibig sa iyong anak.

Donya Juana : Sa akin? Ikaw na ba ang lalaking pakakasalan ko?

Donya Isabella : Hindi! Sa akin. Bibigyan kita ng maraming anak!

Haring Salermo : (laughs hard and boomy) Alam mo ba bakit nabasa ko ang mga laman ng isip mo Juan? Dahil ako at ang mga dalaga kong anak ay may kapangyarihan. Sa
tingin mo ba ibibigay ko lang sa iyo? Hmm? Tawa!

Donyas Isabella, Juana, and Maria : (laughs-plasticly)

Haring Salermo : Ngunit, dahil ikaw na ang nagsasabi no'n, hindi ka na makatanggi. Kung tatanggi ka, ibibigay kita sa aking matalik na kaibigan, si Kamatayan.

Don Juan : Ano po ba ang gagawin ko upang makuha ko ang iyong pagtitiwala, Haring
Santelmo?

Haring Salermo : Salermo! Salermo ang pangalan ko! Kailangan mo mapatag ang bundok na 'yan. Tamnan mo ng trigo, kailangan tutubo, ha? Mamumulak at magbunga. Pagkatapos gawin mong tinapay. Medyo, madali. Hmm... Lahat sa isang gabi.

Narrator : Hindi nakapagsalita si Don Juan.

(Don Juan nods)

-End of Scene 6-

Donya Maria Blanca : Huwag kang mag-aalala, Juan. Tutulungan kita.

Don Juan : Pero bakit? Sa unang pagkikita ko sa iyo, alam ko naman hindi ako karapatdapat sa isang diyosa tulad mo.

Donya Maria Blanca : Hindi. Tutulungan kita. Ayaw kong mamamatay ka lang. Alam ko ang hirap na sinakripisyo mo upang makarating dito kaya ako na ang gagawa sa utos ng aking ama.

Don Juan : Bakit, Maria?

Donya Maria Blanca : Dahil mahal rin kita, Don Juan. Gagawin ko ang dapat kong gawin dahil tapos ka na sa iyong paghihirap.

Don Juan : Salamat mahal ko.

Narrator : Noong nakatulog na ang hari, agad lumabas si Donya Maria Blanca at ginawa niya ang dapat gawin. Ginawa niya ang pagsubok at nagtagumpay siya. Ginamit niya ang
kanyang mga kapangyarihan...

Donya Maria Blanca : Pumatag kayo! Trigo! Trigo! Tumubo! Mamulaklak! Bubunga!

Narrator : Inani niya ang mga trigo at ginawa niyang tinapay. Lahat para sa pag-ibig. Sa
sunod na umaga. Nagulat ang hari dahil nakita niya na patag na ang bundok at ang
tinapay ay inilagay na sa tapad niya.

Haring Salermo : Juan? Juan!

Don Juan : Ano po ba ang malilingkod sa inyo, Haring Salermo?

Haring Salermo : Paano mo ito ginawa?

Don Juan : Sa kapangyarihan ng pag-ibig siya ang nagpalakas sa akin.

Narrator : Hindi pa rin kontento ang maliit na hari. Kaya, ipinatawag niya ito muli.

-End of Scene 7-

Haring Salermo : Heto ang aking mga alaga.

Narrator : Walang pagtigil ang mga mata ni Juan sa pagtingin ng prasko. Sa loob nito ay mga malilikot na negrito.

Haring Salermo : Ikaw na ang bahalang paliguan sila.

Don Juan : Sige po, mahal na hari.

Narrator : Paglabas niya, agad siyang pinuntahan ni Donya Maria Blanca.

Donya Maria Blanca : Ano ang sunod na utos?

Don Juan : Nakakatawa. Paliguan ko lang ang mga ito? Kayang-kaya ko!

Donya Maria Blanca : Hindi kasi sila... normal.

Don Juan : Sige, tingnan mo ako ha?

Narrator : Binuksan ni Juan ang prasko at agad may mga negrito na nagtatalon at tumakbo kahit saan.

Don Juan : Naku! Hindi ko inakala.

Donya Maria Blanca : Hahaha! (Claps) Tigil!

Narrator : At agad tumigil ang mga negrito.

