Kwento ni Mabuti

Kwento ni Mabuti
ni Genoveva Edroza-Matute


Hindi ko na siya nakikita ngayon. Naguni sinasabi nilang naroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawa't hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamanang pang-aklat - at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng Buhay. Saan man may kagandahan; sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Nguni walang ano mang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay….

Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya.

Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Sa isang paraang hindi malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala niya sa buhay.

"Mabuti," ang sasabihin niya, "…ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito. Mabuti…mabuti…!"

Hindi ako kalian man magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya ako minsang lumuluha: nang hapong iyo'y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin.

Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagomg sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

"Mabuti't may tao pala rito," ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig. "Tila may suliranin ka…mabuti sana kung makakatulong ako."

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kalian man. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan at kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Nguni hindi ako nakakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sa katapat na luklukan.

"Hindi ko alam na may tao rito… naparito ako upang umiyak din."

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo'y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Nguni siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang maghihiwalay sa ami'y natatanaw na nang bigla akong makaalala.

"Siyanga pala, Ma'am kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon na…iniyakan ko?"

Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon: "ang sulok na iyon na…iniyakan natin… nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: "Sana'y masasabi ko sa iyo, nguni… ang suliranin ko'y hindi para sa mga bata pang gaya mo. Mabuti sana'y hind imaging iyo ang ganoong uri ng suliranin… kalian man, Ang ibig kong sabihi'y maging higit na mabuti sana sa iyo ang…Buhay."

Si Mabuti'y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pagngiti niya ng mababagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang mga pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulpok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon na… "iniyakan natin" ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyong…aming dalawa.

At sapagka't natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mg bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinasabi. Nguni sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na guniguni an gaming isipan at ng mga kaaya-ayang tunog an gaming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng Buhay. Bawa't aralin namin sa Pnitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan. At ako'y humanga.

Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng Buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtukalas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, ay isa sa pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan lamang sa amin. Iyon marahil ang nagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-kahulugan sa mga bagay n apara sa ami'y walang kabuluhan.

Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kanya. Nguni bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak… nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kailan man tungkol sa ama ng batng iyon. Nguni dalawa sa mga kamag-aral nmin ang nakababatid na siya'y hindi balo.

Walang pag-aalinlangang ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang palaking mg a pngarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag an gaming guro ng isang pangamba: ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan-ilan sa aming pangkat, ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay isa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagka't walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawa't pagbanggit na iyo'y nagkaroon ng bagong kahulugan sapagka't noon pa ma'y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang mga pagsalaysay ay nalamn naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuutan niyong may malaking lasong pula sa baywan, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na tao'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak - at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang ang isa sa mga batng lalaki sa aking likuran ay bumulong: "Gaya ng kanyang ama!"

Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita.
"Oo gaya nga ng kanyang ama," ang wika niya. Nguni tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon an una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may-kaarawan.

Natiyak ko noong may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya, tanganana ng kanang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Nguni ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon: ang mga kamag-aaral kong nakikinig nang walang ano mang malasakit sa kanyang sinabing., "oo, gaya nga ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko na mililimutan kalian man. Tiningnan niya akong buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti…mabuti! Gaya ng sasabihin nitong si Fe - iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin…."

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Nguni samantalang nakatitig siya sa akin nang umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagka't nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan….

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyang mukha, mui niyangipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng Buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang nakallipas. Namatay at naburol ng dalawang araw at dalwang gabi sa isang bahay n ahindi siyang tinitirhan ni Mabuti at ng kanyang anak. At nauunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyo'y naunawaan ko ang lahat….

5 comments:

Unknown said...

Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
Memeesteti─či

Anonymous said...

ganda ng kwento....ganun talaga kailangan minsan ipapakita natin sa tao na parang wala tayong problema o dinadala pero ang totoo mero at ito'y mabigat pala.../..

xander said...

nice story when the time that i almost finish reading it i was shocked because i enjoy reading it i dont know that i almost finish it.

Anonymous said...

isang kaantig antig puso ang kwento..

Anonymous said...

matagal ko nang nabasa ang kwentong ito.I was on my 3rd high.Until now di kko pa rin malimutan ang story na ito. I really admire the works of Ms.Genoveva Edroza Matute.She inspired me para gumawa rin ng mga maikling kwento..hopefully mka submit na ako ng entry sa palanca next 2015...

Post a Comment