Linggo, Pebrero 27, 2011

Di Masilip Ang Langit

Di Masilip Ang Langit
ni Benjamin P. Pascual

- at pag-iinitan ka pa. Bago ka pa lang dito, pare. Yan ang unang matututuhan mo dito sa ob-lo pagtagal-tagal mo.

Umiiyak kanina ang waswas ko, pare. Isi ka lang, sabi ko. Ito ang kapalaran natin, e. Naawa siguro sa ‘kin. Matagal nang ito ang haybol ko at bibilang pa ng maraming taon na ito ang haybol ko. Sabi ko naman, ayaw ka ba n’on, konkreto ang bahay ko at ginugwardiyahan pa ng les-pu? Nagpapatawa lang ako, pare lungkot din ako. Sabik na ako sa laya, pare. Naaawa na rin ako sa waswas ko na di ko alam kung paano nabubuhay ngayong narito ako sa ob-lo.
Pare, sindihan mo yan. Huwag mo lang ipapatanaw ang baga sa labas. Takpan mo ng lukong ng palad mo.
Anong kaso mo pare? Arson, pare. Ha-Ha-ha! Isang ospital ang sinunog ko – o pinagtangkaang sunugin. Dahil hindi nasunog lahat, pare. Tersiya parte lang ng bilding ang kinain ng apoy.

Hindi ka siguro maniniwala, pare. Kami ang gumawa ng ospital na iyon. Sa Quezon City ‘yun, pare. Yong pribadong ospital na ari ng magkapatid na mestisong instik, Lim ang apelyido. Ang ibig kong sabihin, pare. isa ako sa mga peon, ‘yung nagtayo n’on, kantero ‘ko pare — ‘yon bang tagahalo ng semento.
Nang magawa namin yon pare, para ‘kong pintor na nakagawa ng obra maestra. Gano’n pala ang mararamdaman mo pag nakagawa ka, pag nakabuo ka ng isang magandang bagay. ‘Yon lang kasi ang magandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Alam ko, ang arkitekto ang nagplano n’on, pero, isa ‘ko sa mga gumawa. Kung masasabi niyang siyang gumawa n’on, masasabi ko rin na ako. paano mo matatayo ang isang bilding pare, kung wala kang tagahalo ng semento? Di mo ‘yon maitatayo sa pamamagitan ng lapis at papel lang.

Nang mayari namin ‘yon pare, di ko pagsawaang tingnan. Paulit-ulit kong minasdan. Lalagay ako sa malayo, sa harapan, at hahagurin ko ng tingin. Papa’no parang isang magandang babae, pare na maya’t maya’y gustong mong ukulan na humahanga at nagmamalaking tingin dahil alam mong mga kamay mo ang katulong na gumawa at bumuo.

At ito ang pinagtangkaan kong sunugin, pare! Ha-Ha! Sasabihin ko sa ‘yo kung bakit. Uumpisahan ko sa simula.

Mahigit na ‘sang taon naming ginawa ang ospital na ‘yon pare. Nang mayari ang pundasyon, marami sa mga kasamahan ko ang doon na natutulog. Alam mo na, para makatipid sa pasahe. Nang malaon, sinabi ko ke Luding — Luding ang pangalan ng waswas ko, pare — na do’n na rin ako matutulog, kasi kahit na nasa Quezon City rin kami nakatira e malayo sa amin ang ginagawang bilding, kailangan magdalawang sakay ka sa bus at dyip.

“Sige” sabi ng waswas ko.”Nang makatipid tayo ng kontisa gastos” Kasi pare, minimum lang ang pagana sa ‘kin sa ginagawang ospital. Ang minimum no’n disiotso, hustong-husto lang sa pagkain at pangangailangan naming mag-asawa.

Sasabihin Ko muna sa ‘yo Kung saan kami nakatira no’n, pare. Ang haybol namin no’n e hindi talagang bahay kundi isang maliit na kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barung ‘yon, dahil mas marami ang yero – na unti-unti naming naitayo sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang bagong tayo ring subdibisyon. Pinsan ng waswas ko ang inhenyerong nagtayo ng subdibisyon at napakiusap namin sa kanyang bakanteng ngang loteng ‘yon, na di na sakop ng lupa ng subdibisyon, na kaibigan naman ng inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito, pare, legal naman ang pagkatira sa subdibisyon, hindi kami talagang iskwater na basta na lang nagtayo ng bahay, sa lupa ng me lupa. Sabihing nakatira, pero hindi iskwater.

Ang hirap ng lagay namin do’n pare. Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas. Bakit e medyo maaskad ang kara ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga sabdibisyon e parang bang sa anumang sandali’y lolooban ko ang malaki at magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan lang nama’y nakakapagpapangit ang aming barung-barong, sa tingin, sa magaganda nilang bahay sa sabdibisyon at ibig nilang kami’y umalis.

Hirap kami no’n, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming pakabitin ng koryente sa sabdibisyon. Ang ibig nga nila’y Kami’y umalis.
Sa itinatayong bilding na nga ako natutulog at umuuwi lang kung Sabado ng hapon. Me kasama naman sa bahay ang waswas ko, ang kanyang ina na nakapisan na sa amin mula pa nang kami’y ikasal. kung gabi, masaya kami sa ginagawang bilding. Me magpa¬pabili ng kuwatro kantos at pararaanin namin ang mga oras sa kantahan at kwentuhan. O gagalain namin ang buong bilding na kung baga sa tao e kalansay pa lang. Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin, pare, na parang guhit ng aming palad.

Nang matapos na ang bilding – nang matapos na, ang ibig kong sabihin at me doktor na at me tumatanggap na ng pasyente – siya namang pagbubuntis ng waswas ko. ‘Yon ang una naming anak, pare. Wala pa kaming ‘sang taong kasal nang umpisahan naming gawin ang ospital.

“Hanggang Maagay magplano tayo”, sabi ko sa waswas ko isang gabi, at sinabi ko sa kanya na mabuti siguro’y sa ospital na itinayo namin siya manganak.
“Mahal roon,” sabi ng waswas ko. “Mayayaman lang ang nanganganak at nagpapagamot doon.”
“Me pri ward doon”, sabi ko naman.
“Hindi ko alam”,sabi niya.
“Alam ko”, sabi ko. kailangan ‘yon. kami ang gumagawa no’n, di ba? Gamot at pagkain lang ang babayaran mo sa pri ward doon at konting donasyon na ibibigay.”
“Ikaw, kung gusto mong do’n ako manganak e di do’n” sabi ng waswas ko.
“Meron ka bang alam na ibang ospital na maari mong pangana¬kan?” , sabi ko.
Tumingin lang sa akin ang waswas ko at hindi sumagot. Alam na niya na ang pinakamalapit na ospital sa ‘min e ang ginawa namin. Me ilang ospital naman na me pri ward din, pero iyo’y malayo na sa amin o nasa maynila na.