Donya Maria Blanca : Sige, kung gusto ninyong magtalon, tumalon kayo sa ilog ngayon!

Narrator : Sinunod ng mga negrito ang utos ni Maria Blanca.

Don Juan : Salamat, Maria.

Narrator : Pagkatapos maligo ang mga negrito, agad silang binalik sa prasko. At hindi pa nagliwanag ang araw, ihinatid na sila sa kwarto ng hari. Sa sunod na araw...

Haring Salermo : Juan? Juan!

Don Juan : Ano po ba ang malilingkod sa inyo, Haring Salermo?

Haring Salermo : Paano mo ito ginawa?

Don Juan : Sa kapangyarihan ng pag-ibig siya ang nagpalakas sa akin.

Narrator :Hindi pa rin kontento ang maliit na hari. Kaya, ipinatawag niya ito muli.

-End of Scene 8-

Haring Salermo : Juan, meron ka bang naamoy?

Don Juan : Wala po.

Haring Salermo : 'Yan ang sagot na hinahanap ko. Wala! Hindi na presko ang hangin na
dumaan sa kaharian ko kaya ang gusto ko. Kita mo ba 'yan? Gusto ko ipalipat mo siya sa tapat ng durungawan ko.

Don Juan : Sige po.

Narrator : Agad pinuntahan ni Don Juan si Donya Maria Blanca at sinabi niya ang utos.

Donya Maria Blanca : Sige. Bundok! O mataas at malaking bundok! Lumipat ka sa tapat! Tapat sa durungawan ng hari mo. Magsitayo ka at maglakad!

Narrator : At parang tao, naglakad ang bundok at sinunod niya ang utos ni Maria Blanca. Sa sumunod na araw...

Haring Salermo : Juan? Juan!

Don Juan : Ano po ba ang malilingkod sa inyo, Haring Salermo?

Haring Salermo : Paano mo ito ginawa?

Don Juan : Sa kapangyarihan ng pag-ibig siya ang nagpalakas sa akin.

Narrator : Nagagalit na naman si Haring Fernando. Mas lalo pa niyang gusto itong pahirapan.

-End of Scene 9-

Haring Salermo : O, Juan. Masaya ako na nandito ka na. Nag-uupo lang ako dito at may naisip na naman ako. Alam ko naman na magaling kang maggawa ng mga imposibleng
gawain kaya, ito ang gusto kong gawin mo! Ang bundok na 'yan, itabon mo sa karagatan at dapat sa umaga, may kaharian na natumatayo. Ang anyo't bilog ay dapat magkapareho. Kailangan ng... ang muog ay tayuan ng gulod na pitong hanay at may mga kanyon bilang pananggol. Alam ko naman na maganda ang palasyo na gawin mo. Baka may gustong kumuha?

Don Juan : Masusunod, mahal na hari.

Narrator : Tulad ng mga utos, ginawa itong lahat ni Donya Maria Blanca. Sa tinig pa lamang ng kanyang mga salita, susunurin na siya ng mga bagay na tinatawag niya.

Donya Maria Blanca : Ikaw doon. Hindi ikaw hindi siya dito. Oo, nasaan ka ba dapat?

Narrator : Sa sumunod na umaga, gumising ng maaga ang hari at nakita na niya ang kanyang tatlong anak at si Juan na pumapapasyal na sa bagong kaharian niya.

Donya Isabella : Hindi ba siya maganda, papa?

Donya Juana : Ang galing talaga ni Don Juan, papa. Parang may taglay rin siyang
kapangyarihan!

Donya Maria Blanca : Ano sa tingin mo, papa? Pwede na ba siya?

Haring Salermo : Hindi pa! (coughs). Habang naglalakad ako, nawala yata ang diyamanteng singsing ko. Nais ko sanang humiling na naman sa iyo, Juan. Pabalikin mo
ang bundok at hanapin mo ang singsing. Halina kayo mga anak.

Donya Maria Blanca : Ah, papa. Maaari po bang dito muna ako? Mamimiss ko ang palasyong ito kasi.

Narrator : Habang pabalik sa Haring Salermo, nagdududa na siya na tinulungan ng kanyang pinakamahal na anak si Juan sa paggawa ng mga utos.

