Ang Kwento Ng
Pinagmulan Ng Lahi
Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si
Laor. Ayon sa paniwala ng marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa
daigdig. Hindi malaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang
pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang
magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing
mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa
hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya
ito, kaya’t nang kanyang buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay
naging nuno ng mga Negro at Ita.
Hindi nasiyahan si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha
uli siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang
ito’y masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw
at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno.
Palibhasa’y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni
napahuli ang pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon
at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na
kinabibilangan natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento