Huwebes, Setyembre 30, 2010

Ibalon

Ibalon

Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bicol. Noong 1895, si Prayle Jose Castaƃ±o ay may kinaibigang bulag na lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig ng pari ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng pari sa Castila ang isinalaysay sa kanya ni Cadungdung.

Ang Epiko ay nababahagi sa trilogia. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina Baltog, Handiong, at Mantong.

Buod

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Linggo, Setyembre 26, 2010

Sa Kabataan

Sa Kabataan
Jonell Estillore

Titibok. Dug dug, dug dug, dug dug. Titibok ang puso at magsisimula ang isang buhay. Isang buhay na pinagpala. Isang regalong walang sinuman ang makahihigit. Dug dug, dug dug. Ang pusong natatangi ang pintig. Ang pusong sumasakay ang tunog sa mga ulap sa langit.

Binigyan ka ng hininga. Upang makapagpatuloy, kailangan mong huminga. At sa paglipas ng mga araw, darating ang isang pulutong ng bukas, at aanurin ka ng rumaragasang oras. Malulunod ka, ngunit–hihinga pa rin. Tulad ng ibang nilalang, gaya rin ng halamang umuugat sa lupa, lalaki ka at magpapatuloy ang pag-inog ng panahon sa iyong ulo. Sa bawat pagmulat ng iyong mga mata ay masisinagan mo ang kagandahan ng regalong ibinigay sa iyo. Hindi ka makapaniwala sa dami ng sangandaang maaari mong bagtasin.

Napunta sa iyo ang lahat ng iyong kailangan at gusto. Walang bagay ang hindi mo nakuha sa isa mong salitang kasintatas ng sa isang hari. Sa pagmamadali mo, binilisan mo ang iyong paglakad. Hindi ka nagdahan-dahan! Huwag mong sabihing walang nakamasid sa iyo sa hinaba-haba ng kasaganaang isinalang sa harapan mo! Ang iyong pagkadapa sa malaking batong iyan ay kagagawan mo at hindi ng mga taong nagmamahal sa iyo.

Ano nga ba ang alam mo sa pagmamahal?

Nakapikit ka nang ikaw ay pumili. Nakapinid, hindi lamang ang iyong paningin, ngunit pati na ang iyong kamalayan at diwa. Dinakma mo ang daigdig at itinapal ito sa iyong mukha upang hindi mo na makita pa ang kadalisayan ng kuwentong ikaw mismo ang may akda.

Ang tibok ay unti-unting napata. Nahapo ka, at nawalan ng hininga. Tapos na ba ang paghihirap mo? Wala ka na bang dapat takasan pa?

Ikaw. Oo, ikaw. Ikaw ang gumuhit ng sarili mong landas. Ikaw ang bumaybay sa salitang “buhay” — subalit nawalan ka na ng malay bago mo napagtantong ang mundo mo ay “buhay”.

Huwebes, Setyembre 23, 2010

Kabanata 1

Kabanata 1
Isang Pagkapisan

Si Kapitan TIYAGO na ang tunay na pangalan ay SANTIAGO DELOS SANTOS ay nag-anyaya ng isang piging hapunan sa kaniyang bahay sa Anluage.

Maraming dumalo sa anyaya dahil kilala si Kapitan Tiyago bilang bukas ang palad at ang bahay sa mga nangangailangan ng kaniyang tulong.

Lahat ay nag-alala kung ano ang isusuot sa dahilang inaasahan nila ang pagdalo ng mga sikat at kilalang tao.

Si Tiya Isabel, matandang pinsan ng Kapitan ang nag-asikaso sa mga panauhin na pinuno ang malaking bulwagan.

Kabilang sa mga maraming panauhin ay ang tinyente ng guardiya sibil, si Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, and madaldal at mapanginsultong si pari Damaso na at dalawang paisano na ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.

Nag-uusisa ang dayuhang kararating lang sa bayan tungkol sa mga asal ng Pilipino.

Siya ay naglakbay sa sarili niyang salapi upang mabatid niya ang tungkol sa mga katutubong Pilipino o Indiyo.

Sa mainit na pagtatalo, lumabas ang mga panlilibak ni Pari Damaso sa mga Indiyo; kung gaano kababa ang pagtingin niya sa mga ito at maging ang mga Kastila. Upang mahinto ang patuloy na paghamak ni Pari Damaso, binago ni Pari Sybila ang takbo ng usapan.

Natungo kay Pari Damaso ang usapan tungkol sa kaniyang pagkakalipat mula sa San Diego kung saan siya ay kura paroko nang mahigit na dalawapung taon.
Inireklamo ng pari na walang karapatan kahit ang hari na makialam sa simbahan at sa pagpaparusa nito sa mga erehe.

Ang Tinyente ng Guardia Civil na isinaad na may karapatan ang Kapitan Heneral makialam dahil ito ang kinatawan ng hari sa bansa ang nagbanggit kung bakit si Pari Damaso ay inilipat. Ayon sa kaniya, inutos ng pari na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na tao dahil sa ito ay hindi nangungumpisal.

Umalis ang tinyente pagkatapos nitong sabihin na tinuring ng Kapitang Heneral na ito ay mali kaya ang paglipat ay isang kaparusahan. Galit na galit si Pari Damaso na pinayapa naman ni Pari Sybila.

Dumating ang mga ibang panauhin na kasama ditto ang mag-asawang sina Dr. Tiburcio de Espadana at Donya Victorina.

Kabanata 2

Kabanata 2

Kasamang dumating ni Kapitan Tiyago ang binatang si Crisostomo Ibarra na nakadamit pangluksa. Masayang binati ng kapitan ang mga panauhin at humalik sa mga kamay ng pari na hindi siya benindisyonan dahil sa pagkagulat.

Si Pari Damaso ay hindi nakaimik at namutla sa pagkakita kay Ibarra. Si Ibarra ay pinakilla ni Kapitan Tiyago na anak ng kaniyang kaibigang namatay. Kararating pa lamang nito sa Europa kung saan siya ay tumirang pitong taon upang mag-aral.

Si Crisostomo Ibarra ay kayumanggi kahit na ito ay may dugong Kastila.

Tumangging makipagkamay si Pari Damaso kay Ibarra at ikinaila nito na kaibigan niya ang yumaong ama ng binata.

Iniurong ni Ibarra ang kaniyang palad at tumalikod na lamang. Kinausap naman siya ng Tinyente na nagpasalamat at dumating siyang ligtas.

Sa pag-uusap nila, pinuri ng tinyente ang nasira niyang ama na ikinagalak ni Ibarra dahil maganda pala ang pagkakakilala sa kaniya. Patuloy ang masamang sulyap ni Pari Damaso sa tinyente na ikinainis nito ay lumayo na lang siya kay Ibarra.

Naiwan si Ibarra na walang makausap. Dahil sa kaugaliang natununan niya sa ibang bansa, hindi siya nahiyang lapitan ang mga panauhin upang ipakilala ang kaniyang sarili.

Hindi sumagot ang mga babae upang magpakilala. Ang mga lalaki lamang ang nakipagkamay at nagsabi ng pangalan. Isa rito ay isang manunulat na huminto na sa pagsulat.

Lumapit kay Ibarra ang isang panauhin, si Kapitan Tinong upang anyayahan siyang tanghalian kinabukasan. Tumanggi siya dahil siya ay pauwi sa San Diego.

Kabanata 3

Kabanata 3
Ang Hapunan

Oras na nang kainan at ang mga panauhin ay nagtipon sa hapag kainan. Samantalang siyang-siya si Pari Sybila, si Pari Damaso naman ay inis na pinagsisikaran ang bawa't madaanan.

Hindi siya pinapansin ng ibang panauhin na abala sa pagkain at pagpuri sa masarap na handa. si Donya Victorina ay nayamot sa pagkakatapak ng kola ng kaniyang saya dahil sa pag-uusisa nito sa kaniyang kulot na buhok.

Sa kabisera umupo si Crisostomo Ibarra habang nagtatalo ang dalawang pari kung sino ang uupo sa kabilang dulo.

Gusto ni Pari Sybila na maupo si Pari Damaso sa kabisera dahil ito ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero tumatanggi si Pari Damaso dahil si Pari Sybila ang kura paroko.

Napapayag si Pari Sybila pero naudlot siya sa pag-upo upang ialok ang upuan sa tinyente. Tumanggi ang tinyente dahil ayaw niyang makitabi sa dalawang pari.

Inanyayahan ni Ibarra si Kapitan Tiyago upang maupo pero tumanggi ang kapitan dahil abala siya sa pag-asikaso sa mga panauhin.

Galit is Pari Damaso sa isinilbi sa kaniyang tinola. Napansin niya na puro, leeg at pakpak ang sa kaniya samantalang kay Ibarra ay ang masasarap na bahagi ng manok.

Sa pakikipag-usap sa mga ibang panauhin, nalaman na si Crisostomo Ibarra ay wala sa Pilipinas nang matagal at walang nakapagsabi sa kaniya kung ano talaga ang nangyari sa kaniyang amang si Don Rafael.

Inusisa ni Donya Victorina kung bakit hindi nagpadala ng hatid-kawad ang binata kagaya nang ginawa ng kaniyang asawang si Don Tiburcio noong sila ay ikinasal.

Sa kuwento ng binata, nalaman ng mga kausap niya na marami siyang bansang napuntahan kung saan pinag-aralan niya ang kanilang wika at kasaysayan.

Pinaliwanag niya na ang mga bansa ay pareho pareho lang sa kabuhayan, pulitika at relihiyon. Sumabad si Pari Damaso na kahit bata ay alam ang mga sinasabi niya.

Nagulat ang mga tao sa sinabi ng pari. Sumagot si Ibarra na ang mga sinasabi niya ay mga alaala niya noong pumupunta pa siya sa bahay nila upang kumain.

Nagpaalam si Ibarra upang umalis kahit na siya ay pinigilan ni Kapitan Tiyago dahil darating na si Maria Clara. Naiwang nagdadaldal si Pari Damaso tungkol sa pagbawal ng pamahalaan sa pagpapahintulot sa indiyo na mag-aral sa ibang bansa.

Kabanata 4

Kabanata 4
Erehe at Pilibustero

Naglakad na si Ibarra na walang tiyak na paruruunan hanggang marating niya ang liwasan ng Binundok. Wala pa rin siyang nakitang pagbabago mula nang siya ay umalis.

Hindi niya alam sinundan pala siya ni Tinyente Guevarra. Pinaalalahanan siyang mag-ingat dahil baka mapahamak din siyang katulad ng kaniyang ama. Inusisa ni Ibarra kung ano ang tunay na nangyari sa kaniyang ama.

Ang alam lang niya ay abala ito sa mga gawain kaya humihingi ng paumanhin kung hindi siya makakasulat sa anak.

Isinalaysay ng tinyente ang gustong malaman ni Ibarra.

Bagama't pinakamayaman si Don Rafael sa lalawigan, marami rin siyang mga kaaway na karamihan ay naiinggit. Ang mga nuno nila ay Kastila nguni't marami siyang kagalit na kastila at mga pari. Kasama dito ay Pari Damaso na nakaaway niya dahil hindi nangungumpisal si Don Rafael.

Pinagbintangan siyang pumatay sa isang naniningil ng buwis at siya ay nabilanggo.

Ang taong ito ay sinaway lamang ni Don Rafael sa pananakit sa mga batang nanunukso sa kanya.

Nang gumanti ang lalaki, napilitang ipagtanggol niya ang kaniyang sarili. Sa kanilang paglalaban, natumba ang lalaki at ang ulo niya ay nabagok sa bato.

Namatay ito na siyang naging sanhi nang ikulong siya at pagbintangang erehe at pilibustero na pinakamabigat na krimen sa panahong yaon.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Dinagdagan pa ang mga paratang kagaya nang pagbabasa ng pinagbabawal na aklat at pagatago ng larawan ng paring binitay sa salang pangangamkam ng lupa.

Ipinagtapat ng tinyente na ginawa niya ang lahat para matulungan si Don Rafael sa pamamagitan ng pagkuha ng abugadong magtatanggol sa kaniya.

Sa pagsisiyasat, ay napatunayang namatay ang artilyero dahil sa namuong dugo nito sa ulo.

Nang malapit na siyang lumaya, namatay ito marahil sa hindi nakayanang mga sama ng loob at pahirap.

Dumating na sila sa harap ng kuwartel kaya kinamayan na lang ng tinyente si Ibarra at sinabihang tanungin si Kapitan Tiyago sa iba pang nangyari.

Sumakay na si Ibarra sa kalesa.

Kabanata 5

Kabanata 5
Pangarap sa Gabing Madilim

Nakarating si Ibarra sa Fonda deLala kung saan siya ay naninirahan kapag siya ay nasa Maynila. Pagod na tumuloy siya sa kaniyang silid at naupo sa silya. Nagulo ang isip niya sa narinig niyang kuwento tungkol sa kaniyang ama.

Sa bintana ay natanaw niya sa kabilang ilog ang bahay na maliwanag. Naririnig niya ang tugtugin ng orkestra at kalasing ng mga pinggan at kubyertos.

Sa iniwanang niyang bahay ni Kapitan Tiyaga ay may isang binibini na nababalot ng diyamante at ginto at magandang damit. Ang mga panauhin ay mga Kastila, Pilipino, Intsik, militar at pari na lahat ay humahaga sa kagandahan ni Maria Clara maliban sa isang batang paring Pransiskano. Si Donya Victorina ay inaayusan naman ng buhok si Maria Clara.

Dahil sa pagod ng isip at katawan, si Ibarra ay nakatulog. Ang hindi inantok ay ang batang Pransiskano.

Kabanata 6

Kabanata 6
Si Kapitan Tiyago

Si Kapitan Tiyago ay hindi matangkad, hindi rin maputi at nasa edad na tatlumpong taong gulang. Hindi pa maputi ang kaniyang buhok at may kakisigan din maliban nga lang sa ito ay nananabako at nagnganganga.

Sa Binundok, siya ay pinakamayaman dahil sa kanyang mga negosyo at asyenda sa Pampanga at Laguna.

Dahil sa kaniyang yaman, si Kapitan Tiyago ay naging makapngyarihan dahil sa kaniyang impluwensiya sa mga tao sa pamahalaan at sa simbahan.

Ang tingin niya isa siyang tunay na Kastila. Pakiramdam niya ay malapit din siya sa Diyos dahil kaibigan niya ang mga prayle at madalas siyang magpamisa para sa kaniyang sariling kaligtasan at matamo ang langit.