Donya Maria Blanca : Kagabi, galit na galit ang bundok na ito sa aking ipinagawa sa kanya. Sinasabi niya sa akin ngayon na dapat putul-putulin ko ang mga parte ng katawan ko at kunin sa ilalim ng dagat dahil wala raw niya kundi sa ilalim ng karagatan.

Narrator : Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang prinsesa. Kahit pa nanganganib ang buhay niya, ginawa pa rin niya ito dahil sa pagmamahal niya kay Juan. Pagbalik niya,
nawala niya ang isa sa kanyang mga daliri.

Haring Salermo : Aha! Siya pala ang may gawa ng lahat ng ito. Tingnan lang natin.

Donya Maria Blanca : Nakita niya tayo! Nakita niya ako. Juan, bago mo ibigay ang singsing na 'yan, meron sana akong sabihin muna.

Don Juan : Ano po ba, mahal na Maria?

Donya Maria Blanca : Ang susunod na pagsubok ang pinakamahirap dahil hindi na kita
matutulungan pa.

Narrator : Hindi pa nakatatapos si Maria Blanca, tinawag na siya ng kanyang ama.

Haring Salermo : Maria Blanca! Pumasok ka na!

Donya Maria Blanca : Pukpok! Pukpukin mo sa ulo!

Don Juan : Huh?

Narrator : Hindi naiintindihan ni Juan ang pinagsabi ni Maria Blanca kaya ibinigay nalang niya ang singsing ni Haring Salermo at natulog.

-End of Scene 10-

Narrator : Paggising ni Don Juan, nakita niya na may sulat sa mesa niya.

Don Juan : Hmm... Don Juan, may lakad kami ng mga anak ko. Habang wala kami, paki amo nga ng gago kong kabayo. Nandoon siya sa pinakamalayo na silungan ng kabayo.

Narrator : Pinuntahan na ni Don Juan at nakita niya ang kabayo na tinutukoy ng hari. Galit na galit ang kabayo at hindi alam ni Juan na ang kabayo pala si Haring Salermo.
Ang mga prinsesa ay may kani-kanilang parte ng kabayo ngunit si Haring Salermo
ang ulo.

Don Juan : Waaah! Anong klase ba ang kabayo na ito?

Narrator : Kawawa naman si Don Juan. Pinaglaruan siya ng kabayo. Ilang takbo pa at ikot ang nangyari bago naalala ni Juan ang sinabi ni Maria Blanca.

Don Juan : Pukpok! Sa ulo!

Narrator : At naamo rin ni Don Juan ang kabayo tumakbo ito pabalik sa silungan niya. Masaya si Juan sa pagpunta niya pabalik naman sa palasyo. Doon niya nakita ang hari.

Don Juan : O, Haring Salermo, may bukol ka yata.

3 Donyas : (Laugh)

Haring Salermo : Nabangga ang sinakyan namin sa isang puno.

Donya Maria Blanca : Papa, ito na ang kahuli-huling utos! Pwede na kaming magpakasal!

Haring Salermo : Hindi! Hindi pa!

-End of Scene 11-

Narrator : Ano na naman ito? Nagbabalak pa si Haring Salermo ng paraan para hindi mawala sa kanya ang kanyang pinakamamahal na anak.

Haring Salermo : Sa loob ng tatlong silid nito ang mga anak ko. Pipili ka ng isa sa kanila at siya ang iyong pakakasalan.

Don Juan : Hmm... Nasaan kaya si Apat daliri?

Haring Salermo : Ano?

Don Juan : Wala po. Nag-iisip lang.

Narrator : Alam ni Don Juan na si Maria Blanca ay may apat na daliri na lamang dahil sa utos na ginawa niya.

Don Juan : Aha! Ito! Ito ang pipiliin ko!

Narrator : Pagbukas ng silid, si Donya Maria Blanca ang lumabas. Ang saya ng dalawang nagkaibigan ay kasing tindi ng lungkot at galit na naramdaman ni Salermo.

Don Juan : Pwede na ba kami magpakasal, ama?

Haring Salermo : Hindi! Hindi mo siya makukuha!

Narrator : Nalungkot ang dalawa. Sa gabing iyon, nagplano ang dalawang magtanan ngunit nalaman nito ni Haring Salermo.

