Suyuan sa Tubigan

Suyuan sa Tubigan
ni Macario Pineda

Setting: Sa araruhing tubigan nina Ka Teryo at Ka Albina.

Mga Tauhan:

PILANG: Dalagang pamangkin ni KA ALBINA. Pinsan ni NATI. Mahiyain at maganda.
PASTOR: Binata. Isa sa mga magsusuyod sa tubigan ni Ka Teryo. May gusto kay PILANG.
ORE: Binata. Anak ni Ka Inso. Isa sa mga magsusuyod. May gusto kay Pilang.
KA ALBINA: Tiya ni PILANG at ina ni NATI.
MILYO: Binata. Malapit na kaibigan ni ORE. Matulungin.
PAKITO: Binata. Malapit na kaibigan ni PASTOR. Matuwain.
FILO: Binata. Kaibigan ni PASTOR.
TONING: Binata. Kaibigan ni ORE.
ASYONG: Binata. Kaibigan ni ORE.
TINONG: Binata. Kaibigan ni PASTOR.
KA IPYONG: kamag-anak ni Ka Teryo at KA ALBINA.
FERMIN: anak ni KA ALBINA at Ka Teryo. Kapatid ni NATI. Pinsan ni PILANG. May-asawa
KA PUNSO: Isa sa mga pinakamatanda. Ginagalang ng mga kasama. May-asawa.

Suyuan sa Tubigan

Ang kuwentong ito ay isang matapat na paglalarawan ng isang yugto sa buhay-bukid. Dalawa ang maaaring ipagpapakahulugan sa pamagat: ang pagtutulungan ng mga magsasaka sa pag-aararo at ang pagpapaligsahan ng dalawang binata sa iisang dalagang kapwa nila iniibig.

Buod

Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.

Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli,
samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

45 comments:

Anonymous said...

ano po ba ang kaisipan o ideya ang nkapaloob dito?

Anonymous said...

ang pagtutulungan ng mga magsasaka sa pag-aararo at ang pagpapaligsahan ng dalawang binata sa iisang dalagang kapwa nila iniibig.

Anonymous said...

paano ipinakita ang pagkiling ng akda sa kababaihan?

Anonymous said...

Ang bawat kababaihan ay may kanya-kanyang estilo sa pagpili ng kapareha.Ang iba ay mas pinipili ang katayuan sa buhay ng ninanais na makapareha samantalang ang iba ay mas pinipili ang kagandahang loob ng isang tao.

Anonymous said...

ano po ang kakalasan sa kwentong ito?

Anonymous said...

pwede po bang pakisuri?

Anonymous said...

Salamat :D This blog really helps :D

Anonymous said...

ito ba ay halimbawa rin ng kwento ng katutubong kulay?

Anonymous said...

paki sagot po pls!! kailangan ko po tlaga....

Anonymous said...

tanong: ito ba ay halimbawa rin ng kwento ng katutubong kulay?
sagot: oo at meron pang isa yong Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes

Anonymous said...

OO ito ay uri ng maikling kwento na pang katutubong kulay.Naipakita dito ang pamumuhay, pag-uugali at kultura ng mga taong sa bukid nakatira.

Anonymous said...

salamat. malaking tulong 'to sa project ko. :D

Anonymous said...

great help.

Anonymous said...

wow... salamat po it's a great help! Ang haba kasi ng kwento mismo eh un lang pala gusto ipahiwatig :)))

liezl yebra said...

ANUNG URI PO NG PANITIKAN MERON ANG KWENTONG ITO?

Anonymous said...

anyong patuluyan

Anonymous said...

ano po ang theme nang kwentong ito?

Anonymous said...

Ano po ang author's style? cultural implication? conflict ng kwentong ito?

Anonymous said...

Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook; ang anyo ng kalikasan doon; at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.

Anonymous said...

ano po tema, layunin ng akda at nilalaman po nito?

Anonymous said...

????

Anonymous said...

ala nabang iba?? >:<

Anonymous said...

ano po ba ang mga simbolo,tayutay, metapor, at idyoma..sa kwentong ito?

Anonymous said...

ui

Anonymous said...

ano pong mga tayutay ginamit sa kwento?

Anonymous said...

http://teksbok.blogspot.com/2013/01/suyuan-sa-tubigan.html

Anonymous said...

author's style lang po at cultural implication pls.po

Calixto said...

Mag effort naman kayong sumagot. Ang pagbabasa ay di dapat i-asa sa iba.

Debbie Shane Getigan said...

kailn na ginaganp ang suyuan sa tubigan ???

Anonymous said...

Thank you for this. And yeah, it's quite a story. It's really unique. Keep up the good work sa author na si Macario Pineda! :)

Anonymous said...

huwag naman po kayo masyadong umasa sa iba, hindi po nila assignment or project 'to. pasalamat kayo na sinasagot nila yung iba, kaso masyado na kayong demanding. sagutin niyo din naman, diba? uso 'yon, promise.

Anonymous said...

anu po ang aral na makukuha dito ?

Anonymous said...

may gusto ba si nati kay ore? patunayan.

Anonymous said...

ANO ANG ELEMENTO NG ESTILO SA KWENTO?/

Anonymous said...

Ang hirap naman intindihin neto. Puro ewan yung kwento.
Salamat po sa pag-buod!

Anonymous said...

Ako po si Keith Nicholas Adecer pinanganak na bading mahilig ako sa mga lalaki lalaki na may gusto sa bakla at mamahalin ako nang habang buhay. Eyeball tayu pag may time ka

reetenshi'stories -ree tenshi said...

ano po bang uri ng nobela ito ???

Anonymous said...

ano po ang sinisimbolo ng bawat karakter o symbolo ng kwento ?maraming salamat

Anonymous said...

Ano po Ang Kahulugan ng pag kislap ng ngipin ni pilang nang kausapin siya ni ore???

Anonymous said...

Hello.. ano pong pwedeng aral dito?

Anonymous said...

ano ping aral ang napapaloob dito?

Darwin Torres said...

ano ang mga tayutay at idyoma na naka paloob sa kwentong ito?

Anonymous said...

anong tema nto ?

Anonymous said...

what is the point of the story????

ying2x said...

im..sorry for saying this but i dont like the story...peace

Post a Comment