Lahat ng santo at santa ay mayroon siya sa silid.

Pinupulaan niya ang mga Pilipino upang mapalapit siya sa mga Kastila. Dahil dito ay ginawa siyang gobernadorsilyo.

Lahat ng batas at utos ng mga Kastila ay kaniyang ipinatutupad. Isa itong pagsisipsip sa mga namamahala. Palagi rin siyang may handang regalo.

Si Kapitan Tiyago ay anak ng isang mangangalakal ng asukal na sa kakuriputan ay hindi pinag-aral ang kaniyang anak. Isang paring Dominiko na kaniyang pinagsilbihan ang nagturo sa kaniya ng dapat niyang malaman. nang mamatay ang kaniyang ama ay nagsimula siyang magnegosyo. Ang kaniyang napangasawang si Pia Alba na taga Santa Cruz ay tumulong sa pagpapalago ng kanilang kalakal hanggang sila ay yumaman at makilala sa alta sosyedad.

Nang makabili sila ng lupa sa San diego, nakilala niya at naging mabuting kaibigan si Pari Damaso ang kura paroko at ang pinakamayaman sa San diego, si Don Rafael Ibarra.

Sa loob ng anim na taon na pagsasama niya at ng kaniyang kabiyak,hindi sila biniyayaan ng anak.Pinapunta sila ni Pari Damaso sa Obando, mamanata kina San Pascual Baylon, Santa Clara at Nuestra Senora de Salambaw.

Nagdalantao si Pia nguni't siya ay naging masakitin. Pagkatapos niyang manganak, siya ay namatay at naiwan sa pangangalaga ang bata na pinangalanang Maria Clara kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago. Ang ninong sa binyag ay si Pari Damaso.

Pagsapit niya ng ikalabing-apat na taon, siya ay pumasok sa kumbento ng Sta. Catalina, samantalang si Crisostomo Ibarra ang kaniyang kababata ay ipinadala ng ama sa Europa.

Pinagkasundo ni Don Rafael si Crisostomo Ibarra sa anak ng kaibigan niyang si Kapitan Tiyago, si Maria Clara na sia ay magpapakasal pagdating nila sa tamang edad.

Kabanata 7

Kabanata 7
Suyuan sa Asotea

Maagang pumunta ng simbahan sina Tiya Isabel at Maria Clara.

Pagkakain ng agahan ay nanahi si Maria Clara habang si Tiya Isabel ay naglinis ng mga kalat kagabi. Si Kapitan Tiyago ay may mga tinitingnang kasulatan. Halatang kinakabahan si Maria Clara tuwing may naririnig na dumaraang sasakyan. Pinayuhan ito ng ama ng magbakasyon upang bumalik ang kulat nito sa mukha.

Si Tiya Isabel ang nagmungkahi na sa San Diego pumunta dahil malapit na ang pista sa bayang ito.

Sinabihan ni Kapitan Tiyago na hindi na babalik sa beateryo si Maria Clara.

Biglang pumasok si Maria Clara sa kaniyang silid nang marinig niyang dumating si Crisostomo Ibarra.

Lumabas lang siya pagkatapos mag-ayos ng sarili.

Nagkatitigan sila ni Ibarra bago pumunta sila sa asotea para maiwasan ang lumilipad na dumi sa paglilinis ni Tiya Isabel.

ang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Sinabi ni Ibarra na hindi siya nakakalimot at naisumpa niya na si Maria Clara lamang ang pakakasalan niya.

Si Maria Clara rin ay ngpahayag na kahit anong payo sa kaniya ng kaniyang padre kumpesor na kalimutan ang binata ay hindi niya sinusunod.

Nagpakitaan sila ng mga bagay-bagay na ibinigay nila sa bawa't isa noong huling sila ay magkita. Si Ibarra ay inilabas ang natuyong dahon ng sambong habang si Maria Clara ay ang sulat.

Binasa ni maria Clara ang laman ng sulat na siyang nakapaalala kay Ibarra na kinabukasan ay undas na at kailangan niyang maghanda.

Bago umalis si Ibarra ay nagbilin si Kapitan Tiyago para sa mga nag-aalaga ng kanilang bahay sa San Diego.

Pagkaalis ni Ibarra ay pumasok sa silid si Maria Clara at umiyak.

Kabanata 8

Kabanata 8
Mga Alaala

Naalala ni Crisostomo Ibarra ang nakaraan habang sakay siya ng kalesa.

Napansin din niya ang mga walang pinagbago sa lugar ng Talisay sa San Gabriel. Sa tingin niya ay pumangit ang Escolta. Samantalng magaganda naman ang mga karwaheng nasasakyan naman ng kawaning papunta sa kanilang opisina. Nakita niya sa Pari Damaso, si Kapitan Tinong at ang kaniyang asawa at dalawang anak.

Nadaanan niya ang Arroceros at ang pagawaan ng tabako. ang Hardin Butaniko na nagpaalala sa kaniya ng mga hardin sa Europa.

Nakita rin niyang muli ang Bagumbayan (Luneta) na nagpaalaala sa kaniyang gurong pari na nagturo sa kaniya tungkol sa karunungan at kung bakit ang dayuhan ay napunta sa Pilipinas.

Kabanata 9

Kabanata 9
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

Hinihintay ni Tiya Isabel sa nakatigil na karwahe sa tapat ng bahay si Maria nang dumating si Pari Damaso. Bubulong-bulong na umakyat sa bahay ang pari nang malaman na papunta ang magtiya sa Beaterio upang kunin nito ang mga gamit.

Pagkakita kay Kapitan Tiyago ay sinabihan kaagad ito na kailangang sila ay mag-usap ng sarilinan. Hindi nito pinansin ang pagtangkang pagmano ng kapitan sa lanyang kamay

Sa kumbento ng mga dominiko, si Pari Sybila ay dumalaw sa matandang paring maysakit.

Ikinuwento niya ang mga nagaganap na sangkot si Ibarra at si Pari Damaso.

Mahahalatang gusto ni Pari Sybila ang mayamang binata. Napunta ang kanilang usapan sa buwis, sa mga lupain at sa sa ari-arian ng Simbahan,

Ikinuwento rin ni Pari Sybila na ang tinyente ay hindi isinusumbong si Pari Damaso sa Kapitan Heneral.

Ang masinsinang usapan ni Kapitan Tiyago ay Pari damaso ay tungkol sa hindi niya pagsang-ayon sa pagmamabutihan nina Maria Clara at ni Ibarra.

Binalaan ni Pari Damaso na sundin siya ni Kapitan Tiyago dahil siya ang ama-amahin ni Maria Clara.

Pinapatay niya ang nakasinding kandila para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego

Kabanata 10

Kabanata 10
Ang San Diego


Ang bayan ng San Diego ay may malawak na bukirin at palayan. Kaya ang mga nakatira dito ay karamihang magsasaka. Wala silang pinag-aralan at ang kamngmangang ito ang nagiging dahilan ng pagsasamantal ng mga Tsinong bumibili ng kanilang produkto sa murang halaga.

Ang bayan ay may lawa at sa simboryo ng simbahan, makikita ang kabuuan ng bayan.

Lahat halos ng ng bayan ay may alamat at isa na roon ang San Diego. Ang alamat ay tungkol sa pulong gubat na nasa gitna ng kabukiran.

Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila na magaling magsalita ng Tagalog ang dumating sa bayan at binili ang buong gubat. Nagbayad ito ng damit, alahas at pera. Tapos ang matanda ay biglang nawala.

Ang mga nagpapastol ng kalabaw ang nakakuha ng bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno.

Lalong natakot ang mga tao sa namatay dahil sa ang mata nito ay malalim at ang boses nito ay bahaw.

Lahat ng nanggaling sa matanda ay kanilang itinapon sa ilog.

May isang mistisong Kastila na ang ngalan ay Saturnino ang dumating sa bayan. Siya raw ang anak ng matanda. Hindi nagtaga; siya ay nakapag-asawa ng isang taga Maynila at nagkaraan ng anak na pinangalanan nilang Rafael. Si Rafael ay nagkaanak na pinangalanan niyang Crisostomo.

Si  Don Rafael ay mabait at nagustuhan ng mga magsasaka. Pinaunlad niya ang dating nayon na nagging bayan.

Dumating si Pari Damaso para maging kura paroko nang mamatay ang isang dating pari na Indiyo.

Kabanata 11

Kabanata 11
Ang mga Makapangyarihan


Pinakamayaman si Don Rafael sa kanilang bayan pero siya ay mabait at iginagalang. Lahat halos ng mga tao doon ay may utang sa kaniya

Si Kaptan Tiyago ay mayaman din pero ang pakikisama sa kaniya ng mga tao ay paimbabaw lang. Totoong ipinaghahanda siya ng maraming pagkain at tinatawag siyang kapita pero pagtalikod niya ay kinukutya siya at ang tawag sa kaniya ay Sakristan lamang.

Ang puwesto ng Kapitan ay hindi masasabing makapangyarihan, dahil ito ay nabibili lamang sa halagang limang libo. Siya pa ay nasa awa ng alkalde na puwede siyang sabunin at sisihin sa mga bagay-bagay.

Ang kapangyarihan ay pinag-aagawan upang mapamunuan ang San Diego.
Nandiyan si Pari Bernardo Salvi na isang paring Fransiscano na pumalit kay Pari Damaso. Isa siyang mabait na payat na pari at mahilig mag-ayuno.

Nandiyan din ang Alperes at ang kaniyang asawang si Donya Consolacion.
Ang alperes ang pinuno ng guwardiya sibil. Siya ay marunong magpakitang tao. Kahit hindi sila magkasundo ni Pari Salvi, siya ay nagpapakitang galang sa pari sa harapan ng maraming tao. Ganoon din si Pari Salvi. Pag talikod ng bawa’t isa ay kaniya-kaniya silang balak kung oaano sila maggantihan.

Hindi siya masaya sa pagkakapangasawa niya, kaya siya naglalasing, nambubugbog at nagpapahirap ng mga sariling sundalo.

Si Pari Salvi at ang alperes ang tunay na makapagyarihan sa San Diego.

Kabanata 12

Kabanata 12
Araw ng mga Patay


 
Isang makipot na daan na maputik kung tag-ulan at maalikabok pag tag-araw ang papunta sa sementeryo ng San Diego. Ang libingan ay nasa gitna ng taniman ng palay at napapalibutan ng pader at ng mga tanim na kawayan.

Sa gitna ng sementeryo ay may malaking krus na may nakatitik na INRI sa lumang lata na nakapako dito. Ang krus ay nakapatong sa bato at halatadong luma na.

Ang sementeryo ay madawag at tila walang nag-aasikaso dito.

Nang gabing iyon ay may dalawang tao ang naghuhukay ng paglilibingan. Ang isang lalaki ay dating sepulturero habang ang isa ay bago pa lamang sa hanapbuhay na yaon.

Siya ay walang tigil nang pagdudura at paninigarilyo habang naghuhukay.
Ikinuwento niya na lumipat sila mula sa kanilang dating tinitirhan dahil hindi niya matagalan ang inuutos sa kaniyang paghukay ng bagong libing para ilipat sa ibang lugar.

Ang sepulturero man ay nagkuwento na mayroong pinahukay sa kaniya matapos mailibing ng dalawampung araw para lang ilipat sa libingan ng mga Intsik.

Bumubuhos daw ang ulan noon at walang ilaw at kailangan pa niyang pasanin ang bangkay para madala sa ibang libingan.

Dahil umuulan at hirap siyang dalhin ang mabigat na bangkay, itinapon na lang niya ito sa lawa.

Ang nag-utos ng paghukay ng bagong namatay ay tinawag niyang Pari Garotte.

Kabanata 13

Kabanata 13
Mga Unang Banta ng Unos


 
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.

Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14

Kabanata 14
Si Pilosopo Tasyo



Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.

Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.

Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”

Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.

Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Kabanata 15

Kabanata 15
Mga Sakristan


Ang dalawang bata ay nasa tore ng simbahan ng San Diego, naatasan kasi silang tugtugin ang agunyas. Dito naglabas ng hinaing si Crispin sa nakatatandang kapatid, aniya sana nasa bahay na lamang siya dahil doon walang mamimintang sa kanya na siya ang magnanakaw at wala ring mamalo sa kanya. Sabi pa ng bata, sana’y nagkasakit na lamang siya upang maalagaan ito ng kanyang ina at hindi na siya pabalikin ng kumbento. Subalit ayon naman sa kanyang kuya, hindi maaari ang nais niya sapagkat kung magkagayon man, mamatay silang lahat sa gutom. Habang ang magkapatid ay nag-uusap, biglang dumating ang sakristan mayor, sinabi nito (sa galit na tono) kay Basilio na pinapatawan niya ito ng dalawang real (at alas diyes na ito makauuwi, sa halaip na alas otso) dahil sa walang kumpas na pagpapatugutog nito ng kampana, at ang nakababatang kapatid naman ng tinukoy, aniya, ay maiiwan sa gabing iyon hangga’t hindi nito nailalabas ang salaping diumano’y ninakaw niya. Nakiusap ang nakatatandang kapatid subalit wala itong nagawa. Kinaladkad pababa ang nakababatang kapatid ni Basilio. At habang tumatakas siyang paalis ng kumbento, naririnig niya ang puno-ng-hinagpis-at-pasakit na sigaw ng kapatid, subalit wala itong magawa. Ang kapatid namang namimilit sa sakit at panay ang sigaw ay patuloy na pinahihirapan ng Kura at ng Sakristan Mayor. Paglipas ng ilang sandali, sa isang lansangan ng bayan, may maririnig na mga tinig at umaalingawngaw na dalawang putok.

Kabanata 16

Kabanata 16
Sisa


Habang ang lahat ay natutulog ng matiwasay ang lahat matapos maipagdasal ang kanilang mga kaluluwa ng kanilang namayapang kamag-anak, may isang ina ang hindi magawang matulog kaiisip sa kanyang mga anak. Mayroon siyang asawa subalit mas madalas itong paggala-gala kung saan-saan kaysa matagpuan sa sariling bahay. Mahiligi din ito sa sabong kung kaya’t nagagawa nitong waldasin ang kanilang uunting salaping kinikita ng asawa sa pananahi, kung wala namang maibigay ang babai’y pinagmamalupitan ito. Dahil na marahil sa takot at sa lubos na pagmamahal sa asawa, hindi nito nagawa, ni minsan na ipagtanggol ang sarili at ang kanyang mga anak. Nang minsang umuwi sa bahay ang lalaki, inilahad ng asawa ang balak nitong ipasok ang mga anak sa simbahan upang maging sacristan, subalit hindi man lang sumang-ayon o ni tumutol ang lalaki, itinanong lamang nito kung ito’y mapagkakakitaan. Ngunit dahil na rin sa kagipitan at sa pagnanais na matuto ang mga anak, itinuloy nito ang balak.