Haring Salermo : Bumalik kayo dito!

Don Juan : Ang bagal ng kabayong ito!

Donya Maria Blanca : Palayain na ninyo kami papa!

Haring Salermo : Hindi! Neverrrr!

Narrator : Tinapon ni Donya Maria Blanca ang mga karayom na naging mga tinik sa daanan ng hari. Nahabulan pa sila ng hari kaya nagtapon rin siya ng sabon na agad nagiging bundok ngunit talagang mabagal ang kabayo nila, ang huling tinapon niya ang kohe at nagiging dagat ang tuyong lupa na dapat sanang daanan ng hari.

Haring Salermo : Isisumpa ko, Maria Blanca! Kahit anak pa kita! Pagdating ni Juan sa Berbanya, iiwan ka niya at iiyak ka pabalik dito!

Narrator : Hindi nagtagal ang buhay ni Haring Salermo pagkatapos ng pangyayari. Nagkasakit siya at namatay.

Donya Isabella and Donya Juana : Papa! Papa! (fake cries)

Narrator : Nakatakas na sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Sigurado na sila na hindi na sila masundan pa ni Haring Salermo. Dahil madilim na, kailangan na nila magpalipas
ng gabi sa kagubatan.

Donya Maria Blanca : Mahal kong prinsipe, natatakot ako. Pakiramdam ko na meron talagang mangyayari na hindi ko magugustuhan. Baka isa itong parusa dahil sa kasalanan ko kay papa, ang makapangyarihang hari ng Reino de los Cristales.

Don Juan : Huwag kang mag-aalala, mahal kong prinsesa. Wala ka nang dapat iisipin pa dahil hindi na tayo masundan pa ng iyong ama. Halika at humiga sa aking balikat.
Matulog ka na at malayo pa ang biyahe natin bukas.

Narrator : Sa susunod na umaga, unang gumising si Don Juan at linutuan niya si Donya Maria Blanca ng isang napakasimpleng almusal.

Don Juan : Magandang umaga, Maria. Halika na, meron ng itlog na hinanda ko para sa iyo. Simple lang ito pero pyesta ang sasalubong mo sa bahay ng ama ko.

Donya Maria Blanca : Salamat, Juan. Ang ganda talaga ng panaginip ko kagabi. Nagpakasal na raw tayo at nagkaroon ng anak. Maraming anak!

Don Juan : Aba sana'y magkatotoo 'yun. Ang ganda mong tingnan kagabi. Parang isang anghel na nahulog sa kalawakan!

Donya Maria Blanca : Hmph! Bulero ka talaga! Hindi ako ganun ka dali makuha, ha! Sa bagay, marami na naman ang nakasabi sa akin na maganda ako!

Don Juan : Gaano ka rami?

Donya Maria Blanca : Kasing rami ng mga babae na naloko mo na!

Don Juan : Hahaha...

-End of Scene 1-

Narrator : Pagkatapos nilang maggawa ng kabiruan, nagbiyahe na naman ang dalawa papunta sa Berbanya. Ngunit, pinatigil ni Juan ang kabayo na sinasakyan nila sa isang
baryo na malapit sa Berbanya.

Donya Maria Blanca : Bakit? Ito na ba ang Berbanya?

Don Juan : Ugh... Hindi pa.

Narrator : Pinababa ni Don Juan si Donya Maria Blanca at humiling na naman ito si Don Juan.

Don Juan : Mahal ko, maari mo bang iiwan kita dito sandali? Meron pa kasi akong aayusin mag-isa sa palasyo.

Donya Maria Blanca : Ayy... Hindi ba pwede kasama ako? Marami kasing magagandang babae doon. Baka ...

Don Juan : Eh ikaw pa? Papalitan ko? Iiwan ko lang? Hindi ako gago at loko-loko na lilimutan ang reyna ng puso ko! Ang araw at gabi ko! Ang tanging nagpabuhay ko! Ang buong pagkatao at kaluluwa ko!

Narrator : Dahil sa kakulitan at pagkabulero ni Don Juan ay pumayag nalang si Donya Maria Blanca.

Donya Maria Blanca : Sige na. Papayag ako. Ano ba ang gagawin ko habang wala ka sa piling ko?