Wala pa ‘kong masasabi sa ‘yo tungkol sa waswas ko. Mabait siya, pare. Siya ‘yong kung sisigawan mo’y tatalungko na lang sa isang sulok. Sunud-sunuran sa gusto ko, pare. Maganda pa. nakita mo naman sa bisitor rum kanina. Me mukha naman, di ba?

Tayung-tayo pa ang suso, di ba? Pagkatapos naming mag-usap ng waswas ko kung saan siya manganganak, Isang araw na napagawi ako sa ospital na ginawa namin e nagtuloy ako sa loob. Wala naman akong ipapagamot. Gusto ko lang mag-usisa, mag-usyoso. Ginala ko ulit ang palibot, sinundan ng tinginang nagsasalimbayang mga nars at doktor. Pare, gusto kong sabihin sa lahat ng tao ro’n na isa ‘ko sa mga gumawa no’n.

Sa madaling salita’y lumaki at lumaki ang tiyan ng waswas ko. Nang walong buwan na ang kanyang kabuntisan e ping-uusapan uli namin ang kanyang panganganak. Para kaming nagdidril kung ano ang gagawin kung magkakasunog. Sabagay, kailangan ‘yon. Malayo ang subdibisyong aming iniiskwat sa kalsada na daanaan ng mga sasakyan. kaya halos lahat ng taga subdibisyon e me kotse.

“Pa’no kung dumating ang oras ng manganganak kang wala ako rito sa bahay?” tanong ko ke Luding. Mangyayari lang ‘yon, pare sa araw na nasa trabaho ako. Me ginagawa kaming bahay no’n sa Pasay.

“Lalakad ako hanggang sa abangan ng sasakyan at tatawag ng dyip o taksi at magpapahatid sa ospital,” sabi ng waswas ko.
“Makaya mo kayang lumakad hanggang sa kalsada?” tanong ko.
“Kakayanin ko,” sabi niya.
“Pa’no kung di mo makaya?” sabi ko. “Pa’no kung mapanganak ka sa daan?”
“Bahala na,” sabi niya.
“Sana’y narito ‘ko pag nanganak ka na,” sabi ko.
Tumawa ang waswas ko at ang sabi, “Di ganon din ‘yon. Maglalakad din ako hanggang sa abangan ng sasakyan.” “iba talaga ‘yung narito ‘ko,”sabi ko.
“Sabagay,”sabi niya.
“Sana’y sa gabi ka manganak,” sabi ko. “Narito ‘ko.

Huwag lang sa hating-gabi o madaling araw. Baka mahirapan tayong makakita ng taksing maghahatid sa ‘tin sa ospital.”

Naging problema sa ‘kin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak ko ‘yon, pare, unang pagkakataon na magiging tatay ako. Maiintindihan mo naman siguro kung bakit gano’n na lang ang paghahangad kong malagay sa ayos ang panganganak niya, huwag malagay sa panganib ang aming magiging anak.

Pare,halos gabi-gabi’y pinag-uusapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming magiging anak. Ang waswas ko’y mahilig sa mga pangalang Amer’kano at gusto niya ang mga pangalang Michael at Leonard at Robert, kung lalaki ang bata at kung babae nama’y gusto niya ang pangalang Elizabeth at Jocelyn at Roda. Ang gusto ko nama’y Lualhati, kung babae ang bata, at Joselito kung lalaki. Me kapatid kasi akong namatay na Jose ang pangalan at ikinabit ko ang Lito dahil ‘yon ang gusto kung maging palayaw n’ya Paboritong ko kasing artista si Lito Lapid, pare, Gaya ng nasabi ko na, sunod-sunuran sa ‘kin ang waswas ko at nagkasundo kami sa pangalang gusto ko.

Me isa pang dahilan kung bakit ayokong malagay sa panganib ang buhay ng aming magiging anak, pare. Gustong-gusto ng waswas ko ang kanyang pagbubuntis. Ang ibig kong sabihin pare, gustong-gusto niyang maging ina. Napapakiramdaman ko ‘yon sa ‘ming mga pag-uusap tungkol sa batang isisilang, kung nagsasabi siya ng mga pangalang Amer-kano na ibig niya para sa bata, kung pinag-uusapan namin kung saan pag-aaralin ang bata. Likas lang siguro ‘yon sa bawat babae. Bawat babae’y gustong maging ina. At ayokong maging sentimental, pare. Ang gusto ko sa waswas ko’y natural din sa mga lalaki, di ba?
Nobyembre, manganganak ang waswas ko at alam ko kung papasok ang buwang ito. Matatapos pa lang ang Oktubre, namumulaklak na ang talahib sa pagpasok ng Nobyembre at sa panganganak ng waswas ko.

Pumasok ang Nobyembre, nakaipon na ‘ko ng sandaang piso. Sa gaya kong nagkakantero lang, pare, hindi madaling mag-ipon ng sandaang piso na ilalabas mo sa gastusan sa bahay. Kinakailan¬gang awasin ko yon, nang unti-unti, sa gastos ko sa pagkain sa tanghali, sa paghinto muna sa paninigarilyo, sa hindi muna pagto¬ma. Pare, kung minsa,y nagpupunta sa birhaws o sa putahan ang mga kasama ko pero nagtiis akong maiwan sa ginagawang bilding. Tinipid kong talaga nang husto ang sarili ko, pare. Ang sandaang pisong ‘yon e inilaan ko sa biglaang pagkakagastusan, gaya ng ibabayad sa taksi kung dadalhin na sa ospital si Luding, o bayad sa ospital kasi nga’y me pagbabayaran ka rin sa ospital kahit pri ward.

Nasa trabaho ‘ko pare, nang magdamdam ang waswas ko. Umaga no’n. Ang pangyayari’y hindi ko nakita. Ikinuwento na lang sa ‘kin ng waswas ko kinagabihang puntahan ko siya sa ospital. Gan’to, pare. Isang oras pagkaalis ko ng bahay, sumakit ang tiyan ng waswas ko – talagang oras na ng panganganak niya, naramdaman niya. Hindi niya ‘ko matawagan sa telepono – siyempre walang telepono sa bahay na ginagawa namin. Hindi naman daw niya mautusan ang nanay niya na puntahan ako at pasabihan. Medyo engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang tenga. Sinabi na lang niya sa nanay niya na pumirme sa bahay at pupunta na siyang mag-isa sa ospital. Lalakad siya hanggang sa kalsada, gaya ng usapan namin, at sasakay sa dyip o taksi at magpapahatid sa ospital. Me pantaksi siya. Lagi siyang may nakahandang pantaksi na ibinigay ko sa kanya mula sa sandaang naipon ko.