Nang gabing iyon, mag-isang nakaupo si Sisa sa kanyang munting dampa habang pinanonood ang kanyang sinasaing para sa mga anak. Mababakas sa kanyang mukha na mayroon itong itinatagong kagandahan nang siya’y bata pa – napakagaganda ng kaniyang mga mata, mahahaba at malalim ang tingin; katamtaman ang ilong, maputla ang labi niya at mahaba ang buhok. Dahilan sa inaasam-asam na pag-uwi ng mga anak, nanghingi si Sisa ng tapang baboy-ramo at isang hita ng patong bundok sa kapitbahay nitong si Pilosopong Tasio at dinagdagan pa nito ng ilang pirasong tuyo. Subalit hindi naman inaasahang dumating ang kanyang kabiyak at saka inubos ang inihanda niyang pagkain para sa mga anak. Nang mabusog saka niya naalalang itanong ang mga anak, na siya namang ikinatuwa ng ina. At dahil dito, tatatlong piraso na lamang ng tuyo ang natira para sa mga anak, at dahil hindi kakasya sa tatlo ang natirang ulam, nagdesisyon na lamang ito na hindi na ito kakain.

Habang hinihintay ang mga anak, dumungaw ito sa bintana at may nakitang asong itim. Bagaman hindi mapamahiin itong si Sisa, sinaklot siya ng takot na hindi niya mawari kung ano ang pinagmumulan. Kung anu-anong mga pangitain ang gumugulo sa kanyang isipan. Tulad na lamang ng pangitain niya sa kanyang anak na si Crispin. Subalit ang lahat ng ito’y naglaho nang marinig niya ang nagmamadaling tinig ng anak na si Basilio.

Kabanata 17

Kabanata 17
Basilio


Halatang pagod na pagod si Basilio nang dumating ito sa kanilang bahay. Pawis na pawis ito at mayroon pang dugong dumadaloy sa noo nito. Napahagulgol at napasigaw si Sisa nang makita ang sinapit ng panganay na anak. Subalit inalo naman ito nang anak at sinabing nadaplisan lamang siya ng bala nang paputukan siya ng mga gwardiya sibil na humahabal sa kanya, at ang kapatid naman niya’y naiwan sa kumbento. Hindi maikaila ni Basilio sa ina ang ipinaratang sa kapatid na pagnanakaw na sadya namang ikinabagabag ng ina. Nang mahimasmasan ang mag-ina, inalok ng ina ang kanyang anak kung nais nitong kumain at saka ikwinento ng may ngiti sa labi ang pag-uwi ng ama, na siya namang sinagot ng anak sa pamamagitan ng pagsimangot.

Hindi na naghapunan ang mag-ina at mas pinili nilang matulog na lamang. Subalit hindi makatulog si Basilio at pilit na pumapasok sa kanyang gunita ang imahe ng kapatid na sinasaktan at ang nagmamakaawang tinig nito. Inalon ang mga pangitaing ito sa kanyang panaginip. Nakita niya ang kapatid na takot na takot na nagsusumiksik sa isang sulok ng madilim na kumbento habang hinahabol ng yantok ng kura ang manipis nitong katawan. Pilit nitong iniiwasan ang palo sa pamamagitan ng kamay. Namimilipit ito sa sakit at iniuuntog ang ulo sa sahig. Marahil sa sakit na bumabaliw sa buong katauhan ng bata’y kinagat nito ang kura sa kamay, na naging sanhi ng paghiyaw nito’t ‘di sinasadyang mabitawan ang yantok. Ngunit hindi ito nakaligtas sapagkat pinalo siya ng Sakristan Mayor sa ulo na naging sanhi ng kanyang pagbagsak at pagkawala ng malay. At hindi pa sila nasiyahan dahil mahigantihin ang kura’t tinadyakan nito ang walang malay na batang nakahandusay sa sahig. Sa mga sandaling iyon, naapuhap ang gising ni Basilio. Isang panaginip lamang pala iyon!

Subalit nang tanungin ng ina kung ano ang napanaginipan ng anak, nagsinungaling ang anak upang hindi na lalong mag-alala pa ang ina. At sa halip, mas pinili na lamang nito na isalaysay sa ina ang balak niyang mangyari sa kanila sa hinaharap. Sa kakasalaysay ng kanyang mga pangarap, dinalaw na rin ng antok si Basilio, subalit ang kanyang ina’y nanatiling gising sa pangamba sa isa pang anak.

Kabanata 18

Kabanata 18
Mga Kaluluwang Naghihirap


Nagtipon-tipon ang mga deboto at isang lalaki sa silong ng kumbento. Nang makita ni Hermana Rufa na padating ang kura, agad-agad nitong inabot ang kamay ng pari upang magmano subalit agad binawi ng pari ang kamay na ikinapahiya naman ng Hermana. Pinag-uusapan nila ang umalis na kura, nang biglang naisingit ni Manang Juana na siya’y nakapagkamit ng tatlong indulihensiya. Naging hudyat na ito nang simula ng payabangan ng mga deboto. Ayon kay Hermana Rufa, nagkamit diumano siya ng 457 indulhensiya plenaryo at 760,598 taon ng indulhensiya. Agad naman siyang pinasikatan ng Hermano na mayroon daw na nakahihigit na indulhensiya sa Hermana. Agad naman nitong tinanggap ang pagkakatalo at sinabing hindi ito nakapagtataka dahil siya ang maestro at ang pinuno ng lalawigan. At malugod naman itong tinanggap ng lalaki’t sinabing kahit siya’y natutulog ay nagkakamit pa rin siya ng indulhensiya, kung kaya’t kaya nitong itapon kung saan-saan ang indulhensiya niya. Tinutulan naman ito ni Hermana Rufa’t sinabi na ang indulhensiya’y hindi dapat itinatapon kung saan-saan, at mapupunta aniya ang Hermano sa purgatoryo. At ito naman ay itinaggi nang husto ng Hermano. Ayon kay H. Rufa, dapat daw siyang gayahin dahil malinis niyang inililista ang kanyang indulhensiya upang hindi siya makapangdaya at hindi rin siya madaya. Subalit ayon naman kay H. Sipa, wala nang hihigit pa sa ginagawa niya – na kapag nakabasag ang katulong niya ng baso, tasa o ano pa’y pinupulot niya ang lahat ng bubog, hanggang sa kaliit-liitan at doon niya ibabase ang kaniyang pagdarasal at pati ang kabayaran na dasal ng kanyang mga katulong. Pinutol naman ni M.Juana ang usapin tungkol sa indulhensiya nang tanungin niya kung paano dasalin ang tres padrenuestros, tres avemarias at tres gloriapatris – kung ito daw ba’y dinarasal ng sunod-sunod na tig-iisa o isa-isa muna ng tatlong beses. Ani ni H. Rufa, dapat hindi ihalo ang mga lalaki sa babae sa pagdarasal nito, na siya namang tinutulan ni H. Sipa. Nang tumitindi na ang iringan ng dalawa, pumagitna na ang maestro (Hermano).

Sinabi na ng Hermanos kung bakit kinakailangan nilang magpulong at ‘yon ay sa dahilang ipatatawag daw sila ng kura upang alamin kung sino ang nais nilang magsermon – si Padre Damaso o si Padre Martin o ang koadyutor. Nasa gitna sila ng pagdidiskusyon nang biglang dumating si Sisa at umakyat sa kumbento na may dala-dalang bakol na may lamang mga gulay. Nagtuloy siya sa kusina at nakausap niya ang kusinero at ang katulong. Anila, ang anak daw ni Sisa’y tumakas kagabi dala-dala ang ninakaw.

Kabanata 19

Kabanata 19
Mga Suliranin ng Isang Guro


Ang lawa ng San Diego ay napapaligiran ng mga bundok kaya kahit na may malakas na bagyo, hindi ito naapektuhan.

Dito makikita na nag-uusap si Crisostomo Obarra at ang isang lalaki na isang guro.

Alam ng lalaki kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael na ama ni Ibarra. Kasama raw si Tinyente Guevarra nang itapon ito sa isang bahagi ng lawa.

Sinabi niya na wala siyang magawa kahit na malaki ang utang na loob nito sa matanda.

Si Don Rafael ang tumulong sa kaniya sa mga kailangan niya sa pagtuturo noong bagong dating lang siya sa San Diego.

Ang mga mag-aaral ay walang sapat na magagastos sa paaralan. Ang mga magulang at pamahalaan ay walang pakikipag tulungan na makikita.

Walang sapat na libro na nasusulat sa Kastila para magamit ng mga mag-aaral.

Wala ring sapat na paaralan kung saan maaring ganapin ang klase kaya karaniwan ay ginagamit nila ang silong ng kumbento. Pag naingayan ang kura ay nagagalit ito at sinisigawan ang mga bata at guro.

Kinuwento ng guro na kinakitaan niya ng malaking pagbabago ang mag-aaral sa wikang Kastila. Si Pari Damaso ay hindi sang-ayon sa pagtuturo ng Kastila sa itinuturing niyang mangmang. Ibig ng kura na pag-aralan lang nila ang Wikang Tagalog.

Ang paniniwala ni Pari Damaso ay ang guro ay katulad ng isa pang taong nagngangalang Maestro Circuela. Ayon sa pari, ito raw ay hindi marunong magbasa pero nakapagtayo ng paaralan.

Inutusan ni Pari Damaso na hintuan ng guro ang pagtuturo ng Wikang Kastila sa mga mag-aaral. Sumunod naman ang guro kay Pari Damaso pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral ng wikang Kastila kahit na lang sa kaniyang kapakanan.

Hindi lang sa pagtuturo nakikialam si Pari Damaso. Maging sa pagdisiplina sa mga bata ay inuutusan siyang gamitin ang pamalo nang malaman nitong itinigil niya ang paggamit nito sa paniniwalang hindi ito mabisa sa pagtuturo.

Ayaw man niyang sundin ang pari ay napilitan na rin siya dahil mismong mga magulang ang gusto na ang kanilang mga anak ay disiplinahin.

Nagkasakit ang guro dahil sa ayaw niya ang iniuutos sa kaniya. Nang bumalik sa galing sa pagkakasakit, kaunti na lang ang inabutan niyang mag-aaral pero wala na si Pari Damaso.

Nagkaroon siya ng bagong pag-asa kaya isinalin niya sa wikang Tagalog ang mga aklat na nakasulat sa wikang Kastila.

Idinagdag pa niya ang katesismo, pagsasaka at kagandahang asal na nakasaad sa Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas.

Ang bagong kura ay walang pinakialaman kung hindi ang pagtuturo ng relihiyon na dapat daw ay unahin.

Nangako si Ibarra na tutulong sa guro. Dadalo siya sa pagpupulong ng tribunal sa panyaya ng Tinyente Mayor.

Kabanata 20

Kabanata 20
Ang Pulong sa Tribunal


 
Ang lugar kung saan ginaganap ang pagtitipon at pagpupulomg sa San Diego ay isang malaking bulwagan. Dito nagaganap ang pagpupulong ng tribunal na ang mga kasapi ay ang mga may kapangyarihan sa bayan.

Dumating si Ibarrang kasama ang guro na nagsisimula na ang pagpupulong. Nahahati sa dalawang pangkat ang kapulungan. Ang mga matatanda ay pangkat ng conserbador at ang mga bata ay binubuo ang liberal.

Ang mga kabataan ay pinamumunuan ni Don Felipo. a binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo.

Ang pinag-uusapan nilang kasalukuyan ay ang tungkol sa piyestang darating. Nababahala si Don Felipo na wala pang
ginagawang paghahanda ang kapitan at tinyente mayor samantalang labing-isang araw na lang ang natitira.

Maraming napagdidiskusyunan ang tribunal na wala naming kapaparakan. Nagtalumpati pa si Kapitan Basilyo na wala namang laman kung hindi mga malalabong salitang . Sa inis ni Don Felipo, naglabas siya ng listahan ng mga gagastusin para sa mungkahi niyang magtanghal ng komedysa sa loob ng isang Linggo. Kasama sa listahan ang mga paputok na nagkakahalaga ng isanlibo.

Ang dulaan ay paglalaanan ng dalawandaang piso bawa’t gabi.

Walang sumang-ayon sa panukala ni Don Felipo kaya hindi niya na
Pinagpilitan pa.

Pati ang mungkahi ng kabisa na walang paputok, tipid na pagdiriwang at pagpapalabas ng komedya na nagtutro ng magandang ugali ay hindi rin tinangap ng kapulungan.

Ang kura paroko pala ay mayroon ng kapasyahan para sa pista. Ito ay ang pagdaos ng anim na prusisyon, tatlong sermon at tatlong misa mayor. Mayroon ding komedya na sa Tundo gagawin

Unang umalis si Ibarra na nagpaalam sa guro. May mahalagang bagay daw siyang lalakarin.

Kabanata 21

Kabanata 21
Mga Pagdurusa ni Sisa


Magulo ang isip ni Sisa habang tumatakbo siyang pauwi. Hindi niya mawari ang sinabi sa kaniya ng kura tungkol sa kaniyang anak. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya para mailigtas niya si Basilio at Crispin.

Lalo siyang kinabahan nang may matanaw niya ang ang dalawang guwardiya sibil papaalis sa kaniyang bahay. Nabawasan ang kaba niya nang makita niyang hindi kasama ng mga ito ang kaniyang dalawang anak.

Natakot si Sisa nang salubungin siya ng guwardiya sibil at pilit pinasasabi sa kaniya kung nasaan ang ninakaw na dalawang onsa ng kaniyang anak.

Pinilit din siyang paaminin sa bintang ng kura. Kinaladkad siya papunta sa kuwartel dahil hindi siya pinaniwalaan sa kaniyang mga katuwiran.

Nakiusap siya na sana ay payagan siyang maglakad ng nauuna sa guwardiya sibil pagdating niya sa kabayanan.

Subali’t hindi siya pinakinggan ng sibil kaya laking hiya niya ng makita siya ng mga taong kalalabas lang sa simbahan.

Ikinulong siya sa kuwartel Sa takot niya ay sumiksik siya sa isang sulok.

Ang kaniyang damit ay marumi at ang buhok niya ay magulo. Para siyang mababaliw.