Don Juan : Dito ka tumuloy muna. Gawin mo kung anong nais mong gain. Pero huwag ka lang tumabi sa kahit na sinong babae. Huwag ka na lang magtanong.

Narrator : Wala nang maggawa pa si Donya Maria Blanca. Misteryosong nagpaalam si Don Juan. Pero dahil mahal na mahal niya si Don Juan ay sinundan nalang niya ang
hiling ni Don Juan.

-End of Scene 2-

Narrator : Nakarating na muli si Don Juan sa kanyang palasyo at masayang-masaya ang
kanyang ama at nakabalik rin ang kanyang pinakamahal na anak.

Don Juan : Papa! Papa!

Haring Fernando : Bunso ko! Buhay ka!

Don Pedro and Don Diego : Ha? Paano?

Don Pedro : Paano kaya ito? Imposible! Wala akong ma-iisip na explenasyon!

Donya Juana : Naku! Naku! Nakabalik si Juan!

Don Diego : Iinit na naman ang ulo ni kuya!

Narrator : At kung may mga tao na ayaw ang pagbalik ni Don Juan, meron ring mga tao na naghihintay sa kanya- sa loob ng pitong taon.

Donya Leonora : Juan! Juan! Bumalik ka! Sabi ko na nga ba! Naaalala mo ba ako?

Don Juan : Laura?

Donya Leonora : Hindi ka pa rin nagbago.

Narrator : Habang nag-uusap ang dalawa, kaunting-unti nakalimutan ni Don Juan ang kanyang pangako ni Donya Maria Blanca.

-End of Scene 3-

Narrator : Sa bahay naman na tinuluyan ni Donya Maria Blanca, nakaramdam na ang prinsesa ng kaba.

Donya Maria Blanca : Ang tagal na. Tatlong buwan na ang lumipas!

Narrator : Tingnan mo ang mahiwagang singsing mo...

Donya Maria Blanca : Oo nga. Haha! Nakalimutan ko.

Narrator : At sa pagtingin ni Maria Blanca, nakita niya ang pagkalimot ni Juan sa kanya.

Don Juan : Magpakasal na kami, mahal na ama. Bukas!

Donya Maria Blanca : Hindi ito maaari. Mahal nya ako! Kahit papano, mas maganda pa rin ako keysa Leonora na 'yan. Hmph!

-End of Scene 4-

Narrator : Sa araw ng kasalan, busy na ang lahat at ang isa't isa ay may kanilang sariling
ginawa.

Don Pedro : (Crying) Busted na naman! Lagi na lang ba ito mangyayari sa akin?

Don Diego : Makahanap ka rin ng tunay mong mahal.

Donya Juana : Oo nga kuya. Baka ikaw na ang ikakasal sa sunod na taon.

Don Pedro : (Still Crying) Bakit pa kasi bumalik siya!

Reyna Valeriana : Handa na ba ang lahat? Ang ikakasal?

Don Juan : Nandito na po kami.

Haring Fernando : Magaling. Ang keyk? Mga pagkain?

Narrator : Natigil ang lahat pagdating ng isang napakagandang babae na nagsuot ng
mamahaling damit.

Donya Maria Blanca : Mahal na haring Fernando, ako po si Maria Blanca. Nais ko sanang magpresenta ng maliit na dula bilang regalo ko sa prinsesa at prinsipe.

Haring Fernando : Magpatuloy ka iha.

-End of Scene 5-

Donya Maria Blanca : -Reads something-

Narrator : Isinalaysay ni Donya Maria Blanca ang pinagdaanan nila ni Don Juan upang
maaalala niya ang kanyang totoong mahal at matigil ang kasal ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa galit ni Maria Blanca, halos mabasag niya ang prasko kung saan makikita ang dalawang negrito-isang babae at isang lalaki na ang naganap bilang Juan at Maria.

Don Juan : Huwag. Kilala ko siya. Siya ang tunay kong pag-ibig.

Donya Leonora : Ano??? Ako. Ako ang tunay mong pag-ibig.

Donya Maria Blanca : Hahaha. Success! Sa wakas naaalala rin mo ako.

Don Juan : Patawad, Maria. Patawad, Leonora at Patawad mahal kong ama. Nais ko pong
magpakasal kay Donya Maria Blanca, prinsesa ng Reino de los Cristales.