Nang naglalakad na ang waswas ko sa mga kalye ng subdibisy¬on, pasiyorkat sa abangan ng sasakyan, bigla raw humilab ang tiyan at hindi siya makalakad. Napilitan siyang lumapit sa isang malaking bahay do’n na ari ng isang taga-BIR na ang pangla’y Mr. Cajucom, na me kotse, at kumatok siya nang kumatok at tumawag nang tumawag sa geyt. Ang lumabas, pare, e ‘yong asawa ni Mr. Cajucom, na ito at tinanong siya kung bakit. Sabi ng waswas ko’y manganganak na siya at kung maaari’y makikiangkas sa kotse at padadaan sa ospital.

“Kumakain pa, e”, sabi raw ni Miss Cajucom
Biruin mo ‘yon, pare? Kumakain pa raw! Pare, akong may kotse at me nagsasabi sa ‘kin na ang kapitbahay ko’y manganganak, maski na ‘ko nasa ibabaw ng waswas ko’y, babangon ako at uunahin kong asikasuhin ‘yung manganganak. Pero, pare, kumakain pa raw! Hindi man lang pumasok at sinabi ro’n sa asawa na ang waswas ko’y nasa labas at parang asong naghahanap ng mapapanganakan!

‘Mapapanganak na ‘ata ‘ko , Misis”, sabi raw ng asawa ko. “Baka di na ko umabot sa ospital.”
Buti na lang at lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang waswas ko. Naawa naman siguro – o baka nisip na kargo de konsensiya niya kung mamamatay ang waswas ko sa labas ng kanyang geyt – iniwan ni Mr. Cajucom ang pagkain at agad daw nagbihis, pinasakay sa kotse ang waswas ko at isinugod sa ospital. Ang totoo, pare, nag-oopisina ang Mr. Cojucom na ito. Hindi naman niya kailangan ihatid sa ospital ang waswas ko, kailangan idaan lang niya sa ospital sa pagpasok niya sa opisina.

Eto na ang masakit, pare. Kung sa iyo nangyari ‘to e baka nakapatay ka ng tao.
Sasabihin ko muna sa ‘yo kung anong kotse meron ang Mr. Cojucom na ‘to, pare. Mustang ‘yon, pare, erkondisyon at bago. Malalaman mo naman kung bago ang kotse dahil sa plaka, di ba? Ang gara pare, kulay berde. Nakikita ko ang kotseng ‘yon pag gumagala si Mr. Cajucom sa loob ng subdibisyon. Pare, kahit sa layong isang kilometro, masasabi mong ang me are no’n e hindi basta-bastang tao. Maatik, ibig kong sabihin.

Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas ko – sa ospital na ginawa namin, pare – salubungan daw sa kanila ang mga nars at attendant. Akala siguro, pare, misis ni Mr. Cajucom ang waswas ko.

Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr. Cajucom: “Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward lang ako”.

Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants. Me natira namang isang nars, na sabi raw sa waswas ko: “Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo ro’n”.
Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay raw muna.
Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare. Sinabi kong nakalimutan, pero ang dapat ‘atang sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa ang naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang nars na nagsabi sa kanya na maghintay siya ro’n.

Malungkot, pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan siya ng mga nars at doktor at isakay sa estretser at isugod sa elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na patay na ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ‘ko riyan at wala ‘kong naiintindihan sa mga salitang ingles na sinabi nila na siyang dahilan raw ng pagkamatay ng bata. Pero ang waswas ko pa rin ang pinaniniwalaan ko. Sabi ng waswas ko’y namatay ang aking anak dahil bumagsak sa semento. Simpleng-simple. pare. Bumagsak sa semento.
Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay. Nakapagpapaalala, pare, sa isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare. pusa. Napaiyak ako, pare.

Pare, mamamatay ba ang batang ‘yon kung halimbawang ang asawa ng waswas ko’y si Mr. Cajucom? Kung halimbawang kame ang me are ng mustang?
At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang mga kamay ko ang katulong na gumawa. Masakit, pare!
Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang waswas ko. Gusto raw niyang maghabol. Hindi raw niya mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming anak. Sabi ko’y ano ang magagawa namin? Mapapalabas ba naming kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa paghihintay sa lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e maraming pera sa husgado, kami’y wala. Inalo ko na lang waswas ko. Pare, nagtawa pa ‘ko. Sabi ko’y gagawa uli kami ng beybi. Gagabigabihin namin, sabi ko. Pero ngitngit ako, pare. Iyak ng iyak ang misis ko. Kawawa naman daw ang aming anak.
Babae ang bata, pare.

Eto pa ang isa na talaga namang nakakaasar, pare. Kinabukasan ng gabing youn sumugod ako sa ospital, kinuha ko ang patay na bata at ibinurol sa aming bahay. Kinabukasa’y nagbalik ako para ilabas ang waswas ko. Ayaw ni Luding na magtagal do’n, pare, at naiitindihan mo siguro kung bakit. Isa pa’y inaalala niya na baka lumaki ang babayaran. At gano’n nga ang nangyari, pare. Nang pinaghahanda ko na ang waswas ko sa paglabas, sinabi sa ‘kin ng isang nars na pumunta raw muna ako sa kahero at babayaran ko ang dapat bayaran. Nagpunta naman ako. Pare, ang pinababayaran sa ‘kin sa ospital, sa gamot daw at sa pagkain at sa kuwarto e dos sientos beinte! Pare para ke pang naging pri- ward ‘to kung magbabayad din ako ng ganitong kalaki? Halos naisigaw ko sa kahero. Hindi ngayo’t priward ang tinigilan ng asawa mo e pri ward na lahat. Sabi naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!

Ang dala kong pera’y sisenta pesos – ang beinte pesos ng sandaan ko’y ibinigay ko nga ke Luding at ang iba’y di ko alam paano nagasta ibinayad ko yon sa kahero at nangako ako – pumirma ako promissori not ‘ata ang tawag don’n – na bukas e babayaran ko ang kakulangan. Dahil namatay ang bata, pumayag na rin ang ospital. Saka ko pa lang nailabas ang waswas ko.