Lalo siyang nawawalang ng pag-asa habang nag-iisip siya sa nangyari sa kanilang buhay.

Naawa naman ang alperes sa kaniya at iniutos na palayain na siya. Nanghihina siya sa pagkakulong sa kaniya ng dalawang oras.

Naglakad siya pabalik sa kanilang bahay. Tinatawag niya ang pangalan ng mga anak,

Hinanap niya ang mgaito sa gulod, sa gilid ng buhanin at panhik panaog siya sa bahay.

Sa loob ng bahay, nakita niya ang isang pirasong damit ni
Basilio na may bahid ng dugo.

Ninerbiyos ulit siya. Inisip niya kung anon a ang nangyari da kaniyang mga anak.

Hindi niya maarok kung bakit nangyari ito sa buhay nila.

Lumakad siya habang isinisigaw ang pangalan ng mga anak niya.

Mapapansin na unit-unting nawawala na siya sa kaniyang sarili.

Sa mga sumunod na araw ay palaboy-laboy na si Sisa sa daan. Umiiyak siya at sumisigaw kayaang mga taong nakakkita sa kaniya ay nagsimula na siyang katakutan.

Kabanata 22

Kabanata 22
Liwanag at Dilim


Buod
Maagang dumating si Maria Clara, kasama si Tiya Isabel sa San Diego para dumalo sa piyesta.

Inaabangan siya ng mga tao sa San Diego dahil matagal na ring hindi siya nauwi doon. Sa bayang iyon siya ipinanganak kaya mahal siya ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang mabuting asal, kagandahan at kahinhinan.

Sa pagdating ni Maria Clara, napansin ng mga tao na malaki ang ipinagbago ni Pari Salvi.

Ang madalas na pagdalaw ni Ibarra sa dalaga ay nagging tampulan ng usap-usapan sa bayan. Maligaya si Maria lalo na nang nagbalak mamasyal at piknik ang binata na kasama siya.

Ibig sana ni Maria Clara na huwag isama ni Ibarra ang kura sa kanilang pamamasyal. Natatakot siya sa pari dahil sa makahulugang titig nito sa dalaga.

Nakiusap siya sa kasintahan pero tinanggihan ito ni Ibarra dahil lihis daw sa kagandahang asal at sa kaugalian ng bayan.

Nang dumating si Pari Salvi, humingi ng paumanhin si Maria Clara upang maiwasa ang kura. Sinabi niyang masama ang kaniyang pakiramdam.

Doon inanyayahan ni Ibarra ang pari para sa gagawin nilang piknik. Kaagad-agad namang tinanggap ni Pari Salvi ang paanyayang yaon.

Madilim na nang umalis si Ibarra para umuwi. May isang lalaking lumapit sa kaniya para humingi ng tulong sa nawawala niyang mga anak at asawa.

Kabanata 23

Kabanata 23
Ang Piknik


Buod

Bata’t matanda at mga kadalagahan ang maagang dumating sa tagpuan sa dalampasigan. Dalawang Bangkang nagagayakan ng iba’t ibang kulay ng bulaklak ang naghihintay sa mga sasama sa pangingisda Madilim pa ay dumating na ang mga katulong na babae na mayroong dala-dalang mga pagkain at pinggan.

Meron ding mga sari-saring instrumentong dala ang mga kabataan.

Kasama ni Maria Clara ang kaniyang matatalik na kaibigan. Sila ay masayang naglalalad, nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Sinasaway sila ni Tiya Isabel at ang ibang mga matatanda sa kanilang maingay na usapan at tawanan.

Naghiwalay sila ng bangkang sinakyan sa takot na lumubog ito sa maraming sasakay na kabinataan.

Nagsama-sama ang mga lalaki kung saan meron silang nililigawan. Si Maria Clara naman ay nakasakay sa Bangka kung nasaan si Crisostomo Ibarra.

Tumahimik ang mga dalaga sa harapan ng mga lalaking kanila ring nagugustuhan.

Ang piloto ng dalawang Bangka ay si Elias; isang matipuno, matikas at maitim. Mahaba rin ang buhok nito ngunit ang kaniyang katawan ay siksik ng laman.

Kumanta ng isang kundiman si Maria Calara habang naghihintay ng agahan.

Matamang nakinig ang mga kasama niya. Si Andeng na siyang naghahanda ng pagkain ay nagsabi na kulang na lang ang isda sa niluluto niyang sinigang.

Ang dalawang grupo ng nagpipiknik ay nasa baklad na ni Kapitan Tiyago. Isang anak ng mangingisda ang nagtangkang magpandaw sa palaisdaan. Wala siyang nahuli ni isa.

Si Leon ang katipan ng kaibigan ni Maria Clara na si Iday ay sumalok din sa baklad. Wala rin siyang nahuli.

Sinabi niya ang hinala niya na may kumakain sa mga isda sa baklad kaya nangawala.

Si Elias ay biglang tumalon sa tubig. Ang takot ng mga kababaihan. Ang mga lalaki ang nagsabi sa kanila na sanay si Elias sa paghuli ng buwaya.

Nahuli nga ni Elias ang buwaya pero malakas itong lumaban sa binata. Malapit nang matalo si Elias nang lumundag din si Ibarra sa tubig para tulungan si Elias.

Hindi hinimatay sa takot si Maria Clara. Hindi inaasahan ang dalagang magpakita ng takot sa pamamagitan ng paghihimatay.

Patuloy ang labanan sa ilalim ng tubog kaya isa pang anak ng mangingisda ang tumalon sa tubig na may dalang gulok.

Lumitaw na naman si Ibarra at si Elias. Iniligtas ni Ibarra ang buhay ni Elias.

Hindi man hinimatay si Maria Clara ay hindi naman ito nakakibo nang matagal. Natauhan lang siya nang Makita niyang ligtas ang kasintahan.

Marami namang isda ang nahuli ng mga nagpipiknik. Pumunta sila sa gubat na pag-aari ng pamilyang Ibarra.

Kumain sila sa lilim ng mga puno na malapit sa batisan.

Kabanata 24

Kabanata 24
Sa Kagubatan


Buod

Kakain sana ng almusal si Pari Salvi matapos niyang makapagdaos ng misa nang may matanggap siyang sulat na inabot ng kaniyang katulong.

Pagkabasa niya nito ay pinagpunit-punit na at pinahanda ang karuwahe. Papunta siya sa piknikan.

Hindi niya na pinatuloy ang karuwahe sa mismong lugar ng piknik.
Pinabalik niya na ito sa kumbento at naglakad na lang siya papunta sa may dalampasigan.

Narinig niya ang pag-uusap ng mga kadalagahan kung saan nalaman niya na naghahanap ng pugad ng gansa si Maria Clara.

May paniniwala kasi ang mga matatanda na sino mang makakita ng pugad ay magkakaroon ng kapangyarihan upang di makita.

Ibig niyang masundan si Ibarra na hindi siya nakikita nito.

Gusto mang sumunod ng pari sa mga kadalagahan ay napigil niya ang sarili. Minabuti na lang niyang pumunta sa mga kasamahan ng mga ito sa piknikan. May nakapansin sa galos niya. Sinabi na lang niya na naligaw siya.

Pagkatapos nang pananghalian, pinagkuwentuhan ni Pari Salvi ang nangyari kay Pari Damaso na dahilan ng pagkakasakit ng matandang kura.

Sa pagtitipon ay dumating si Sisa. Pinilit ni Ibarra na pakainin ang ina nina Crispin at Basilio pero tumakas ito.

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap na nagawi sa pagkawala ni Crispin at Basilio. Nagalit si Don Felipo kay Pari Salvi dahil mas mahalaga pa rito ang nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang sacristan.

Inawat ni Ibarra si Don Felipo at Pari Salvi sa pag-aaway. Pinangako niyang tutulungan niya si Sisa.

Ang mga kababaihan naman at kabinataan ay naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nakumpok si Ibarra at inihagis ang dais. Tinanong niya kung magtatagumpay ang kaniyang binabalak. Tumama ito sa sagot na ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. Hindi siya naniniwala sa sagot at sinabi niyang kasinungalingan yon.

Ipinakita niya ang sulat galling sa kaniyang bulsa na binibigyan siya ng pahintulot para magtayo ng paaralan.

Hinati ni Ibarra ang sulat sa dalawang bahagi. Ang isa ay ibinigay niya kay Maria Clara at ang isa ay ibinigay niya kay Sinang na halos lahat ng natanggap na sagot ay taliwas sa gusto niyang mangyari.

Lumayo na si Ibarra sa grupo na tamang-tama naman na dumating si Pari Salvi. Nagalit ito at nang makitang naglalaro ng Gulong nga Kapalaran ang grupo.

Pinagpupunit niya ang libro at sinabing malaking kasalanan ang maniwala sa sinasabi dito.

Nainis din si Albino sa ginawi ng pari at sinabihan ito na mali rin ang sirain ang hindi niya pag-aari.

Hindi pinatulan ni Pari Salvi si Albino. Bumalik na lang ito sa kumbento.

Dumating ang guwardiya sibil kasama ang sarhento at hinahanap si Elias. Pinagbibintangan si Elias na siyang nanakit kay Pari Damaso. Nagalit sila kay Ibarra dahil inanyayahan ito sa piknik.

Nagalit si Ibarra sa pakikialam sa kaniya kung sino ang aanyayahan niya sa kaniyang piknikan. Hinanap ng mga guwardiya sibil si Elias ang gubat pero hindi nila nakita ang hinahanap. Si Elias din umano ang nagtampalasan sa alperes.

Umalis sa gubat ang mga binata’t dalaga nang magsimula nang dumilim.

Kabanata 25

Kabanata 25
Sa Tahanan ng Pilosopo


Buod

Nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Ayaw na sana niyang gambalain ang matanda dahil mayroon itong sinusulat pero si Pilosopo Tasyo na ang pumilit sa kaniya na mag-usap.

Ang isinusulat naman daw niya ay hindi para sa henerasyon nila kung hindi sa susunod na lahi na mas may malawak ang pag-unawa sa mga nagaganap.

Ipinagtapat ni Ibarra ang pakiramdam niya na siya ay isang banyaga sa sarili niyang bayan. Alam niyang mas kilala si Pilosopo Tasyo ng mga kababayan. Sinabi niya ang balak niyang magpatayo ng paaralan. Sabi ni Pilosopo Tasyo ay hindi siya dapat ang sanguniin dahil ang tingin sa kaniya ay isang baliw. Itinuro niya ang kura paroko, ang kapitan ng bayan at iba pang mamamayan na may sinasabi.

Pinayo niya sa binata na ang pagsangguni ay hindi ibig sabihing pagsunod sa lahat ng payo dahil marami dito ay hindi magagandang payo.

Kailangan aniyang makinig kunwari sa mga payo nila para walang problema.

Ayaw ni Ibarra ang ipatupad ang balak na may kasamang kasinungalingan. Kay Pilosopo Tasyo, ang tagumpay ng isang proyekto ay nasa kamay ng mga kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan. Kung walang suporta ang mga ito ay walang mangyayari.

Naniniwala naman si Ibarra na tutulungan siya ng pamahalaan at ang kaniyang mga kababayan.

Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kasangkapan lang ng Simbahan ang pamahalaan. Ang talagang makapangyarihan ay ang mga nasa Simbahan. Kapay inalis ng simbahan ang suporta sa gobyerno, ito ay babagsak.

Ayon naman kay Ibarra, ang mga kababayan nila ay hindi dimadaing katulad ng nasa ibang bansa. Ang paghihirap ng bayan ay sinisisi niya sa di pagtulong nga relihiyon at pamahalaan.

Kay Pilosopo Tasyo naman, ang hindi pagdaing ng bayan ay hindi dahil sa hindi sila naghihirap. Pipi lang sila at ayaw magsalita.

Naniniwala siya na darating ang panahon na ang pagtitimpi na ito ay sasambulat pagdating ng panahon. Maisusulat sa kasaysayan ang pagdilig ng dugo upang makalaya.

Niliwanag ni Ibarra na ang Pilipinas ay tatangkilikin ng Espanya dahil ito mahal nito ang bansa. Ang Diyos, ang Relihiyon at ang pamahalaan ay hindi papayagang mangyari ang inisip ni Pilosopo Tasyo na madugong himagsikan.

Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kahit na anong magandang balak ng mga Namumuno sa itaas kung hindi naman natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at ang kamangmangan pa ng mga tao, wala ring silbi.

Ang mga ipinadadala sa bayan ay nagpapayaman lamang sa maikling panahon. Napansin ni Pilosopo Tasyo na nawawala na sila sa paksang pinag-uusapan nila. Si Ibarra naman ay inungkat pa rin ang hinihinging payo sa matansa. Ang payo ni Pilosopo Tasyo ay kailangang yumuko muna si Ibarra sa mga makapangyariham

Hindi maunawaan ni Ibarra ang ipinapayo ni Pilosopo Tasyo sa kaniya kaya nilinaw niya sa matanda kung bakit kailangan niyang yumuko sa mga may kapangyarihan.

Kung bakit kailangang magpa-api upang maging mabuting Kristiyano at kung bakit kailangan niyang magpakababa kung maari naman siyang magtaas ng ulo.

Sinagot ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na ito ay dahil ang kanilang lupa ay hawak ng mga mapanakop na makapangyarihan. Mahina ang mga tao para lumaban kaya kailangan na lang humalik sila sa kamay ng mga kaaway.

Galit si Ibarra. Paano siya makakahalik sa kamay mg mga taong pumatay na sa kaniyang ama at hinukay pa ang kaniyang libingan.

Nguni’t sinabi niya na hindi siya nakakaisip maghiganti dahil sa kaniyang relihiyon. Sinabi niya na hindi siya makakalimot sa ginawa sa kaniyang ama.

Payo ni Pilosopo Tasyo na kung hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kaniyang ama, mabuti pang huwag na niyang ituloy ang balak niyang magpatayo ng paaralan.

Mag-isip na lang daw siya ng ibang paraan para makatulong sa kaniyang mga kababayan.

Gusto man ni Ibarrang sundin ang matanda, inisip niya ang pangako niya kay Maria Clara.

Para maunawaan ni Ibarra ang kaniyang ibig sabihin, ipinakita niya ang tanim ns rosas na maraming bulaklak. Pinapansin niya ang pagyuko nito pag malakas ang hihip ng hangin. Aniya, pag lalaban sa bugso ng hanging ang tanim, marami itong tangkay na mababali.