Donya Leonora : Ha? Paano ako?

Donya Maria Blanca : Hmm.. Hmm Hmm... Hmm...

-End of Scene 6-

Donya Leonora : Ako ang dapat pakakasalan ni Juan dahil...

Donya Maria Blanca : Hindi! Ako. Ako ang tinaghana niya!

Narrator : Nalilito na ang hari kaya...

Haring Fernando : Arsobispo. Matalik kong kaibigan. Ayusin mo ang problema na dalawang dalaga na nasa harapan ko na.

Arsobispo : Sige. Ikaw muna ang sasabi kung ano ang nais mong sabihin.

Narrator : Pinakinggan ng Arsobispo ang dalawang babae at pagkatapos ng ilang sandali, nagdedesisyon na siya.

Arsobispo : Si Donya Leonora ang dapat pakasalan ni Juan dahil siya ang nauuna.

Donya Leonora : Yes!

Narrator : Ngunit, sa galit ni Donya Maria Blanca, binasag niya ang prasko at nagbaha ang buong palasyo ng Berbanya.

Don Juan : Papa. Sige na. Pipigilan mo nalang ang kasal namin ni Leonora. Si Maria naman ang tunay na mahal ko.

Haring Fernando : Sige. Sige. Hindi ako marunong maglangoy.

Narrator : Kaya, masayang tinigil ni Maria Blanca ang baha at ikinasal sila ni Juan.

Arsobispo : Tanggap mo ba, Juan, si Maria Blanca, bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?

Don Diego : Isusumpa ko sa pangalan ng Diyos. O po arsobispo.

Arsobispo : Tanggap mo ba, Maria Blanca, si Juan, bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?

Donya Juana : Isusumpa ko sa pangalan ng Diyos. O po arsobispo.

Arsobispo : Sa kapangyarihan na binigay ng Diyos sa akin, Kayo na ay isang ligal na mag-asawa!

-End of Scene 7-

Narrator : Malungkot si Donya Leonorang pumasok sa kwarto niya. Napansin ito kaagad ni Don Pedro kaya sinundan niya ito kaagad.

Don Pedro : Okay ka lang ba?

Donya Leonora : Ano sa palagay mo?

Narrator : Kahit hindi pa natuloy ang kasal ni Leonora, malungkot pa rin si Don Pedro dahil malungkot si Leonora. Umalis na siya sana ngunit.

Donya Leonora : Ang bait mo talaga. Nagbago ka kahit hindi pa ako pumayag magpakasal sa iyo. Ang swerte ng mapapangasawa mo, Pedro.

Don Pedro : Tinutukoy mo ba ang iyong sarili?

Donya Leonora : Kay laki na ang sala ko sa iyo. Hindi ako karapatdapat.

Don Pedro : Handa ka na ba?

Narrator : At sa isang gabi, dalawang kasalan ang nagaganap. Ang laki ng selebrasyon sa Berbanya.

Haring Fernando : Nais ko sanang magretire na sa pagiging hari. Juan, ikaw na ang bagong hari ng Berbanya!

Don Juan : Hindi ko matanggap, ama. May kaharian na dapat naming babalikan ni Maria
Blanca. Ang Reino de los Cristales ay amin na. Ang bagong hari ng Berbanya ay dapat...

Haring Fernando : Ang panganay ko, si Haring Pedro at ang kanyang asawa na si Reyna Leonora.

Don Diego : Mabuhay ang mga bagong kasal!

Everyone : Mabuhay...

(Song plays) -"Time of my Life"

40 comments:

Louvette said...

ano po ba un pinapaksa ng ibong adarna un real po ahh...pki sbi po ngaun ha now na...ngayon araw ngayon gabi..

Tryxia Guina said...

Thanks a lot ! I thought I would never find this... thanks .. God BLess.. :)

Anonymous said...

ANG HABA NAMAN!!!! ANG MAHAL KAPAG IPI-PRINT!!!! :PPPPPP
:DDDDD

Anonymous said...

pwede namang edit mo kung mahaba masyado

Anonymous said...

Yay! Thank you po sa pag post. Buti nalang may ganito kundi bagsak sa PT. Grade 7 Play. HUHU. HAHAHAAHAHA.

