Miyerkules, Marso 9, 2011

Dekada '70

Dekada '70


Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.

Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag- anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag- anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.



Klasismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

3 komento:

  1. anu ba ang maaaring ibigay na deskripsyon pra kay amanda???


    ass. kc namin..!

    plz anz. my ques.

    TumugonBurahin
  2. ano ba ang magagandang aral galing sa Dekada 70????

    TumugonBurahin
  3. anu vha ang tinatawag na buod plzz need qstion

    TumugonBurahin