Ipinakita rin ang puno ng makopa. Ito ay maliit lang na puno nang itinanim at kailangan pang tukuran hanggang ang ugat nito ay kumapit sa lupang kinatataniman.

Inihalintulad ni Pilosopo Tasyo si Ibarra sa isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa isang magandang lupa sa Europa.
Tulad ng makopa, kailangan niyang may masasandalan para maging matibay.

Kailangan din niyang yumuko sa mga darating na punlo. Ang pagsalubong ng punlo ay paghahangad ng kasawiang hindi na makakabangon pa.

Tinanong ni Ibarra kung talagang taos sa puso ng kura ang pagtulong sa kaniya at ito ay tatananwin na utang na loob.

Sinabi na lang ni Pilosopo Tasyo na sa kalaunan, may mahihita ring kabutihan si Ibarra sa binabalak dahil ang pagtuturo ay parang pagtatanim na may mag-uusbong na mabuti. Magiging halimbawa din si Ibarra sa mga taong natatakot na magsimula.

Umalis si Ibarra matapos magpasalamat kay Pilosopo Tasyo at nagbaba sakali siyang ang bagong kura ay hindi kagaya ng nakalaban ng kaniyang ama.

Papakiusap din niya sa kura na tulungan ang balo ang at mga anak.

Kabanata 26

Kabanata 26
Ang Bisperas ng Pista


Buod

Bisperas na ng piyesta sa San Diego. Pumatak ito ng ikasampu ng Nobyembre. Abala ang mga tao. Ang mga bahay ay may sari-saring dekorasyon. Mayroon nang nagpapaputok ng kwitis habang ang mba banda ng musiko ay nagpapaligsahan sa pagtugtog.

Ang mga mayayaman naman ay maraming handa. May mga bungang kahot, mga mamahaling alak na binili pa sa Maynila o kaya ay inimporta sa Europa. Meron ding, hamon, relyenong pabo at serbesa. Lahat ay inaanyayahan para sa salu-salo, mahirap man o mayaman, kaibigan man o kaaway.

Sa bahay-bahay, inilabas ang mga gamit na minana pa sa mga ninuno katulad ng ilaw, mga panyong binurdahan ng mga kadalagahan, mga belong ginantsilyo, alpombra, mga artipisyal na bulaklak, mga bandehang pilak at mga lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga.

Ang mga sahig naman ay pinakintab at ang mga bintana at pinto ay may mga kurtina. Pati ang mga santo ay pinalamutian.

May mga lugar na nilagyan ng arko. Sa may simbahan ay may malaking tolda sa patio at sa liwasan ay may tanghalan kung saan ang komedya ay idaraos gabi-gabi.

Ang kamapana ay tinugtog nang madalas kasunod ng mga paputok at kwitis.

Mayroong limang bandang nagsasalitan sa pagtugtog at tatlong orkestra para sa pagdiriwang.

May sugalan din kung saan ang may perang sina Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin at ang intsik na si Carlos ay naglalaro. Inaasahan pa ang mga mamamayang manggaling sa Lipa, Tanauan at Sta. Cruz ay maglalaro rin.

Si Pari Damaso ay nabalitang siyang magiging bangkero sa gabi.

Ang mga magbubukid ay may dalang mga manok, baboy, gulay at bungangkahoy bilang alay sa mayayamang may-ari ng kanilang lupa.

Si Ibarra ay abala sa pamamahala sa mga trabahador ng pinagagawa niyang paaralan. Si Nol Juan ang direktang nangangasiwa sa mga manggagawa kaya ipinaliliwanag niya na ang paaralan ay nahahati para sa mga lalaki at babaeng mag-aaral. Ang arkitekturang ginawa ni Ginoong A ay nahahalintulad aniya sa mga paaralan sa Alemanya.

Nag-alok ng tulong ang mga maykayang mamamayan kay Ibarra para proyektong ito. Ang kura paroko ang siyang magbabasbas sa paglalagay ng unang baton a gagawin sa huling araw ng pista.

Tumanggi si Ibarra sa tulong na inaalok ng mga mayayaman. Sasagutin niya ang gastos para sa proyekto.

Hinangaan siya ng mga binatang nag-aaral sa Maynila. Pilit na ginagaya ang maliliit na bagay na napupuna sa kaniya. Subalit nandoon din ang mga pagpuna sa mga ayos ng kurbata, pananamit, tsaleko at butones.

Dahil sa mga magandang pagtanggap sa kaniya at paghanga sa ginagawa niya, nakalimutan ni Ibarra ang paalala ni Pilosopo Tasyo. Ang pangaral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin.

Kabanata 27

Kabanata 27
Sa Pagtakipsilim


Buod

Pinakamalaki ang handa ni Kapitan Tiyago sa pistang yaon sa San Diego. Ito ay parang pagbibigay karangalan niya sa kaniyang anak at si Ibarra na kaniyang mamanugangin. Hindi lang sa bayan popular si Ibarra. Kahit sa Maynila ay pinupuri siya ng diyaryo bilang magaling na negosyante.

Umangkat siya ng mga sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa. Binigyan pa niya ng pasalubong ang anak pagdating niya ng bisperas ng Pista.

Maganda ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. Ang mga kaibigang dalaga naman ni Maria ay nagkumbidang mamasyal si Ibarra kasama si Maria Clara na humingi ng pahuntulot sa ama.

Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago na kailangang umuwi ng maaga ang dalaga dahil darating si Pari Damaso. Inanyayahan niya rin si Ibarra na maghapunan sa kaniyang bahay.

Tumanggi si Ibarra dahil may darating daw siyang bisita.

Kasama ang mga kaibigang sina Iday at Victoria at ang kaniyang Tiya Isabel, si Maria Clara ay kasunod na pumanaog ni Ibarra.

Masaya si Maria Clara dahil hindi kagaya sa kumbento ay Malaya siyang nakakapasyal. Isa pang kaibigan niya na si Simang ang kanilang nadaanan. Inimbitahan nito si Maria Clara at ang mga kasama niya na umakyat sa bahay.

Nakita rin ni Ibarra si Kapitan Basilio na nagging kaibigan at tagapagtanggol niya nang sila ay magkasama isang gabi. Ibinalita ng kapitan na magiging banbkero si Pari Damaso sa monte.

Hindi kumibo si Ibarra at ngumiti lang siya.

Nang makarating sila sa liwasang bayan, nakita nila ang isang ketongin na nagpapalimos sa pamamagitan ng pag-awit sa saliw ng gitarang kaniyang tinutugtog. Hindi ito nilalapitan ng mga tao dahil diya ay pinadidirhan at takot silang mahawa sa sakit nito.

Naparusahan ang ketongin ng maraming palo dahil lang iniligtas niya ang isang nahulog sa kanal.

Naawa si Maria Clara nang makita niya ang ketongin kaya kinuha niya ang suot niyang agnos at ibinigay sa taong maysakit.

Kinuha ng ketongin ang ibinigay ni Maria Clara ay kaniyang hinalikan. Hinalikan din niya ang mga yapak ni Maria Clara. Naiyak si Maria Clara sa awa at pinakita nitong parang pagsamba.

Dumating ang tuluyan ng nawalan ng bait na si Sisa. Hinawakan niya ang ketongin at itinuro ang kampanaryo. Sinabi niya na nasa kampanaryo ang anak niyang si Basilio at bumababa sa lubid.

Itinuro naman niya ang kumbento at sinabi niyang nandoon naman ang anak niyang si Crispin. Pagkatapos ay umalis si Sisa na kakanta-kanta.

Umalis na rin ang ketongin. Ngayon lang napagtanto ni Maria Clara na may mga taong kapus-palad.

Kabanata 28

Kabanata 28
Sulatan


Buod

Nakalathala sa diyaryo sa Maynila ang pagdiriwang ng pista sa San Diego. Ibig nang mga pamunuan ng bayan na malaman ng mga banyaga kung paano magdaos ng pista ang mga Pilipino. Nakasulat sa pahayagan na ang mga paring Franciscano ang namamahala sa marangyang pagdiriwang na dadaluhan ni Pari Hernando Sybila, mga kilalang mamamayang Kastila at mga gabinete ng Cavite, Batangas at Maynila.

Nasasaad din sa balita ang dalawang banda ng musiko sa bisperas ng pista at ang pagsundo ng maraming tao at makapangyarihan sa kura sa kumbento, ang hapunang ihahanda ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa bahay ni Don Santiago delos Santos upang sunduin si Pari Bernardo Salvi at at Pari Damaso Verdolagas.

Nabanggit din ang mga artistang gumanap sa dula ang mga balitang artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez subali’t dahil sila ay nagsasalita lamang ng Espanyol, marami ang hindi nakaunawa sa kanilang mga sinasabi. Mas ginusto nila ang komedya sa Tagalog. Hindi dumalo si Ibarra kaya nagtaka ang karamihan,

Idinaos ang prusisyon ng Birhen Dela Paz ng alas onse ng umaga, kinabukasan. Kasama rin ang mga karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Pagkatapos ng prusisyon ay magkaroon ng misa kantada nay orkestra at mga artistang umaawit. Ang nagbigay ng sermon ay si Pari Manuel Martin.

Sumunod ang sayawan kung saan hinangaan si Kapitan Tiyago. Si Maria Clara naman ay hinangaan sa nagniningning nitong brilyanteng ibinigay ng kaniyang ama.

Ang sulat ni Kapitan Martin Aristorenas kay Luis Chiquito ay pag-aanyaya para ito dumalo sa pista at makapaglaro sa monte nina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Joaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul. Sinabi niya niya na nanalo si Carlos ang Intsik.

Binanggit din niya ang hindi pagsipot ni Crisostomo Ibarra.

Si Crisostomo Ibarra naman ay tumanggap ng sulat na dala ni Andeng. Sulat na galling kay Maria Clara na nagsasaad na ilang araw na silang hindi nagkikita at ipinagdarasal niya na gumaling ito sa sakit.

Sinabi rin niya na kinausap niya ang kaniyang ama para dalawin si Ibarra. Inanyayahan din ni Maria Clara na dalawin siya para makadalo siya sa paglagay ng unang bato sa iskwela.

Awiting Bayan o Kantahing Bayan

Awiting Bayan o Kantahing Bayan

Ang awiting bayan ay tinatawag din na Kantahing-bayan. Ito ay nasa anyong patula at binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod. Tungkol ito sa pang-araw-araw na buhay, kaugalian, karanasan, gawain o hanapbuhay, at paniniwala.

Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa mga kabataan.

Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival) ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Sa kabuuan, ang mga kantahing- bayan noong panahon ng pre-kolonyal ay mga katutubong awitin ng ating bansa at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Paruparong Bukid Dandansoy at Lawiswis-Kawayan.

Part 1

Part 1
Ang paglalahad tungkol sa kaharian ng Berbanya, hari at reyna at tatlong principe, ang pagkakasakit ng hari at ang pagsunod ni Don Pedro na hanapin ang Ibong Adarna .

Buod

Sa kaharian masagana at ang mga tao nabubuhay ng mapayapa na ang pangalan ay Berbanya, ang naghahari ay si Don Fernando at ang asawa niyang si Donya Valeriana.

Tatlo ang kanilang anak. Ang panganay ay si Don Pedro; pangalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan. Ang magkakapatid ay sinanay sa paghawak ng sandata nang kanilang pinili ang tumulong sa pagpapatakbo ng kaharian kaysa sa magpari.

Ang bunso ang paborito ng hari at reyna kaya nang managinip si Don Fernando na ang kaniyang anak na si Don Juan ay pinatay ng dalawang tao at inihulog sa balon, siya ay nagkasakit ng malubha.

Isang matandang manggagamot ang dumating sa kaharian at sinabing ang natataning lunas lamang ay ang awitin ng ibong Adarna na makukuha lang sa bundok Tabor.

Anang matanda, ang ibon ay humahapon sa puno ng Piedras Plata sa gabi at umaawit bago ito matulog. Sa umaga ay hindi ito matatagpuan.

Ang unang naglakbay para hulihin ang Ibong Adarna ay ang panganay na si Don Pedro.

Talataan:

Lunos-Lungkot
Matarok-maunawaan
Nililo-dinaya
Tumalima-sumunod
Marahuyo-maakit
Nag-aalimpuyo-nangangalit
Mayamungmong-madahon

Part 2

Part 2
Ang paglalahad tungkol sa Paglalakbay ni Don Pedro sa Bundok Tabor at ang sinapit niya sa Ibong Adarna

Buod

Sakay ng kabayo, naglakbay si Don Pedro ng tatlong buwan hanggang mamatay ang kaniyang kabayo at kinailangang lumakad siya para marating ang Tabor.

Nakita niya ang marikit na puno ng Piedras Plata. Napansin niya na walang ibon ang dumadapo sa puno. Sa paghintay niya sa Ibong Adarna , siya ay nakatulog. Pitong beses, kumanta ang ibon, nagpalit ng kulay ng balahibo at nagbawas bago ito natulog sa sanga.

Si Don Pedro ay napatakan ng dumi ng engkantadang ibon na siyang naging dahilan upang siya ay maging bato.

Talataan:

1. tumalima-sumunod
2. pinangulag-pinatayo
3. nag-aalimpuyo-nangangalit

Part 3

Part 3

Ang paglalahad ng Paglalakbay ni Don Diego para hanapin ang kapatid at ang ibong adarna

Buod

Makalipas ang isang taon at di pa bumalik si Don Pedro, si Don Diego naman ang naglakbay para hanapin ang ibong Adarna. Limang buwan ang nakaraan sa paghanap niya ng bundok. Namatay din ang kaniyang kabayo at tulad ng kapatid na panganay ay lumakad din siya.

Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa Bundok ng Tabor at nakita rin niya ang puno na ang ugat ay tila ginto habang ang mga dahon ay kumikinang.

Napansin niya ang isang bato pero mas naakit siya sa mga dahon ng puno at hindi rin niya napansin ang mga kawan-kawang ibong dumaan.

Matiyaga siyang naghintay at di nagtagal ay dumating ang ibong adarna. Nakita ni Don Diego ang ibon at pinilit hulihin nang magsimula itong umawit. Sa ganda ng awit, ang prinsipe ay nakatulog. Kagaya ng kaniyang nakakatandang kapatid siya rin ay naging bato matapos siyang madumihan ng ibon pagkatapos nitong kumanta

Talataan:

1. kinipkip-dinala sa kamay
2. nakadatal-nakarating
3. napagbulay-bulay-napag-isip-isip
4. nalilingid-natatago
5. nagahis-natalo

Part 4

Part 4
Ang paglalahad ng paglalakbay ni Don Juan para hanapin ang dalawang kapatid at ang Ibong Adarna

Buod

Makalipas ang tatlong taon, wala pa ring balita tungkol kay Don Pedro at Don Diego sa paghahanap ng mga ito ng Ibong Adarna. Ayaw utusan ng hari si Don Juan dahil baka matulad din itong prinsipe sa sinapit ng dalawang kapatid.