Anonymous said...

thank you talaga sa writer.. panic na ang ibang grupo dahil dito.. heheh! thanks GOD! meron ito..

Mary Judine Grace Fuego said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

bakit po may modern languages dito?Diba unang panahon ito ginanap? :D

Anonymous said...

hahahahaha, laughtrip yung script XD

Bokals said...

sa modernong pag ganap sa entablado o ang tinatawag na stage play ay ginagamitan talaga ng makabago o modernong pananalita. Ito ay upang ganap na maintindihan ng mga manonood ang mga sinasabi ng mga gumaganap maging ito man ay sa pangunahing tauhan o sa pangalawang tauhan.

Anonymous said...

hindi sumakay ng kabayo si don juan...

Anonymous said...

Haha ang cute !!!111 laughtrip kaayu

Anonymous said...

Salamat admin! More power! \m/

- JPP of MHSST :3

mingomc said...

You save my life =)

Osmana Heredia said...

this is great

Anonymous said...

maganda pero mahaba pwede naman ang edit diba
kaya nga may coputer para mag edit

Anonymous said...

oo naman

Anonymous said...

THANKS PO SA GUMAWA
FROM 7 FLORA

Anonymous said...

Balaguer eto na ang i print mo
THANKS PO ULIT
KATTE 2

Anonymous said...

Mabuhay ang gumawa nito
salamat GABAY NG MAG-AARAL
PILIPINAS
7 FLORA

Anonymous said...

GALING TALAGA PAG PILIPINO ANG GUMAWA

Anonymous said...

VERY INTERESTING ANG GUMAWA
THANKS PO SA GABAY NG MAG-AARAL

Anonymous said...

eto nalang ang ipi-print ko kahit magastos basta ganun din kataas ang makukuha naming grade sa
FILIPINO
SORRY MAAM

Anonymous said...

magaling,matalino at pinag-isipan ng matagal ang script na ito

Anonymous said...

wala na akong masasabi
#MAGALING
#MATALINO
#IKAW NA

Anonymous said...

GALING

Anonymous said...

Pag kami ang nanalo sa
IBONG ADARNA
promise magsasaya ang lahat promise
#GO 7 FLORA
MANANALO TAYO

Anonymous said...

Thank You PO Sa Script na Ito.....Makakatulng po talaga ito sa amin...:):):)

From Grade-7 Rizal SNA
Taliwa Malitbog Southern Leyte Philippines:):)

Anonymous said...

thanks po pinagpra-practisan na po namin sya ngayon para ready po kami
sana makaya namin to
#GO 7 FLORA KAYA NATIN TO
#WAG TAYO PATATALO

Anonymous said...

thanks po
nice dami na ang ng co-comment

Anonymous said...

inedit nalang po namin to

Anonymous said...

COOPERATE
DISCIPLINE and
RESPECT
yan ang kailangan para magawa at mapaganda natin to

Anonymous said...

WE PRINT IT
kaya natin to
GO FLORA
WE DO OUR BEST TO BE
IBONG ADARNA BEAUTIFUL

Anonymous said...

totoo po ba na naglakad lang si juan at hindi gumamit ng kabayo
tanung ko lang po
pero kahit ano ang sagot ay thank you pa rin po kasi maganda ang ginawa nyo

Anonymous said...

hahahahaha!!!!!! parang modern naman at ito. mung unang panahon pa ang story na to diba... hahahaha!!!! :)

Anonymous said...

Maganda nagamit din namin to sa ibong adarna namin
#7-galileo

Anonymous said...

Opo di po sia gumamit ng kabayo yan po ang nakalagay sa corido

Al-Mudhill Muksan Ismadi said...

Salamat di na kami gagawa ng SCRIPT follow nyo ko on twitter @Kpoploverteen .. thanks ..

Anonymous said...

salaMT SA SCRIPT

Anonymous said...

hi...pd gamitin ko tung script pra sa isang Sarswela (Musical Play)?
I-edit ko kunti pro ito gagamitin ko....gusto ko sanang malaman san ko icredit na pangalan?...
salamat po kung pahintulotan nyu po ako...

Criz Lacno
09495075593

Post a Comment