Ayokong maawa sa sarili, pare. Hindi raw dapat sa tao yang maawa ka sa sarili dahil pag naawa ka sa sarili mo e maiingit at mamumuhi ka naman sa iba, na hindi raw dapat. Pero nang gabing ‘yong nakaburol ang anak ko at patulo nang patulo ng luha ang waswas ko e gano’n ang nararamdaman ko. Pare, ni walang umilaw sa patay ng sanggol kundi dalawang kandila na inalagay namin ni Luding sa ulunan at paanan ng kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng koryente sa pinakamalapit na bahay sa subdibisyon, dahil baka kami tanggihan at pumayag man ang bahay na ‘yon e kailangang bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na baka hindi na kaya ng bulsa ko. Ang ibinayad namin sa ataul e inutang ko lang sa me ari ng bahay na aming gingagawa, Me mga kasama ako sa trabaho at kaibigan na nag-abot sa ‘kin ng sampu, lima, dalawa, pero iniukol ko ‘yon sa gagastusin sa libing at sa dapat ko pang bayaran sa ospital. Awang-awa ako sa sarili, pare. Bale ba’y ni walang nagpunta sa bahay sa dalawang gabing pag-kakaburol sa bata. Sabagay, mabuti na rin ‘yon dahil wala kang malaking iintindihing pakakapehin at aalukin ng biskuwit. Pero sa mga nakatira ro’n e hindi makidalamhati sa ‘yo kung me patay ka, makakaramdam ka ng sakit ng loob. Maaawa ka sa sarili mo.

Kinabukasan namin inilibing ang bata. Pumalya uli ako sa trabaho. Dalawang araw na ‘kong pumapalaya sa trabaho at ikatlo ang araw na ‘yon. Nang umuwi kami nang maggagabi na, pagkagaling sa libing, naupo ang waswas ko sa tabi ng bintana at tumingin sa labas. Parang walang nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita, pare. Para ‘lang mabubuwang, pare. Ang nanay niya’y ayaw ring magsalita at mahirap namang kausapin dahil medyo engot nga at mahina ang tenga. Lumalabas ako, pare. Nagpunta ako sa daraanan ng sasakyan na me tindahang nagbibili ng alak at pumasok at nagbuwal ng isang bilog.

No’n ko naisip na magpunta sa ospital. Hindi na malinaw sa isip ko kung bakit nagpunta ako ro’n sa ospital. Siguro’y no’n ko naisip na magbayad ng kulang ko – ng utang ko. Siguro’y gusto ko ipakilala sa ospital na kahit na ‘ko mahirap, kahit hirap na hirap sa buhay e me konti ako, ng tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masama’t mabuti at marunong akong magbayad ng utang ko – kahit sa kanila na pumatay ng sanggol ko. Ewan ko, anu’t anuman, pare, nagpunta ‘ko sa ospital. Binayaran ko ang utang ko. Ipinakilala kong marunong akong magbayad ng utang at nasiyahan ako ng
konti at sinira ko ang promisori not sa harap ng kahero, nang ibigay niya ‘yon sa ‘kin nang magbabayad ‘ko.

Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang mapatingin ako sa palibot na gaya ng nakaugalian ko sa ospital na ‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko sa mga doktor at mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na pumatay sa batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e maaaring wala na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding na ‘yon na lagi kong ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.

Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid do’n na no’ng ginagawa pa lang namin ang bilding e tinutulugan namin ng mga kasama kong peon. Ngayo’y pahingahan ‘yon ng mga dalaw at ng nars at doktor na napapagod sa trabaho. Pumasok ako ro’n at umihi sa sopa. Inihian ko rin ang telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e Magdumi at manira, pero nang wala na ‘kong maiihi, naisip ko namang magwasak. Nabuwang na nga ‘ko, pare. Ibinuwal ko ang mga kurtina. Siniliban ko rin ang mga magasing naro’n at ang apoy e idinuldol ko sa lahat ng bagay maaring magdingas.
Naglagablab na ang silid nang lumabas ako. Isang attendant na lalaki and nakakita sa ‘kin. Nakita niya ang usok at apoy na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at nahulaan ang ginawa ko. Tumakbo ako. Hinahabol niya ‘ko at sa ibaba inabutan. Pero malaki na ang apoy, pare. Nagpalipat-lipat na ‘yon sa maraming silid.

Apat na atendant at guwardiya and gumulpe sa ‘kin pare, bago ako ibinigay sa les-pu. Pero tersiya parte nga ng ospital ang nasunog ko.
Yosi pa, pare? Nadadalhan pa ‘ko ng yosi ng waswas ko, Ewan ko kung sa’n siya kumuha ng ibinigay nito. Naghahanap buhay daw siya kahit pa’no pero di ako nagtatanong kung ano ang hanapbuhay ‘yon. Wala siyang alam na trabaho pare. Paris ko rin siyang bopol. Baka masaktan lang ang loob ko kung malalaman ko kung anong hanapbuhay ‘yon kaya di ako nagtatanong.

Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa gabi, kailangan hulaan mo lang ang oras. Kasi nga’y walang me relo dito. Ni hindi mo naman masilip ang langit sa labas mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala kang masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas. Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng Diyos.

Sabado, Pebrero 26, 2011

Talasalitaan

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


Letrang A
Letrang B
Letrang D
Letrang G
Letrang H
Letrang I
Letrang K
Letrang L
Letrang M
Letrang N
Letrang P
Letrang R
Letrang S
Letrang T
Letrang U
Letrang W
Letrang Y

A

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


A:

abang uyamin
the poor person who is the object of mockery

abutin ng sulyap
to be caught by the eye

akibat
brought

aking mababata
i can suffer

aking napagsapit
i experienced

aking tinawid
i am crossing

ako sa payapang baya’y yayakapin
will die

ako’y kinamayan
shook hands with me

ako’y nalungayngay
i drooped

alagad
follower

alindog
extreme beauty or charm

alingawngaw
echo

alipusta
despised

alipusta’t iling
insult and denial

alpa
harp

ambil
petname

aming sinalakay
we invaded

anaki’y burok
like the yolk of an egg

andukha
care

ang bakit at hulo
the reason and cause

ang buhay niya’y tuntong na sa guhit
his life is nearing its end

ang dikit ng kiyas
the beauty of posture

ang gawang magsukab
the art of being unfaithful

ang lilig ay supil
the neck was held back by

ang lugaming pangko
the poor man being carried on the shoulders

ang nasa’y lumipad
my desire is to fly

ang patas na wika
the proper word

ang sino ma’t alin
whoever and whichever

ang sula ko
my precious stone

ang tibay at kintab
the strength and gloss

anhin mang tuwirin ay nagkakalisya
no matter how much i straightened my speech, i always made mistakes

ano ang sanhi
what is the cause

aruga
care

ay di igagalang ng tangang patalim
will not be respected by the weapon he is holding