Si Don Juan ang nagpumilit dahil sa paglulubha ng ama. Tinakot niya ang ama na aalis siya nang walang paalam ag hindi siya pinayagan. Di katulad ng dalawang kapatid, hindi siya gumamit ng kabayo sa paglalakbay at nagdala lang siya ng limang tinapay. Ibig niyang magpakumbaba.

Sa daan ay nakasalubong niya ang isang matandang may leproso na humingi ng tulong sa prinsipe. Ibinigay niya ang natitira niyang tinapay . Bilang ganti, sinabi ng matanda na hanapin ang bahay ng isang tao na makakapagturo sa kaniya sa ibon.

Iniwanan ni Don Juan ang leproso at hinanap ang puno at ang bahay. Sa bahay ay nakita niya ang ermitanyo na nagbigay sa kaniya ng isang labaha at pitong dayap na gagamitin niya upang mapaglabanan ang antok habang kumakanta ang ibong adarna.

Binigyan din siya ng sintas na ginto (tali) upang siyang ipanghuli sa Ibong Adarna.

Sinunod lahat ng payo ng ermitanyo kaya nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.

Tinulungan din ng matanda ang prinsipe para gawing tao muli ang dalawa nitong kapatid
na sina Don Pedro at Don Diego sa papamagitan ng pagbuhos ng tubig.

Pinagaling din ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan. Bago umalis ang tatlo, nagpabasbas muna si Don juan sa ermitanyo.

Talataan:

1. Subyang-tinik
2. Nawawaglit-nawawala
3. mahumaling-magkagusto
4. parurunan-pupuntahan
5. namamanglaw-nalulungkot
6. nangungulimlim-dumudilim
7. nanambitan-nakiusap
8. kapakumbabaan-kababaang-loob
9. binabagtas-tinatahak
10. namanatag-namayapa
11. matarik-mataas
12. makakaniig- makakapiling
13. namamanglaw-nalulungkot
14. datay-nakaratay
15. itinatangis-iniiyak
16. matitimyas-matatamis o magaganda

Part 5

Part 5
Ang paglalahad ng Pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan at pagbabalik nila sa kaharian ng Berbanya.

Buod:

Habang pabalik sa kaharian, pinag-isipan ng masama ni Don Pedro si Don Juan. Kinausap niya ang kaniyang kapatid na si Don Diego na patayin nila si Don Juan upang maiuwi nila ang Ibong Adarna sa kanilang ama. Hindi pumayag si Don Diego; sa halip ay sa sinabi ni Don Pedro dahil kapatid nila ang papatayin nila.

Kahit hindi sang-ayon ay wala na ring nagawa di Don Diego nang sinabi ni Don Pedro na na bugbugin at iwanan si Don Juan na mag-isang walang pagkain at mahina. Sa ganoon ay mamatay din ito sa gutom at sa sugat.

Ganoon nga ang ginawa nila at sila ay matagumpay na umuwi dala-dala ang ibon.

Ang hari ay lalong nanghina sa pag-alala sa kaniyang bunsong si Don Juan.

Ang Ibong Adarna na alam kung sino talaga ang nakahuli sa kaniya ay hindi kumanta.

Hinintay niyang bumalik si Don Juan para matuklasan ang kataksilang ng dalawa niyang kapatid.

Talataan:

Umagapay-sumabay
Natalos-nalaman
Nasindak-natakot
Kauukilkil-katatatanong
Mapalugmok-mapadapa
Nag-apuhap- nag-isip, naghanap
Mapalisya-magkamali
Lilimiin-iisipin
Manukala- suhestiyon
Nalugod-nasayahan

Part 6

Part 6
Ang pagsasaad ng Pagdurusa ni Don Juan, pagtulong ng ermitanyo at pagbalik niya sa kaharian ng Berbania.

Buod

Sa pag-iisa at pagdurusa sa sakit ng mga sugat, naisip ni Don Juan ang kaniyang ama,

At ang kaniyang ina. Nagdasal din siya sa Panginoong Diyos na siya ay tulungang makita ulit ang kaniyang mga magulang kahit na naisip niya ang kasamaang iginanti sa kaniya ng kaniyang mga kapatid.

Dumating ang matanda at parang himala, ginamot siya sa kaniyang mga sugat at siya ay naging malakas ulit.

Punit-punit ang damit na bumalik sa palasyo si Don Juan. Nang Makita siya ng Ibong Adarna, umawit ito ng pitong beses na nagkukuwento kung paano pinagtulungan si Don Juan ng mga kapatid na sina Don Diego at don Pedro. Sa ikapitong awit kung saan sinabi ng ibon na dapat ipamana ang kaharian kay Don Juan, gumaling ang hari at tumayo.

Kahit na inapi ng mga kapatid napatawad pa rin sila ni Don Juan at sila’y nagsama-sama sa kaharian kasama ang Ibong Adarna.

Talataan:

Palamara-masama
Balintuna-kabaligtaran
Talinghaga-misteryo
Nautas-napatay

Part 7

Part 7
Ang pagkawala ng Ibong Adarna at paglalayas ni Don Juan sa takot na siya ay maparusahan ng Amang Hari at pagtigil nilang magkakapatid sa Armenia.

Buod

Inutos ng hari ang pagbabantay sa Ibong Adarna. Nang gabing si Don Juan ay nagbantay, siya ay nakatulog. Pinakawalan ni Don Pedro ang ibon.

Paggising ng prinsipe at nalaman niyang nawawala ang ibon, siya ay umalis dahil alam niyang paparusahan siya ng hari.

Nang malaman ng hari na naglayas si Don Juan, ipinahanap it okay Don Pedro at Don Diego.

Si Don Juan naman ay napadpad sa Armenia kung saan siya ay natagpuan ng dalawang kapatid. Sa takot na baka malaman ng hari ang katotohanan, minabuti ni Don Pedro at Don Diego na doon na rin manatili.

Sa kanilang paglalakad, may nakita silang balon. Napagpasiyan nila na alamin kung ano ang nasa ilalim. Una at ikalawang ibinaba sa balon ay si Don Diego at Don Pedro, nguni’t sila ay natakot bago man nakarating sa ilalim.

Talataan:

Kaginsa-ginsa-hindi inaasahan
Tumahan-tumira
Matarok-maunawaan

Part 8

Part 8
Ang pagsasaad nang pagligtas ni Don Juan sa dalawang Prinsesa na natagpuan niya sa balon at ang pag-iwan sa kaniya ng mga kapatid upang siya ay mamatay nang tuluyan.

Buod

Nang si Don Juan na ang ibinababa sa balon, hindi siya tumigil hanggang hindi niya naabot ang ilalim.

Ang Higante

Pumasok siya sa isang pinto kung saan nakita niyang may daang kumikinang sa linis na tila kristal. Ang mga bulaklak ay namumukadkad at nagsasabog ng bango. na kristal at may mga bulaklak na mababango Sa isang bahay, siya ay tumawag kung may tao at nakita niya si Princesa Juana na bilanggo ng isang higante.

Hinamon ni Don Juan ang higante at napatay niya.

Si Prinsesa Leonora at ang Ahas na may Pitong Ulo

Bago sila umalis, ipinagtapat ni Princesa Juana na may kapatid siyang bilanggo naman ng malaking ahas na may pitong ulo.

Iniligtas din ni Don Juan si Princess Leonora. Tinulungan din siya ng prinsesa sa pamamagitan ng pagbigay ng isang bote na ang lamang balsamo ay kailangang ibuhos sa ulo ng ahas upang hindi ito makadikit ulit pagkatapos maputol.

Kasama si Princesa Leonora, si Princesa Juana at ang alagang lobo ni Princesa Leonora, si Prinsipe Juan ay umakyat sa balon sa tulong ng kaniyang dalawang kapatid.

Umibig si Don Pedro kay Princesa Leonora na ang pag-ibig naman ay nakatuon kay Prinsipe Juan.

Muling Pagtataksil

Bumalik si Don Juan sa balon upang kunin ang singsing na diamante ni Prinsesa Leonora na kaniyang naiwanan. Di pa man siya nakababa ay pinutol na ni Don Pedro ang lubid ng nasa sampung dipa pa lang ito.

Inihulog din ni Prinsesa Leonora ang kaniyang lobo para tulungan si Don Juan. Bumalik na sa Berbania sina Don Pedro, Don Diego, Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.

Naniwala ang hari sa kuwento ng dalawang magkapatid na patay na si Don Juan at silang dalawa ang nagligtas sa dalawang prinsesa.

Ikinasal kaagad si Prinsesa Juana at Don Diego samantalang si Prinsesa Leonora ay humingi ng palugit na pitong taon dahil sa kaniyang panata. Humingi siya ng sariling silid upang doon niya tuparin ang panatang iyon.

Pansamantalang tagumpay

Nakita ng lobo na isang engkantado ang sugatang si Don Juan. Ginamot niya ang prinsipe sa pamamagitan ng tubig na nanggaling sa Dagat Jordan. Pagkatapos gumaling si Don Juan, kinuha niya ang singsing na diamante ni Prinsesa Leonora at lumakad siya pabalik sa Kaharian ng Berbania.

Sa kapaguran, nagpahinga si Don Juan sa ilalim ng puno. Dumating ang Ibong Adarna at kumanta na nagsasaad ng pag-iisip ni Prinsesa Leonora sa kaniya subalit meron pang isang babaeng mas maganda kay Prinsesa Leonora. Siya ay si Donya Maria Blanca, anak ng Haring Salermo ng kaharian ng De los Cristal. Siya ay pinakamatanda sa tatlong prinsesa na sina Isabel at Juana.

Talataan:

Humahalimuyak- nagsasabog ng amoy na mabango
Namamangha-nagugulat
Tampalasan-malupit
Naghamok-naglaban
Magpahingalay-magpahinga

Part 9

Part 9
Ang pagsasaad nang panibagong paghahanap ni Don Juan sa Kaharian ng De los Cristal at paglalakbay patungo doon sa pamamagitan ng agila

Buod

Pagkakasalubong sa isang gusgusing matanda
Matagal nang naglalakbay si Don Juan pero hindi pa rin niya makita ang kaharian ng de
los Cristales.

Sa kaniyang kagutuman, humingi siya ng pagkain sa isang matanda na binigyan siya ng bukbuking tinapay na nang tinikman niya ay anong sarap. Ang tubig da bumbong ay tila hindi nababawasann.

Tinanong niya ang matanda ng direksiyon patungong delos Cristal, ngunit walang masabi ang matanda na nagsabing isandaang taon na siyang naglalakad ay wala pa siyang naabot ng ganoong lugar. Pinayuhan na lang na hanapin niya ang ermitanyo na maaring makapabigay sa kaniya ng tungkol sa kahariang hinahanap. Binigyan niya ng kapirasong damit na ipapakita ng prinsipe sa ermitanyo para tulungan siya.

Samantala si Prinsesa Leonora ay patuloy pa rin ang pagtangis at paghihintay kay Don Juan.

Ang Unang Ermitanyo

Matapos ang limang buwan ay nakarating si Don Juan sa ikapitong bundok kung saan nakita niya ang ermitanyo na mahaba na ang buhok sa katandaan.

Ayaw kausapin ng ermitanyo si Don Juan kung hindi niya ipinakita ang piraso ng damit na ibinigay ng matanda. Umiyak ang ermitanyo nang makita ang damit at sinabi ninyang Iyon ay damit ni Hesukristo.

Humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang mga sala.

Sinabi ng ermitanyo na limandaang taon na siya at wala pa siyang nalalamang ganoon kaharian. Sinangguni rin niya ang mga hayup kung may nalalaman sila pero wala ring masabi ang mga dumating sa kaniyang panawagan.

Sa huli ay pinayuhan niyang sumangguni sa kapatid niyang ermitanyo rin na nasa ikapitong bundok. Pinasakay niya ito sa likod ng isa niyang alaga na siyang naglipad sa kaniya sa kaniyang pupuntahan.

Ikalawang Ermitanyo

Katulad ng naunang ermitanyo, ayaw ding makiusap ang walongdaang taon na ermitanyo kung hindi ipinakita ni Don Juan ang piraso ng damit ni Jesus.

Tinanong din ng ikalawang ermitanyo ang mga hayup kung alam nila ang de los Cristal na kaharian. Isang agila ang nakapagsabi kung nasaan yon.

Pinasakay siya sa likod ng agila at naglakbay sila nang isang buwan.

Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.

Talataan:

Ipagbabadya-sasabihin
Mamangha-magtaka
Bumukal – dumaloy
Matatap – malaman

Part 10

Part 10
Ang pagsasaad nang pagkikita ni Don Juan at ni Prinsesa Maria Blanca.

Buod

Ang Pagkikita ni Prinsea Maria Blanca at Don Juan

Tulad nang sinabi ng agila, dumating ang tatlong prinsesa sa anyong kalapati pagsapit ng ikaapat ng madaling-araw. Hinintay ni Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria Blanca. Nang naliligo na ang prinsesa ay itinago ni Don Juan ang damit nito at hindi inlilabas hanggang makalipas ang isang oras at nagpupuyos sa galit and dalaga.

Nagpakumbaba ang prinsipe sa paghingi ng tawad sa prinsesa na naawa naman sa binata at kaniya nang pinatawad matapos itong magpakilala na siya ay mula sa kaharian ng Berbania.

Nagpahayag si Don Juan ng pag-ibig kay Prinsesa Maria Blanca. Ipinaliwanag ng prinsesa ang haharapin niyang pagsubok mula sa ama niyang Haring Salermo na gigising pagdating ng ikalima ng umaga.

Ipinakita niya na ang mga bato na nakapaligid sa kanila. Sila raw ay mga prinsipe, konde at mga kabalyero na tinalo ng kaniyang ama at ginawang bato ang katawan.

Dahil sa gusto na rin ng prinsesa si Don Juan, tinuruan niya ito kung anong gagawin pag nakita ang kaniyang ama. Una huwag niyang tatanggapin ang imbitasyon sa palasyo.
Sundin niya lahat ang iuutos sa kaniya at ang prinsesa ang gagawa ng paraan upang iyon ay matupad.

Sabay-sabay na umalis ang mga prinsesa na nag-anyo ulit na kalapati.

