Malalalim na Salitang Filipino

Malalalim na Salitang Filipino

1. aab - hugpong o paghuhugpong ng dalawang putol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng
    mitsa at butas na kahugis ng buntot ng kalapati

2. abalabal - maliliit na piraso ng dala-dalahan: abubot, kargada
    Halimbawa:
          Hindi siya magkandadala dahil sa samut-saring abalabal.

3. abuab - kamandag o lason na ipinapahid sa talim ng palaso; yungib sa ilalim ng tubugan,
    lawa, o dagat

4. agiw - maruming sapot ng gagamba (cobweb)
    Halimbawa:
         Darating ang mga kaanak ng Nanay kaya siya nag-alis ng mga agiw sa kisame.

5. akukabkab - tinalupan

6. alalaong baga - sa ibang salita; samakatwid

7. alapot - limahid; damit na marumi at sira
    Halimbawa:
         May sakit daw sa pag-iisip ang nakita niyang babae sa kalsada na nakasuot ng alapot.

8. alibadbad - pagsusuka dulot ng pagkain, masamang pakiramdam o allergy; liyo; lula

9. alimuom - singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ulan o ambon
    Halimbawa:
          Para huwag sumakit ang tiyan, uminom ng tubig kapag may alimuom.

10. alimusom - halimuyak; samyo
      Halimbawa:
           Mabango ang alimusom ng cadena de amor kagabi.



(Hango sa UP Dikiyonaryong Filipino)

11 comments:

Anonymous said...

salamat:]

Anonymous said...

,/,

Anonymous said...

puta galing ahhh

Anonymous said...

Wala naman dito yung hinahanap ko e hayyyyssssss >_<

Anonymous said...

tagakog po ba ito na malalim i mean hindi po ba sya salita ng mga bicolano ,visaya etc? sinisugurado ko lng po

Unknown said...

Oy kuya/ate o kung ano ka man sure kang tama yan ah pag mali yan naku naku lagot ako sa teacher ko

Lovely girl said...

Anu Po ba Yung sa posting Muna? Sony Po ang may Alam

Lovely girl said...

Anu Po ba Yung sa pitong kuba?
Sinu Po ang nakakaalam?

Poging louix said...

Sana tama nga po to

Kmbrly said...

Ano po ang malalim na salita ng nagsulat

Anonymous said...

ano po yung pekpek?!

Post a Comment