Y

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


Y:

yamang natalastas
in as much as it is known

yaring binabatang hirap
this hardship being borne

yayakagin
convince to come along

yuyurakan
will trample upon

W

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


W:

wakas
end

walang awa at pitagan
without mercy and respect

walang inadhika
desired nothing

walang lasap
tasteless

walang likat
with out stopping

winahi ng hamog
brushed aside by the dew

U

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


U:

uhaw sa aking dugo
thirst for my blood

ulilang sinta
orphaned lover

uliran ng lahat
model for all

umali
predominated

utos ng langit
law of heaven

T

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


T:

ta (ng)
variant of atin, yours and mine

tabak
bolo

tadhana
fate

taghoy
wailing

taguri
nickname

taksil na pita
disloyal wish

tanggulan
defense

tanungan
adviser

taong lilo
treacherous person

tapat na pagsuyo
faithful love

tapat mong luhog
your loyal request

tatlong araw na di nagtatanaw tama
has been unlucky for three days

tigib-sakit
full of hardship

tinaghug-taghoy
continous crying

tinampal sa mukha
slapped in the face

tinangis tangis
continous crying

tinatangisan
crying over

tingalin
variant of tingalain to look up above

tingni
poetic word for tingnan look

tingni
poetic word for tingnan, look at

tinudla
shot

tinunton
traced

tinutop ang noo
put the palm on the forehead

tinutunghan
being looked at

titig
look

tumagistis
flowing

tumarok
to fathom

tumimawa
become poor

tumugong banayad
answer slowly

tunod na tumimo
arrow that pierced

tutugot
will stop

tuwang kinamtan
joy obtained

S

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


S:

sa aba’y mahapis
to pity the unfortunate

sa dahas ng sakit
in the fierceness of pain

sa isa katao’y marami ang handa
much was prepared for single person

sa kababago ng tula’y umalat
because of frequent changing the poem became poor

sa minsang ligaya’y tali nang kasunod makapitong lumbay o hanggang matapos
each joy is followed by seven sorrows as far as the end

sa pnanggalingang wala’y magsauli
to return to nothingness

sa tapat na lingkod
faithful servant

sa yama’y bunyi
famous in wealth

saad
said

sabungan ng sama
scatter evil

sadlakan ng sakit
dumping place of suffering

sagisag
emblem

sakbat ang palaso
the arrow was carried across the shoulder

sakim
miser

sakuna
danger

salot
epidemic

sampung mag-aama
including father and children

sandatahan
armored

sanlang naiwan
object pawned that was left

sansinukuban
the whole world

sasalitin
poetic word for sasalitain, narrate

sasandatahin
will use as weapon

sasayangin
will waste

sasayod
will consume

sekta
sect

setro
scepter

siga-sigalot
knots

sigabo ng tuwa
outburst of joy

sinapupunan
in the care of

sinapupunan
in the care of

sinasagap
scooping

siniphayo
oppressed

sinisikangan
being force open

sinisiyasat
examines

sinta ko’t mutya
sweetheart and beloved

sintang alibugha
prodigal beloved

sinuling-suling
going in different directions

sinumpa ng galit ng diyos
cursed by god’s anger

siya’y magantihan
he may be reciprocated

siyang isaisip
bear this in mind

sukat ang kapatak
a drop is sufficient

sumagi
collide lightly while in motion

sumamang dumaloy sa agos ng dugo
may join the flow of blood

sumansala
check

sumapayapa
be at peace

sumuko ang puso
the heart yields

suob
incense

susumang
will object

suyuan
courtship

R

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES

R:


 
reyno
kingdom

P

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


P:

paa ko’y yumayapak
my feet trod on

pag-uupandin
in order that

pagbubuntuhan
will be heaped on

pagdamay
sympathy, help

paghingang gipit
crowded breath

pagkabata ko na
since my childhood

pagkabihasa
expertness

pagkagulaylay
in the act of drooping

pagkakalapat ng balikat
shoulders well joined

pagkataos
knew

pagkuru kuruin
think of

pagliluhin
make unfaithful

pagliyag
love

pagpagitna
act of going to the middle

pagpanaw
departure

pagpapalayaw
living at ease

pagsasaliwan
accompaniment

pagsil’n
to kill

pahihiyasan mo ang aking turbante
you will have my turban decorated with gems

pailag-ilagan
avoid to the extreme

paimbabaw
feigned

pakay
aim

pakikihamok
struggle

pakikinabangan
will be advantageous

palad kon linsil
unfortunate fate

palamara
ingrate

palaso
arrow

pamagat
nickname

pamamgha’t lumbay
surprise and sadness

pamimitak
rising of the sun

pamimiyapis
slaughter

pamumutiwanan
will be killed

pang-adyang kamay
protecting hand

panghihinayang
act of feeling sorry for

panghihingapos
gasping

pangimbulo
jealousy

pangingilabot
fearing

pangingilagan
will be feared

panigbugho
jealousy

panihala
management

panmbitan
supplication

pansa-nasain
to keep on desiring

pantas
wise man

pantay mata
to the level of the eye

papamilansikin
causes to splash

parang sinasalot
as if being killed in an epidemic

paroong magsadya
go on purpose

pasuriin
examine very carefully

patalim
weapon

patay o himala ang hindi umirog
only a dead man or a miracle will not fall in love with

patotohanan
prove

perlas, topasyo, rubi d’amante
pearl, topaz, rubi, diamond

pighati
deep sorrow

pikat adarga
shield and lance

pilit hahapisin
will be forced to be sad

pinag-uusig
being persecuted

pinagliluhan
was unfaithful

pinagyaman
improved, enriched

pinaibayuhan
doubled

pinakapamuti
that which is used as decoration

pinakayaman ng langit sa dilag
heaven enriched her with much beauty

pinakimatyagan
listened to

pinalad
became fortunate

pinanganganiban
being feared

pinapalasyo
considering as a palace

pinapangalisag
caused to stand on

pinasiya
decided

pinatid
cut

pinigil ang dila
suppressed the tongue

piniging
held as a guest

piniit sa karsel
imprisoned

pininanganganib
fearing

pinipintakasi
being implored

pinipisan-pisan
putting together

pinopoon
regarded very highly

pinuhunan kong pagod at hilahil
fatigue and worry used as capital

piping gulo
quiet insurrection

pugutan ng ulo
cut the head of

pumawi ng lumbay
erase the sorrow

pumulas
to escape

punong kaliluhan
full of treachery

punong pighati
the cause of sorrow

puso ko’y maagnas
even if my heart crumbles

puso ko’y nanlambot
my heart became soft

puso’y mangilabot
the heart became frightened

N

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


N:

na ang paglililo’y nasa-kagandahan
she who is beautiful is often unfaithful

naaalang-alang
respecting

naakay lumiyag
encouraged to fall in love with

naakay ng gutom
led by hunger

naatim
suffered

naawas sa pagkadayukdok
the hunger was lessened

nababagabag
being troubled

nabatyag
felt

nabubuyo
being tempted

nabulagta
fell flat

nabuyong gumiit
forced itself in

nadadarang
being heated

nag-aagawan
racing

nag-ungos sa dahon
protrudes from the leaf

nagagapos
is tied

naganyak naglibang
attracted to amuse to ones self

nagbangis
became fierce

nagbata ng puyat
endured sleeplessness

nagbukas ng landas
opened the way

nagdamdam pagal
felt tired

nagdurugong muli
bleeding again

naghihingalo
dying

nagiklahanan
startled

nagkabitiw
let loose

nagkahiwalay
were separated

naglagalag
wandered

naglagi-lagitik
creaked

nagmunakalang gutumin ang reyno
planned to starve the kingdom

nagngalit
bit the teeth

nagpanayam
held a conference

nagpipihati
sorrowing

nagsipanggilas
were astonished

nagsipatnubay
accompanied

nagsisisila
kills

nagsukab
became unfaithful

nagsulit
narrated

nagtimo
pricked

nagwalang bahala
took it easy

nahambal
pitied

nahatid
was accompanied

nahubdan
unclothed

naianod
was able to be carried by the current of the river

nainip
became impatient

naipit ng lumbay
tightened by sorrow

nakaiwas
was able to evade

nakakasindak
causes fear

nakaliliyo
causes dizziness

nakalulunos
is the cause of grief

nakikiayon
conforms to

nakikita mo na’y may dala pang takot
you are seeing me but you still fear

nakikiugali
adapts to one ways

nakubkob
encircled

nakukutya akong di ka saklolohan
i feel ashamed not to help you

nalipos
filled

nalulugami
is in a degraded condition

namaang
was surprised

namamalas
can see

namamanglaw
feeling lonesome

namangha
was surprised

namimilipit
coiling around

namnamin
taste

namugad sa dibdib
nestled in the heart

nanahan
poetic form for tumatahan, luring

nanakay
poetic word for umaaakay leads

nanakyat
poetic word for umaakyat going up

nanalong
poetic word for bumabalong, springing

nanalong ng perlas
pearls that spring

nananaghoy
is weeping

nanariwang muli
became fresh again

nanatak
poetic form of pumapatak, drops

nanaw
poetic word for pumanaw, disappear

nang matumbasan ko
that i may equal

nangagumong bangkay
corpses made to roll

nangakaakma
about strike

nangalinlag
fooled

nanganganib
fears

nanggubat
went to the forest

naniniig
is very close

nanlisik
became sharp

napahamak
became unfortunate

napahinuhod
convinced

napakarawal
exceedingly abominable

naparool
became unfortunate

napayukayok
became crestfallen

naririmarim
loathes

nasa-pangamba
is in danger

nasapit
reached

nasasaklaw
is being included

nasisiyasat
is being investigated

nasnaw
poetic form of pumanaw leave

nasupil
suppressed

natimawa
made slaves

natirik sa puso
imbedded in the heart

natuluyang nanaw ang tangang hininga
the breath being held disappeared finally

nauli
returned to former condition

nauumid
becoming dumb

nawalan ng diwa
lost consciousness

nawawagayway
being hoisted

nayapos
embraced

nginasab-ngasab
chewing

nihag
poetic word for bumihag, capture

nihahandog sa mahal mong yapak
being offered at your worthy feet

nilibot
wandered

niligid ng hirap
surrounded by suffering

niluluklok
is being enthroned
ninilag
poetic word for umiilag, avoid
nininilay
poetic word of pinagninilay, meditating

ninitang ginhawa
can find ease

niniyak kong dugo
poetic form for umiiyak – my blood that is crying

nukal
poetic word for bumukal to spring

nupo
poetic word for umupo, to sit

M

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES

M:

maagnas
be eroded

maanyong tumitig
looks mercifully

mabigla
to surprise

mabining mangusap
talk gently

madampi
touch

madla ang kaakbay
many companions

mag- unahang matak
to race in dropping

maganapan
to fulfill

magaso
mischievous

magbubo
to spill

magkaespada
to have a saber

magkagurlis
to have a scratch

magkakabaka
will be opposed to each other

magkatoto tayo
we are friends

maglalathala sa sansinukuban
will announce to the whole world

magmamahabagin
will be charitable

magpahanggang dagong
as far as the landing place

magpalala
to become worse

magpatiwakal
commit suicide

magsabog ng awa
scatter mercy, give to charity

magsiayon
leave

mahabaging dibdib
charitable heart

mahahagilap
will be found

mahalay
indecent

mahiganting langit
revengeful heaven

mahigit kang aba
you are more miserable

mahigpit na bilin
urgent order

mahimasmasan
regaining consciousness

mahimbing sa wala
sleep soundly in nothingness

mahinhing titig
modest look

mahinusay
peaceful

maidlip
fell asleep

makaapula
can hinder

makalawang maligid
twice turn around

makaligtaan
unintentionally omitted

makapaglulumay
can make moderate

makapamook
to fight with

makapangyarihan
powerful

makasasayod
can describe

makatatatap
will be able to know

makinang pangwalat
machine that destroys

makiumpok
join; sit with

malabis na umid
very shy

malait
to be insulted

malamlam na sinag
dim ray

malaon
for a long time

malaon nang lanta
long wilting

malatang parang bagong bangkay
soft as a fresh corpse

malawak
extensive

malining
to feel

malulubos
will be accomplished

malumbay ang tinig
the voice mournful

malutas
to be finished

mamalakhin
will be considered great

mamana
to shoot birds

mamatuwirin
will consider reasonable

mamilantik
splash

mana
all of a sudden

mangangapit
will hold

mangmang ang musa
the muse is ignorant

manulos sa tuwa
experience the joy

mapag-uunawa
will understand

mapagkandiling ama
loving and solicitous father

mapagpalayaw
fond of spoiling children

mapagpunuan
become the chief of

mapagtangkilik
very careful

mapait
bitter

mapait sa lahat ng dusa
the most bitter of all the punishment

mapaknit
to remove

mapaparam
will disappear

mapatanyag
become famous

mapayapa
be at peace

mapulpol na tunod
dull sorrow

marahas
aggressive

mariing hampas
heavy blow

masangsang na amoy
very strong odor

masidhi
vehement

masungit
cranky

mata’y nagniningas
flaring eyes

matalastas
to know

matatap
to know

matimpi
reserved

matuwid
reasonable

mawalay sa kasi
separate from the loved one

mawatasan
understand

mawiwili
will be amused

minamasarap
being considered as delicious

minumutyang liyag
dearly beloved

minunakala
planned

mistulang balantok
veritable arch

moog ng s’yudad
for of the city

morong pangahas
aggressive moro

mula ng hirap
cause of suffering

muni
judgment

munting pagsuya’y
slight disobedience

mupo ang panimdim
the feeling lingered

mutok
poetic word for pumutok, to burst

mutyang katoto
beloved friend

muwi
poetic word for umuwi, return home

L

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


L:

laking kaliluhan
great treachery

lalagaslas
will flow

lalong marawal
very nasty

lamad
membrane

lapastangan man
even if disrespected

larawan ng sakit
the personification of suffering

lasong masidhi
strong poison

lawa
lagoon

lihim ng naghugos
escaped secretly

likong pagmamahal
wrong love

liksi
swiftness

limang buwang singkad
exactly five months

linamnam
deliciousness

lingap
care

linggatong
perturbation

lipos hirap
full of difficulty

lipos ng pighati
full of sorrow

lobong nagugutom ang kahintulad
like a hungry wolf

lubhang makamandag
extremely poisonous

lubhang mapanglaw
very doleful

lubhang masukal
very disorderly

lubos na naamis
completely oppressed

lubos ng galak
extreme joy

luha’y bumabalisbis
tear’s are flowing

luhang nagbabatis
tears that flow like a stream

lulugso
will be destroyed

lumago ang binhi
the seedling grew, figuratively, the enmity which began in Athens became worse

lumala ang sakit
the sickness became worse

lunas sa madlang hilahil
cure of many hardships

lunong katawan
very softly body

luwasa’t hulo
beginning and end

K

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


K:

kaalipustaan
act of being insulted

kaayawan
state of dislike

kabaitang di taglay sa dibdib
goodness that is not heartfelt

kabig
disciple, follower

kaginoohan
nobility

kagugunita
continous pondering

kahabag habag
pitiful

kahalk-halak
very amusing

kahambal-hambal
pitiful

kahapisang munti
little sadness

kakabakahin
will struggle against

kakila-kilabot
fearful

kalagim lagim
terrible

kalasag
coat of arms

kalatas
letter

kaliluhan
treachery

kalis ng poot
saber of anger

kalulunuran
the western side

kalunos lunos
pitiful

kamahadlikaan
nobility

kamahalang pili
chosen nobility

kamandag
poison

kampi
take sides

kamusmusan
childhood

kandong ng pag-aaruga
protected by love

kapilas ng langit
a part of heaven

kapos
wanting, lacking

kapos ang dila
the tongue is wanting

kapuwa tumanggap ng mangagbinyagan
both were willing to become Christian

karikitan
prettiness

karupukan
weakness

kasadlakan ng ;ulat pag-ayop
if the criticism and humilation end in my heart

kasalamuha
in company with

kasi
beloved

kasimpanta’y
the equal of

kasindak-sindak
very frightful

katalong kalis
enemy sword

katawang butihin
gentle body

katipan
the one engaged

katiwala
trusting

katutubong bait
inborn intelligence

kilabot ng mga guerrero
terror of warriors

kimi’t nakayuko
shy and with head bent

kinabahagya
made scarce

kinagagapusang kahoy
tree around which he is tied

kinakabaka
struggling with

kinalag ang gapos
the bandage was loosened

kinandili
taken care of

kinasuklaman
loathed

kinubkob
surrounded

kinuta
made into a fort

kita ang maglamas
let us fight

kumutog sa aking puso
my heart throbbed

kundi ako dapat
if I were not worthy

kung anong taas ng pagka-dakila siya ring lagapak naman kung marapa
the intensity of the fall is proportional to the height

kung apuhapin ko
when i grope for it

kung gunigunihin
when i imagine

kung magkatotoo ma’y marami ang dagdag
even if it turns out true, much has been added

kung maliligo’y sa tubig aagap nang hindi aabutin ng tabsing sa dagat
if one will take a bath, he should go to the river promptly in order that the salty water
may not set in yet

kung sayaran ng taga
when touched by the blade

kupkop
protect

kusa kang lumangay
purposely

kusang ibulusok
dump voluntarily

kusang nagtatalik
becomes intimate

kusang pinahimpil
purposely stationed

kutya’t linggatong
mockery and perplexity

I

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


I:

iapula
to use in suppressing

ibibinit
will aim

ibig ilugso ang puri
wishes to mar my honor

ibig matatap
wishes to know

ibig na ligtad
wishes to jump in order to evade a blow

ibubulalas
will give vent to one’s passion

idinamay
included

idinarampi
touches lightly

ikaaaliw
will be the cause of joy

ikalugmok
become the cause of being hopelessly prostrate

ikinalagim
was the cause of terror

ikinalubog
was the cause of the failure

ikinaluluoy
caused to be wilted

ikinatiwasay
was the cause of calmness

ilang
open, uninhabited place

ilubog ng lupit
sunk by cruelty

iluluwalhati
will be the cause of glory or success

imbi
miserable

imulat ang mata
open the eye

inaaglahi
being mocked

inagapayanan
held side by side

inagaw
snatched

inamong tumikim
encouraged to taste

inilag-ilag
consciously avoiding

ininis sa hukay
suffocated in the grave

inusig ng taga
cut in many places

ipahamak
cause to fall

ipauubaya
will abandon

ipinagbiyaya
gave away

ipinagdidiwang
celebrating

ipinagkanulo
betrayed

ipinanganganyaya
allotted to have an untimely and unfortunate end

ipinangunugling
causes to become deaf

ipinugal
tied

ipinunla
planted

ipinupukol
is being thrown

isalag-isangga
to ward off, parry

isang naaba
one who was mistreated

isinambulat
scattered

itanggol
to protect

itinimo
pricked

itinotono
tuning

ititig
to stare

iwa
cut

iwinawagayway
is being hoisted

iyong kautangan
it behooves you

H

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


H:

habag sa ama
pity for the father

hahagkan
will kiss

hahamakin
be little

halos magputok ang dibdib
the heart almost burst

halos nabibihay
almost breaks

hamak pa
insignificant yet

hangal sa puno
ignorant chief

hanggang sa nabawi
until we recovered

hangos
in a hurry

hanguin
remove from

hapdi
pungent pain

hapo
tired

hapo
fatigued

hibik
lamentation

hibik
lamentation

higanti
revenge

higit sa halimaw
worse than a beast

hihimay
will tear into bits

hihintin
poetic word for hihintayin, will wait for

hilaga
north

himala
miracle

himutok
sigh

hinagpis
sorrow

hinahangaan ko
i am admiring

hinahon
prudence, serenity

hinandulong
attacked furiously

hinango ang hari
released the king

hinaplos ang mukha
anointed the face

hindi masawata
cannot suppress

hindi matitigan
cannot look straight at

hindi na napigil ang habag
could not suppress his pity

hindi nakalasap
was not able to experience

hininging taning
fixed time asked for

hinugot sa trono
removed from the throne

hirang
selected

hukbo
army

hukbong maninira
army that destroy

huling sasapit
will happen in the end

huling tagubilin
last direction

humain sa sakit
expose to elements

humdlang
obstruct

humihilig na sa ibang kandungan
is leaning on an other’s lap

huwag ipahamak
don’t allow to be destroyed

huwag ipamalay
don’t allow anybody to know

huwag malilingat
don’t be absent minded, don’t be unmindful

G

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


G:

gabing kadiliman
pitch dark of the night

ganid
wild

gawing manila
accustomed to killing

ginugol
spent

gitgit
mark made by some tightly tied binding material

gugulin
be spent

guniguning takot
imagined fear

gunitain
to ponder

D

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


D:

dagok
blow

dalamhati
extreme sorrow

dalampasigan
sea-shore

dalata’t (dalatan at)
highland for cultivation

dalita
poverty

damhin
to feel

dapat kumita
should learn

dapyuhan
be attacked by an ailment

daragitin
will be snatched

darakmain
about snatch

daungan
landing place

dawag na matinik
thorny jungle

di binayaang nag-kapatid-patid
did not allow to be cut

di binigyang daan
did not allow

di bumitiw -bitiw
does not let loose

di kabihasnan
state of not being experienced

di lumawig
did not last

di lumilikat
does not stop

di makaawas sa pasan kong sakit
cannot reduce the pain i am bearing

di makayang bathin
cannot endure

di manaw sa isip
does not depart from the mind

di mapigil-pigil
cannot suppress

di mo tanto
you do not know

di na lumiliyag
does not love anymore

di nabalinong matibay kong dibdib
my stout heart was not confused

di nagpakundangan
did not respect

di nakitil yaring abang buhay
this poor life was not ended

di rin kumakati
does not subside

dinadahas
being forced

dinaig
defeated

dinamtan
clothed

dinaya
was cheated

dugo kang mataas
you are of noble blood

duklay
hanging

dumalang-dalang
became infrequent

dusa’t pighati
affliction and profound sorrow

dustain
to make miserable

B

TALASALITAAN SA TAGALOG
KAHULUGAN SA INGLES


B:

babalaing masira
threaten to destroy

bagay na masaklap
bitter thing

bago mo hatulang katkatin
before you order it to be erased

bagong nahugot
newly relieved

bagong nakatighaw
newly alleviated

baguntaong basal
pure gentleman

bait kong kutad
my miserable judgment

baka mabigla
might have a relapse

bala
threat

bala-balaki
various

balakiyot
without honor

balang sukab
any treacherous person

balita ng sigla
famous for enthusiasm

balitang sultan
famous sultan

balwis
treacherous

banda
sash

bangis
fierceness

bangis ng kapighatian
ferocity of sorrow

bangis ng sing-isang dusa
fierceness of a common suffering

bangkay man
even it is a corpse

banta
opinion

bantog
famous

batbat ng hiyas at yaman
decorated with jewelry and wealth

bathin
poetic word for batahin, endure

bato ng tapang
the personification of bravery

bayaang mamatay
allow to die

bayang bulag
blind country

bayang nasindak
frightened country

bayang tangkilik
country being protected

bayani ang tikas
the bearing is like that of a hero

berdugo
one assigned to kill people

biglang sinambilat
snatched suddenly

bihirang balita’y magtapat
seldom is news true

bikig ng pluma
pen that has an obstruction

binabakas
traces the footstep

binaka
fought

binalatkayo
feigned

binidbid ng gapos
tied

binitbit
carried

binulaan
denied

biyanan
father or mother in law

bubo’t at masaklap
green and bitter

bubog
crystal

bubuga
will burst

bubugso sa dibdib
will be poured in the heart

budhi
conscience

bugtong kong anak
my only child

buhay ko’y makitil
my life to end

buhay ko’y nautas
my life would have ended

buhay may mapatid
even if life were to end

buitre
a kind of bird of big bird

bukal ang kaparis
like a spring

bulo
floss covering of stems, leaves, and fruits of some plants

bumugso
heaped

bundok na mabangin
mountain having many precipices

buno
wrestling

bunso’y katitiis
young one, be very patient

buntunghininga
deep sigh

busog
bow

Huwebes, Pebrero 24, 2011

Kay Stella Zeehandelaar

Kay Stella Zeehandelaar
(Mula sa mga Liham ng isang Prinsesang Javanese)
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo


Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno”, iyong babaeng Malaya ,nakapagmamalaki’t makaaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi magiging and sarili ng kapakanann at kaligayahn kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.

Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon;totoong sa puso’t ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.

Kung pahintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaring suwayin. Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad naming. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin.

Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga tong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan ,mga taong nag-aalaga sa akin nang buong pagsuyo?

Ngunit hindi lamang tinig nito ang umabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong silang na Europe ay nagtulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “imansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at pang-unawa. Gumising ito sa akin para hangarin ang pansarili at kalayaan-isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kundisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag–alab ang mithiin kong magising ang aking bayan.

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galling sa malalayong lupain, umabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumusupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.

Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Denmak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat- ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakakatandang kapatid na lalaki ay nag-aaral sa Hoogere Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming Babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man,liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako’y itinali sa bahay- kinakailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako ng tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal . Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa- awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas—ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumubukas pa rinb at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.

Sa wakas nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumusunod ang mga pagyayaring nagbabalik sa aming mga babae ng mga nawawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhelmina ng Netherlands), ”opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumupunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para okasyong iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”; nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming kaibigang European, at para namn sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan . Lagi , ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o maglibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong maging malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.

Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; Ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.

At ang pag-aasawa para sa amin- mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas. Kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?