Talataan:

Nangaduhagi- nangatalo
Tumangan-humawak
naraig-natalo

Part 11

Part 11
Ang pagsasaad nang pagsubok kay Don Juan ni Haring Salermo .

Buod

Nagising nga ang hari at itinanong kay Don Juan kung ano ang pkay niya sa de los Cristal. Kagaya nang sinabi ni Prinsesa Maria Blanca, sinabi niya na gusto niyang mag-asawa sa isa sa mga prinsesa.

Nang inimbita siya sa palasyo ay tumaggi siya pero tinanggap niya lahat ang pagsubok nqa ibinigay ng Hari.

Unang pagsubok ay ang pagpantay ng bundok kung saan itatanim ang trigo na pinakuha niya sa kaniyang mga utusa. Itatanim ni Don Juan ang trigo, patutubuin, gagapasin, gagawing arina para malutong tinapay na siyang kakainin sa almusal ng hari.
Sa pamamagitan ng puting mahika ni Prinsesa Maria Blanca, nagawa ni Don Juan ang iunots ni Haring Salermo. Kinabukasan namangha siya nang makita niya ang tinapay mula sa trigo.

Ikalawang Pagsubok

Pinakawalan ni Haring Salermo ang alaga niyang mga Negrito mula sa kinakulungang nitong malaking bote sa malawak na karagatan.
Utos kay Don Juan ay ibalik ang labindalawang Negrito sa bote kinabukasan paggising niya.

Muli ay tinulungan ni Princesa Maria Blanca ang prinsipe kaya kinabukasan ay namangha ang hari sa pagkakatupad ng kaniyang utos.

Ikatlong Pagsubok

Isang bundok ang hiniling ni Haring Salermo na pagalawin para makita niya kinabukasan sa harapan ng kaniyang bintana.

Ginawa ni Prinsesa Maria Blanca ang utos ng hari para kay Don Juan. Napg-isip-isip ang hari at ang kaniyang konseho na mas may alam ang lalaking ito kaysa sa mga naunang naghangad na mapakasal sa prinsesa.

Ikaapat na pagsubok

Inutos niya kay Don Juan na ang bundok na inilapit niya sa bintana ay dalhin sa karagatan at gawing kastilyo.

Ibinigay niya ang mga gusto niyang makita sa kastilyo.

Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging doon sa kastilyo.

Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng hari kay Don Juan.

Ikalimang pagsubok

Habang kasama si Don Juan sa kastilyo, inisip ng hari kung saan kumukuha ng kapangyarihan ang prinsipe.

Sa pagiinspeksiyon ng kastilyo, nahulog ang sing sing ng hari sa karagatan.
Ang ikalima niyang utos ay pag-alis sa kastilyo sa karagatan at pagbalik sa bundok
sa dati nitong kinalalagyan.

Ang lahat ng ito ay madali lang nagawa ni Prinsesa Maria Blanca.

Ikaanim na Pagsubok

Angikaanim na utos ay ang paghanap ng singsing na nawala sa karagatan. Kinailangan ang tulong ni Don Juan para ito maisakatuparan ni Prinsesa Maria Blanca.

Sumakay sila sa isang batya at inutusan niya ang prinsipe na tadtarin ang katawan niya. Sumunod naman ang prinsipe. Nang matadtad ay naging maliliit na isda ang prinsesa.

Sa unang ahon ng daliri Prinsesa Maria na hawak ang singsing, walang kumuha sa singsing kasi nahimbing si Don Juan. Sa ikatlong pagbalik niya at tulog pa rin ang binata, bumalik siya sa katawan niyang tao at muling inutusan si Don Juan na siya ay tadtarin at abangan ang kaniyang paglutang ng kaniyang daliri na may hawak ng singsing.

Dahil sa pagkakamali sa pagtadtad, tumilamsik ang isang dulo ng daliri ng prinsesa. Ito ang sinabi niyang maaring palatandaan niya sa darating na araw.

Naibalik ni Prinsesa Maria Blanca ang singsing sa ilalim ng unan ng hari bago ito nagising.

Ikapitong Pagsubok

Hindi talaga sumuko ang hari sa pagsubok sa prinsipe. Ang sumonod na utos ay ang pagpapaamo sa isang kabayo.

Nalaman ni Don Juan na ang kabayong yaon ay mismo ang hari at ang dalawang nagpapatakbo ay ang dalawa niyang kapatid samantalaong siya ang makakapagpahinto sa kabayo.

Sinabihan niya na huwag huminto ng pananakit sa kabayo hanggang hindi ito lumuha at mapagod.

Sa huli ay tinanggap na rin ni Haring Salermo na mas may kapangyarihan si Don Juan.

Talataan:

Mapakilangkap- maisama
Ginapas-inani

Part 12

Part 12
Ang pagsasaad ng pagpili ni Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca, ang pagtakas nila at ang pagtatagisan ng mahika ni Haring Salermo at ni Prinsesa Maria Blanca.

Buod

Ang Pagpili ng mapapangasawa

Walang nagawa ang Hari kung hindi payagang pumili nang mapapangasawa si Don Juan sa kaniyang tatlong prinsesa.

Hindi inilantad ang mga mukha ng tatlong prinsesa pero napili ni Don Juan si Prinsesa Maria Blanca dahil sa kulang ito ng isang daliri.

Nagpasya ang hari na ipadala sa kapatid niya sa Englatera ang dalawa upang siya ang magdesisyon kung ipapakasal ang dalawa o hindi. Pag hindi nagustuhan si Don Juan ay papatayin siya ng kapatid ng Hari.

Ang Pagtakas sa delos Cristal

Nalaman ito ni Prinsesa Maria Blanca kaya nag-isip itong tumakas. Inutusan niya si Don Juan na kunin ang ikapitong kabayo mula sa kuwadra pero sa pagmamadali niya ay ang ikawalong kabayo ang nahila niya. Nakita kaagad ng prinsesa ang mali kaya minadali na niya ang pagtakas. Pero nalaman ng Hari ang kanilang balak at hinabol niya ang dalawa.

Ang Paglalaban ng mahika ni Prinsesa Maria Blanca at ang kapangyarihan ni Haring Salermo

Sa pagkakamali ni Don Juan, ang kabayong nakuha ay hindi makatakbo nang matulin kaya itinapon ni Prinsesa ang karayom niya at ginawang mga pako sa daanan ng kaniyang amang humahabol. Huminto ang hari ng dalawang araw para lang malinis ang
dadaanan.

Muling humabol ang hari at nang malapit nang maabutan ang prinsesa at si Don Juan, itinapon ni Maria Blanca ang kaniyang sabon na naging bundok ng bula. Hindi makahabol ng hari at mga kawal nito kaya sila ay lumigid sa bundok.

Nang maramdaman ng prinsesa na malapit na naman silang abutan ng humahabol, gumawa siya ng karagatan na siyang nakapahinto sa kaniyang amang humahabol.

Benindisyonan niya ang anak at isinumpa na makakalimutan ito ni Don Juan pagdating si Berbania. Sa sama ng loob ang hari ay namatay.

Nakarating sa Berbania sina Prinsesa Maria Blanca at tulad ng sinabi ng Hari, iiwanan ang prinsesa sa labas ng kaharian. Sinabihan ng prinsesa na huwag magpapalapit sa babae ang prinsipe, kahit sa ina nito dahil makakalimutan siya.

Talataan:

Natanto- nalaman
Nangamba-nag-alala
Mapaluwal-mapalabas

Part 13

Part 13
Ang pagsasaad ng pagpapakasal ni Don Juan kay Prinsesa Leonora at pagpapaalala kay Don Juan tungkol sa delos Cristal at ang mga ginawa ni Prinsesa Leonora

Buod

Pag pasok sa kaharian ni Don Juan ay lumabas kaagad si Prinsesa Leonora at lumapit sa kaniya. Agad nakalimutan ng prinsipe ang iniwanang si Prinsesa Maria Blanca.

Ipinagtapat ni Prinsesa Leonora na mahal niya si Don Juan at hindi ang tampalasang si Don Pedro.

Itinakda kaagad ng hari ang kasal nila kinalingguhan. Samatala, naghintay si Prinsesa Maria Blanca ng tatlong araw. Nalaman niya sa balita na pakakasal si Don Juan sa Linggong darating.

Kumuha siya ng isang magarang karosa, nagsuot siya ng magarang damit at dumalo sa kasal.

Inihinto muna ni Haring Fernando ang kasal para makapagpakita ng sayaw at laro ang Emperatris na dumating.

Ang naglalaro ay isang negrito at negrita na siyang nag-papaalala sa negrito sa mga nangyari habang pinapalo ito ng negrita ng suplina pagkatapos sumayaw.

Sa huli at hindi pa rin maalala ni Don Juan kung sino si Prinsesa Maria Blanca ay binalak nitong basagin ang malaking bote sa tinding galit.

Dito naalala ni Don Juan kung sino ang emperatriz at siya ay himingi ng tawad. Hiniling niya sa ama na pakakasalan niya si Prinsesa Maria Blanca st hindi si Prinsesa Leonora.

Part 14

Part 14
Ang pagsasaad ng pagpapakasal ni Don Pedro kay Prinsesa Leonora at ni Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca

Buod

Nagpaliwanag si Prinsesa Leonora tungkol sa pagligtas sa kaniya ng prinsipe at ang pagtangkang pagpatay ng mga kapatid kay Don Juan nang iniwan ito sa balon.

Ang Haring Fernando ay nagpasiya na ipakasal si Prinsesa Leonora kay Don Juan.

Si Prinsesa Maria Blanca naman ang nagsalaysay kung paano niya iniligtas ang buhay ni Don Juan sa kamatayan mula sa makapangyarihan niyang ama.

Naguluhan ang hari kaya ito ay sumangguni sa Arsobispo na sinabi naman na dapat ay pakasalan ni Don Juan si Prinsesa Leonora dahil ito ang unang naging katipan.

Nagalit si Prinsesa Maria Blanca kaya itinapon niya ang tubig na nasa malaking bote. Bumaha sa palasyo at natakot ang mga tao.

Nagpasya si Don Juna na siya ay pakakasal kay Prinsesa Maria Blanca.

Sumangguni ulit ang hari sa arsobispo na nagpasyang magkaroon ng dalawang kasalan, sina Don Pedro at Prinsesa Leonora at si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.

Tinaggihan ni Prinsesa Maria Blanca ang setro at korona dahil meron din siyang kaharian.

Ang setro at korona ay napunta kay Don Pedro at Prinsesa Leonora.

Tapos magpaalam ay bumalik na sa kaharian ng de los Cristal si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.

Ang mga tao sa kaharian na ginawang hayup at batong malupit na hari ay ibinalik nila sa kanilang taong anyo.

Namatay na rin ang mga kapatid ni Prinsesa Maria Blanca.

Kaya silang mag-asawa ang naging bagong emperador at emperatriz sa nasasakupan nila.

The End

Martes, Setyembre 21, 2010

Tigre! Tigre!

Tigre! Tigre!
Ni Mochar Lubis
Salin ni Mauro R. Avena

Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan ang tubig na nabubuong mga alon sa malayong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabang paglalakbay, hanggang sa mga tuktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago ang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latian na hitik sa bakawan ay bumubuo ng sala-salabat ng hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno’t halaman ay patuloy sa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo’y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga’y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot. Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito’y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman at nagtatayuang punongkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidarya. Sa loob ng gubat, kayraming ibon at iba’t ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ng mga itim na leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto.

Maraming parteng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito’y puno ng latian na pinag-aabangan ng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa at madilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-iba sa mga engkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan ng mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa’y napapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masangsang na amoy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung -bulong. Walang di naakit huminto at magpahinga roon. Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar – isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik - at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo’y tumira roon, pero nilisan nila iyon noong sila’y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo’y paminsan-minsan na lang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mga produkto ng gubat. Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nang nasa gubat sa panganganap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na siya ay nananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing ng damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay ng husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya’y di pa siya naratay sa banig. Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan. Nagpunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, naglakbay sa malalayong daungan ng mga puti at ng kanilang maiingay at groteskong siyudad. Pero tinawag siyang muli sa kanyang nayon. Kaya’t pagkaraan ng dalawampung taong paglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa sa pilgrimahe sa Mecca upang tupdin ang kanyang obligasyong panrelihiyon. Saka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar, isang gawaing inumpisahan niya nang trese anyos, ng unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinasabi na kuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar. Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan. Maitim ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal at ang kanyang braso’t binti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo’t makakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya’y eksperto sa pencak. Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot. Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroon ng sariling pamilya. Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beyntesingko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutungtong lang sa pagkadisinuebe at walang asawa. Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ng maharlika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok, isang lalaking itinuturing na lider ng marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan. Kailanma’y di nila pinagdududahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok ang puno ng mga mangunguha ng damar. Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwenta anyos. Siya’y di masalita, maliit ang katawan pero gayunma’y masipag magtrabaho. Sa sinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya’y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito’y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito. Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormal na sosyohan at bawat isa’y may layong magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo, ang pakiramdam nila’y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain. Sa mata ng kanilang kanayon, sila’y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya’y bata pa, napabalita sa nayon ang paggamit niya ng pencak laban sa isang osong humarang sa kanyang daan sa gubat pero bilang shaman, siya’y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu.

Hinangaan ng mga taganayon si Pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito – malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sa taumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan at sariling dangal. Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca. Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibangbayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang magasawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangan siyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi at di siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba. Sina Sutan, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mga kabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila sa kanilang kapwa, tapat sila sa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ang loob, at nalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan. Ngayo’y nasa loob sila ng gubat. Dala ni Wak Katok ang kanyang ripple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar. Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso na balak niyang gawin ngayon. Dalawang buwan na ang nakararaan, nakakita sila ng isang usa na pumasok sa huma, o kaingin, ni Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam na pinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon ang pinagkukunan nila ng damar. Luma na ang ripple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kay Wak Katok. Ang ripple at tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya’y kris, o maigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuotan ng isang lalaki, pero ang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng control na katumbas ay kapangyarihan. Nasisiyahan si Wak katok na ipahiram kay Buyung ang ripple, na inaalagaan nitong mabuti. Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo’y nalangisan na at nasa mas mahusay na kundisyon kaysa pagkapahiram. Panay ang pahid ni Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya’t ang bakal na iyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Ang kamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura.

Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumang ripple na binabalahan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una, kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping sasalaksakin ng barilya. Tapos, ang bala ay kailangang ipasok sa kanyon at pataktak na pabababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa o baboy-damo ay maaring makatakbo na at mawala. Ang baril na sa bunganga binabalahan, kailangang asintado ang gumagamit – dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansa ang mangangaso. May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay ang pinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pang okasyon, siya at si Wak Katok – kasama ang ilang lalaki sa nayon – ay nanghahanting ng isang kawan ng mababangis na baboy-ramo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihing hindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo’y tunay na malaking papuri, kaya’t kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila’y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo na walang makapapantay kay Wak Katok sa galing sa papamaril, pangangaso, pagbasa at pag-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkahalatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat. Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galing ni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mga paraan sa pagtatanggol sa sarili, napapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sa direksyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan. Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang gumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam. Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba. May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatang nahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay Wak Katok na gamitan iyon ng mahikanegra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae, at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo. Na iniwan niyon pati na ang kanilang mga anak.

Si Wak Katok na may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe. Mayroon siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayon sa mga tao’y nagagawa rin niyang magtagabulag – gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan. Tinatrato ni Buyung na mapalad siya’t naging pupilo ni Wak Katok at napabilang sa mga kasamahan nito sa gubat. Malaki ang pag-asa ni Buyung at ang kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ng mga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhang mabuti ang mantra na pang-akit sa babae.

Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga ni Wak. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noong sila’y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyang tutuksuhin si Zaitun hanggang ito’y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito, at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama’y nagbinata, at di na sila maaring magtagpo tulad ng dati.

Hindi masabi ni Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa’y magiliw ito. Kung ito’y nautusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda ang ipinapakita nito kung siya’y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito at tatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita ni Zaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa titig na parang di siya nakikita. Kapag nilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok. Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. “Bata ka pa,” sabi nito “at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae sa nayon. Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki – kung pagtawanan ka ng isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhugin ka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa’y panggayuma sa asawa ng may-asawa.” Minsa’y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-isip kung mapapaibig niya si Zaitun. Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya. Maya’t maya’y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito. Minsa’y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mga kaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito. Balingkinitan ito, ang braso’t binti’y kaakit-akit. Ang balat nito’y maputlang dilaw na bunga ng duku, at ang mga ngipi’y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi ito ngumunguya na nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya’t laging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sa sala – sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo’y dinuduraan nito ng nginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tignan kung saan dumudura, pero para itong bingi. Kailanma’y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya. Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun. Minsa’y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labas lang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun, narinig niyang sabi ng kanyang ama, “Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali.”
“Oo”, tugon ng kanyang ina. “Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, at
paladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa banal na libro. At nakatapos pa ng pag-aaral.
“Binata na si Buyung – disin’webe – at magaling magtrabaho”, sabi ng ama niya.
“Ewan ko lang,” sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak.
Si Buyung ay nasa tama nang gulang. Nakatapos na siya sa iskwelahang publiko, at dalawang
beses na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay.
“Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal,” narinig niyang mungkahi ng kanyang ama.
“Sa tingin mo ba’y gusto siya ni Zaitun?”
“Lahat ng dalaga sa nayo’y gustong pakasalan si Buyung.”
Natawa ang ama niya. “Sa mata mo, wala nang gug’wapo pa sa iyong anak.”
Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, at
ang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin. Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong si Buyung tungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa’y hiningi nito ang payo ni Buyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung.Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi ang aso ni Buyung - iyon ang madalas maunang sumalakay. Walang nakakitang tunay na sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak lang niyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kaniya-kaniyang mga magulang. Alam ni Buyung na kadalasa’y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumang pinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magiging asawa, at piliin din siya nito. Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling ito sa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo’y di rin ito pahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at rattan mula sa bundok para ibenta sa palengke, at paminsan-minsa’y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka.

Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay na masayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mga opisyal ng nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubos maisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pang walang problema kung umasta. Di ba’t nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maraming responsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib. Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sa daan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, “Wala, ‘yan. Pagkapawi ng ulap ay langit.” Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, “Huwag ka nang umungol. Isipin mo ‘yong perang pagbebentahan mo n’yan.” Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay. Minsan, nang sila’y nanghahanting, gamit ang ripple ni Wak Katok, pinaputukan ni Buyung ang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghahanap ang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa sarili, pero tulad ng inaasahan, tinanong siya ni Sanip, “Ba’t mo poproblemahin ‘yon? Magkakaanak ang usang iyon –  mas marami kang mahahanting pagdating ng araw.”
Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aala ni Sanip, at paangil itong sumagot, “Pa’no mo nalaman? Posibleng nahuli ‘yon ng tigre.”
“E ano? Di ‘yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga,” pakindat na dagdag
nito, “ay mahusay ka sa pagbaril.”

Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mga kaibigan. Laging may dangung-dangung, parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtog niya tuwina pag may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya, kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang pagkain at saglit pa’y naroon na sila’t nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero minsan naririnig sa kanya ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa’y tinutugtog niya ang gayong nakakapaghimutok na mga balada kapag sila’y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talib ang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at nag-uumpisang kumanta. Sa pagkakataong iyo’y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo’y magsasabayan sa malulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangung-dangung, sa saliw ng mapangulilang plawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanap ng karinyo at pag-unawa. Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di nagawang di mabagbag sa musika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, na wari’y naglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pipikit sa
pagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na. Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa’y may kani-kaniyang mga alaala at pagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante. Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo – at ang buhay sa kabuuan – ay midilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan, sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, ang asawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero ni minsa’y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang. Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip at laging magkasama sa lakad. Kapag umuulan habang sila’y magkakasama sa gubat at sila’y sumisilong sa isang kubol na gawa sa dahon ng saging, si Talib ang magsasabi, “Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!” Sa masayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip,
“S’werte lang – makapagpapahinga tayo!”
Matatawa ang lahat at mapaparelaks. Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan. “Anong s’werte”, sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. “Doble ito sa kadalasan nating nahahakot.”
“Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!” masaklap na sukli ni Talib. Hindi pasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito’y matapang. Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kaya nilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis ng sibat, at siya ang sinibasib, di alintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat, sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilapa na ng mga aso. Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, at gayong puti na lahat ng buhok nito, iyo’y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang bigat ng damar na kaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ng iba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sa kanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga. Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador, magkusinero at maging katulong sa kuwadra sa Sultan ng Johore bago siya magkaroon ng sapat na pera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahe sa sirko na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo’y napilitan niyang iwan ang kanyang trabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos ng asawa ng mang-aawit na Intsik. “Palagay ko’y di tama ‘yon,” tawa ni Pak Haji, “kaya umalis ako.” Tapos, nagkusinero siya sa isang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sa
kanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tulad ng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siya bumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalim ng isang guro. Mula sa India , naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia.

“Ilang buwan kaming nasa daan”, sabi ni Pak Haji. “Sa pagitan, marami akong sariling lakad na ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghana na nakakahiwa ng dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahagi ng kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahika sa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ng palabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nag-umpisa, binulungan niya akong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako’y bigla siyang sumulpot sa k’warto sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyari pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbong sinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit ng pulutong. Dagli kaming nakalabas ng s’yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtagpuan namin. Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko ang salamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag na pambiyahe.
“Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayad muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabilis kong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko’y maghintay sila habang kumukuha ako ng gamut, imbes, sa k’warto natin ako tumakbo!”
“Pero ba’t ka tumakbo?” tanong ko.
“Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati yong dila.”
“Pano ‘yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?”
“Di ba may isa pang salamangkero, ‘yong kalaban ko; kaya n’ya ‘yon? Di subukan niya.
Kung di niya ‘yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao, at buong lakas siyang tumawa.

Wala sa kanilang nakatitiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino ang makapagsasabi? Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigil iyon sa maraming daungan ng Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabi niyang sinubukan niyang manirahan sa ibang bansa, pero, lagi ang puso niya’y hinahatak ng nayon. May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isang barko, gayong, liban dito ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat.

“Sumisikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang ingay sa gubat. Dito’y ligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop – ang ila’y mainga’y, ang ila’y tahimik. Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, naroon lamang ay ang hungkag na dilim.” Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilang nayong Air Jemih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga sa Sungai Air Putih. Papasok sa gubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin. Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalaki nitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ng isda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob ng gubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit na mahusay pangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki. Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar, nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sa batuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy na umaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol - ang mga ito’y sama-samang nagbibigay ng damdamin ng pagkakuntento. Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jemih hanggang sa gubat ng damar. Ang mga lalaki’y may baong bigas at sili na isinasaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin, kape, asukal, at palayok para pagsaingan at pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala ng lambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa’y nakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ng pagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sa nayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ng damar.

Matanda na si Pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba’y mas mukha siyang siyento anyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim pa rin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas, at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain. Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang popular na guro ng silat, isang paraan ng pagtanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan, Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat daw siya ng mga masasamang espitiru, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang na nakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tigabulag na nakapagdadala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi’y maraming pagkakataong inilipad siya nito sa banal na lunsod ng Mecca. Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutch noong 1926, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon, ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan.

Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang ni iskwerel ay di maaring makaaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isa sa kanila sa Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwas sa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang puno ng saging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilang mailap na kaaway. Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isang araw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamang lalaki sa nayon. Walang makapagsasabi kung bakit hindi dumating ang mga Dutch upang siya’y dakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo’y may kinalaman sa kanyang mahika. Sari-sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamana ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na nagtagpo sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan. Ayon sa isa pa’y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyang tinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto ang buhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyat sila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ng balita na minsa’y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walang sinumang nakakita niyon. Apat ang naging asawa ni Pak Hitam.
Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya’y mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang dosena sa bawat pagkakataon. Nagkalat ang kanyang mga anak sa mga kalapit-nayon at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon. Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyon na parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, “Sino ka ba? Kung makaarte ka’y bahay ito ng tatay mo.” Sagot ng bata, “Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si Ibu Khadijah.”

Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih. Dito’y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at ang kanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay. Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat lagi niyang dala ang isa sa kanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasama niya. Nakuha ko ito kay Princess Jatachiko. Ang pinakamaganda’t bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang naka- raraan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo’y nawala na ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mga asawa ay nakapanganak na. Ayon kay kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito’y agad nabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarako niyon. Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina’y sinisikap ng pitong lalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matagalan kung sila’y babalik doon, sa gubat na lang sila nagpapalipas ng gabi. Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda sa harap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si Pak Hitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doon nagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda, sibuyas, sili at ilang klase ng tuyong hiyerba. Ang beranda’y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding ay may dalawang kuwarto – ang isa’y tulugan ni Pak Hitam at ng kanyang asawa, at ripleng panghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuha sa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita niya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim na kahoy na nalilinyahan ng pampatibay ng tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kung ano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya na maaaring puno ng ginto ang mga ito tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isa iyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam? Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakas-loob? Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon sila nagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay.

Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ng
babae, at ang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baon ng gulay mula sa sariling hardin. Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, kamote na iniihaw sa nagbabagang uling. Umagang-umaga’y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya’y kung gabi, bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilya habang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersyon, sampu ng mainit na kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat. Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sarili niyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin ni Buyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapahid ng luha sa mata. Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah kung hindi lang siya lokung-loko kay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito’y may-asawa, at si Pak Hitam pa, sapat na iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito. Ang mga suso nito , gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong, mamasa-masang mga labi, at bilog na nangingislap na mga mata, at itinatampok na mahabang itim na buhok na abot-baywang. Madalas pagmasdan ni Buyung ang nakalugay an buhok niyon – makapal at nangingintab – habang ito’y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisngi nito’y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit. Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah ang kanilang pinag-uusapan.

“Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam, ang kanyang asawa,” sabi ni
Talib.
“Ako rin, pero kung siya’y dalaga pa,” dagdag ni Buyung.
“Kagabi’y napanaginipan ko s’ya,” sabi ni Sanip. “Napuna n’yo ba kung pa’no halos lumuwa
sa kanyang blusa ang suso tuwing yuyuko s’ya upang hipan an gatong?”
“Kaninang umaga’y tinulungan ko s’yang magrikit,” parang tugon na sabi ni Buyung.
“Napuna n’yo ba kung pa’no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?” makahulugang tawa ni
Sanip.
“Sa edad n’ya bang iyon?” may pagkamanghang tanong ni Talib.
“Oo nga, diba napakatanda na n’ya para r’on?” Ibig malaman ni Buyung.
Natawa si Sanip.”Pakinggan n’yong magsalita itong si Buyung,” sabi niya. “Nakalimutan mo
na ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko.”

Napahiyaw sila sa pagtawa.

“Hindi bale – di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam,” sabad ni Sutan .
“Nakita n’yo ba kung pa’no niya pagmasdan si Siti Rubiyah ‘pag wala si Pak Hitam? Hinuhubaran
n’ya ito ng kanyang mga mata, higit pa r’on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo, Sabagay, gusto ko ring gawin ‘yon.”

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin.

“Bata o gurang,” sabi ni Sanip, pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki. Isang bagay
lang ang nasa isip niya.”

“Hindi ako,” sabi ni Buyung, “Okey siyang talaga, di ako sintapang n’yo. Takot ako kay Pak
Hitam.”

Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki.”Di ka pa binyagan at di mo pa
naiintidihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi’y di ka magsasalita nang ganyan. Wala ka pang alam sa bagay na’to,” kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik na tawa kay Buyung na kulang pa ng karanasan. “Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maiintindihan mo ang lahat,” sabi ni Sutan , patungo sa direksyon ni Buyung. Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nang makita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan.

“Siguro, bago ka sumiping kay Zaitun,” sabi ni Talib,” di masamang magpraktis ka muna kay
Siti Rubiyah.”

Sa gitna ng alon ng tawanan, sumabad si Sutan, “ni hindi mo kailangan ang kama.”
“Gan’on talaga,” sabi ni Sanip. “Gusto ng mtatandang lalaki ang batang asawa, at ganoon din
ang matatandang babae. Ang nagpapabata sa kanila.”

“Anak ng – kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rubiyah. Nakapuna siya ng
pagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa’y kawalang bahala , tuloy,
ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaring
napupuna iyon ni Pak Hitam. Pero nitong nakaraang ilang buwan, kadalasa’y may sakit si Pak Hitam at napipirme sa kanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Pak Katok, at Pak Balam, pero ang mga nakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli. Takot sila kay Pak Hitam at kailanma’y di sila mapakali sa harap nito. Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyang bigote’t balbas. Pero itim pa rin ang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik at nakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito ang nagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol ay mabilis pa ring nakapagsasanib at nakamamatay.